31/08/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐ฏ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐จ๐๐ ๐พ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐
Sa tuwing sumasapit ang Buwan ng Wika, hindi lamang natin ipinagdiriwang ang ganda ng wikang Filipino kundi maging ang yaman ng ating kultura. Ngunit ang ating kultura ay hindi hiwalay sa ating mga katutuboโsila ang pangunahing tagapag-ingat ng ating tunay na pamana, kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan. Ang kanilang tinig at danas ay mahalagang bahagi ng ating demokrasya. Upang maging ganap ang ating pagka-Pilipino, kailangang marinig, kilalanin, at katawanin sa lipunan ang mga sektor at pamayanang ito na patuloy na nagtatanggol sa ating pinagmulan.
Kaugnay nito, dito nagiging mahalaga ang tunay na layunin ng pagpapayabong ng wika. Ang wika ay hindi lamang kasangkapan sa pakikipag-usap, kundi tulay upang maunawaan ng bawat mamamayan ang kanilang mga karapatan, pamamahala, at estado sa lipunan.
Subalit sa kabila ng mahalagang papel na ito, masasabi ba nating ang wikang Filipino at ang mga katutubong wika ay tunay na napapangalagaan? Sa halip na palakasin, patuloy na nahaharap sa malalaking suliranin ang ating wika at kultura. Isang malinaw na halimbawa rito ang mga banta at balakid sa implementasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE)โisang programang dapat sana'y nagpapatibay sa kaalaman ng mga kabataan gamit ang kanilang wikang kinagisnan, ngunit tila isinasantabi at hinahayaang manghina. Sumasabay pa rito ang kontrobersiyang kinasangkutan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Sa halip na magsilbing ehemplo ng integridad at tunay na paglilingkod sa kultura at mga katutubong wika, naging sentro pa ito ng pambabatikos dahil sa kontrobersyal na paggawad ng parangal sa sarili nitong mga komisyoner. Isang malaking kabalintunaan na ang institusyong dapat nagtataguyod at nagtatanggol sa wika ay nasasangkot sa pansariling kapakinabangan. Kapag ang wika at ang mga institusyon nito ay ginamit upang payamanin ang ego ng ilang nasa kapangyarihan sa halip na kilalanin ang tunay na nakikibaka sa layayan, nawawalan ito ng moral na pundasyon.
Dahil dito, dapat nating tandaan na ang tunay na kapangyarihan ng wika ay wala sa mga pormal na memo o sa taunang maningning na pagdiriwang tuwing Agosto. Ang wika ay buhay dahil ito ang boses ng mamamayanโng mga katutubong ipinaglalaban ang kanilang lupang ninuno at wika, ng mga magsasakang humihingi ng katarungan, ng mangagagawang naghahangad ng sapat na sahod, at ng kabataang naghahanap ng katotohanan.
Sa huli, ang paggamit ng ating wika at tinig ay nag-uugat sa ating balota at pagboto. Ang boto ay hindi lamang isang karapatan; ito ay isang pananagutan upang kumatawan, ipaglaban, at pangalagaan ang mga tao, kultura, at pamayanang bumubuo sa ating bansa. Lalo't pa sa panahon ngayon na mabilis kumalat ang maling impormasyon sa social media, kinakailangan ang mapanuring botante. Bago maniwala at magbahagi, dapat magtanong: Totoo ba ito? Saan nagmula ang impormasyon? Ano ang ebidensya? Ang isang botanteng marunong magsuri at may kaalaman ay hindi basta-basta nabibili o napapaniwala ng propaganda.
Kaya naman, sa bawat halalan, may pagkakataon tayong pumili ng mga pinunong may tunay na pananagutan. Huwag nating sayangin ang tinig na ipinagkaloob sa atin ng demokrasya. Gamitin natin ang ating wika at kaalaman upang makapagsuri, at ang ating boto upang makilahok sa paghubog ng isang makatarungang kinabukasan.
โ
โ๐ป ๐๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ข: ๐๐จ๐ฆ๐ฆ. ๐๐๐ซ๐ข๐ ๐๐ก๐ฎ๐ฅ๐ข๐๐ง๐ ๐๐ ๐๐ฎ๐ณ๐ฆ๐๐ง ๐๐ญ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ. ๐๐๐ซ๐๐ซ๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐๐ซ๐ญ ๐๐ฌ๐ญ๐๐๐ข๐จ
๐ผ๏ธ ๐๐๐ ๐๐๐ง๐ฒ๐จ ๐ง๐ข: ๐๐จ๐ฆ๐ฆ. ๐๐๐ง๐ข๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐๐ซ๐ฒ ๐๐ ๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง
For more updates, donโt forget to follow our social media pages:
Facebook, X, Instagram, and TikTok: /pnusecmnl
For the Students, We Serve.
Serbisyo Muna, Bago Pakikisama!