Sigma Delta Pi Sorority UP Manila

Sigma Delta Pi Sorority UP Manila EDIT (ΣΔΠ) Manila is a non-traditional, nationalist, and service-oriented sorority dedicated to upholding nationalism, academic excellence, and sisterhood.

Throughout the years, the Sorority has been known for its critical stand on national and local issues affecting the students and the Filipino people. The organization likewise serves as a training ground for its members and believes in the development of their potentials. Since its inception in 1974, the Sorority has established and maintained chapters in various universities across Luzon.

12/05/2026

NAGKAKAISANG PAHAYAG NG MGA ORGANISASYON AT KONSEHO NG MGA MAG-AARAL NG KAS

IMPEACH SARA NOW! PANAGUTIN ANG MGA DUTERTE AT MGA KASABWAT NILA SA KORUPSYON AT IMPUNIDAD!

Muling nasaksihan ngayong araw ng sambayanang Pilipino ang isang lantaran na pagtatanghal ng burukratikong sirkus at pampulitikang pakikipagsabwatan sa Senado. Sa gitna ng muling pag-usad ng impeachment laban kay Sara Duterte, mabilis ding kumilos ang bagong pamunuan ng Senado upang tiyakin ang pagbabalik ni Ronald “Bato” Dela Rosa at ang konsolidasyon ng mga pwersang tahasang naglalayong protektahan ang kampo Duterte laban sa pananagutan. Ang malinaw na mensahe ng mga pangyayaring ito: hindi hustisya ang prayoridad ng bagong liderato ng Senado, kundi ang pagpapanatili ng kapangyarihan at impunidad ng dinastiyang Duterte.

Sa botong 257 pabor, 25 tutol, at 9 abstain, muling pinagtibay ng House of Representatives ang impeachment complaint laban kay Sara Duterte—ginagawa siyang kauna-unahang mataas na opisyal sa kasaysayan ng bansa na dalawang beses na na-impeach ng Kamara. Ngunit sa halip na seryosohin ang tungkulin nitong litisin ang kaso, agad namang gumalaw ang Senado upang muling ayusin ang liderato nito sa paraang pabor sa kampo Duterte. Ang pagpapatalsik kay Tito Sotto bilang Senate President, ang pagbabalik ni Bato Dela Rosa, at ang paglipat ng suporta nina Villar, Legarda, at Cayetano ay hindi hiwa-hiwalay na pangyayari—ito ay bahagi ng iisang pampulitikang maniobra upang pahinain ang kampo na pabor sa impeachment at tiyakin ang proteksyon ng mga kaalyado ng mga Duterte.

Mas nakikita ang pamumulitikang ito sa kaso ni Bato Dela Rosa. Sa mga nagdaang buwan, sunod-sunod nang lumabas ang mga ulat hinggil sa umano’y warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng mga krimen laban sa sangkatauhan sa ilalim ng madugong “war on drugs” ng rehimeng Duterte. Noong Nobyembre 2025, inihayag mismo ni Ombudsman Boying Remulla na may umiiral nang warrant mula sa International Criminal Court (ICC), habang naghain naman si Dela Rosa ng petisyon sa Korte Suprema upang protektahan ang sarili laban sa posibleng pag-aresto. Nitong ika-11 ng Mayo, mismong si dating Senador Antonio Trillanes IV pa ang nagdala ng dokumento ng ICC warrant sa Senate Hall. Sa kabila nito, sa halip na sumunod sa proseso ng batas, pinili ni Dela Rosa na gawing kublihan ang Senate Hall, habang ang mga ahente ng NBI na nagtangkang ipatupad ang internasyonal batas ay pinatawan ng paghamak ng Senado.

Hindi ito simpleng usapin ng parliamentary courtesy o institutional procedure. Ito ay tahasang paggamit ng kapangyarihan ng Senado bilang pananggalang ng mga dinastiyang pulitikal laban sa pananagutan. Nakapagtataka na noon, walang pag-aatubiling ginamit ng estado ang buong pwersa nito upang gipitin at ikulong ang mga kritiko ng administrasyon, gaya nila ngayong Rep. Leila de Lima at dating Sen. Antonio Trillanes. Ngunit ngayong si Bato Dela Rosa na ang nahaharap sa mabigat na kaso, biglang ginagamit ang Senado upang pigilan ang proseso ng hustisya. Maliwanag na may batas para sa ordinaryong mamamayan at oposisyon, ngunit may espesyal na proteksyon para sa mga Duterte at kanilang mga kaalyado.

Ngunit malinaw din sa batas na walang lubos na kaligtasan mula sa pagka-aresto ang mga senador. Ayon sa Artikulo VI, Seksyon 11 ng Konstitusyon ng Pilipinas, limitado lamang ang kanilang pribilehiyo laban sa pag-aresto at hindi ito sumasaklaw sa mabibigat na krimen na may parusang higit anim na taon. Higit pa rito, malinaw sa Rome Statute ng ICC na hindi maaaring gamiting depensa ang opisyal na posisyon upang takasan ang pananagutan sa mga krimen laban sa sangkatauhan. Walang sinumang nasa kapangyarihan ang dapat maging mas mataas kaysa sa batas.

Mariing tinututulan ng mga organisasyon at konseho ng KAS ang anumang pagtatangka na gawing instrumento ang Senado para sa pampulitikang proteksyon at pagpapatuloy ng impunidad. Hindi maaaring takasan ni Bato Dela Rosa ang paniningil sa kanya para sa karahasan na kanyang ipinamalas sa taumbayan noong panahon ng rehimeng Duterte. Ang impeachment laban kay Sara Duterte at ang kaso ni Bato Dela Rosa ay hindi magkahiwalay na usapin—pareho itong bahagi ng mas malawak na laban laban sa Dutertismo, korapsyon, pasismo, at kultura ng kawalang pananagutan sa bansa.

Kaya naman mariin naming ipinapanawagan: agarang buuin at tipunin ang Senate Impeachment Court. Ituloy ang impeachment trial nang walang harang at maniobrang pulitikal. Pairalin ang proseso ng pag-aresto at pagsuko alinsunod sa pambansa at pandaigdigang batas. Tutulan ang paggamit sa Senado bilang depensa ng mga dinastiyang pulitikal at kriminal. Panagutin ang lahat ng sangkot sa korapsyon, paglabag sa karapatang pantao, at pag-abuso sa kapangyarihan.

Sa panahon kung saan ang mga institusyon mismo ng gobyerno ay ginagamit upang protektahan ang mga naghahari at makapangyarihan, mas kailangan ngayon ang malawak na pagkakaisa at pagkilos ng mamamayan. Hindi dapat natin hahayaang manaig ang impunidad at pasismo.

IMPEACH SARA NOW!
BATO, PANAGUTIN!
DUTERTISMO, LABANAN!
HUSTISYA PARA SA MGA BIKTIMA NG DRUG WAR!
ANG TAO, ANG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!

URING MANGGAGAWA, HUKBONG MAPAGPALAYA!Ngayong Araw ng mga Manggagawa, ating mas pinaiigting ang makatarungang paniningil...
01/05/2026

URING MANGGAGAWA, HUKBONG MAPAGPALAYA!

Ngayong Araw ng mga Manggagawa, ating mas pinaiigting ang makatarungang paniningil laban sa lumalalang krisis na pinaghaharian ng rehimeng Marcos-Duterte at imperyalistang U.S.

Sa kasalukuyan, nananatili pa rin na mababa at hindi sapat ang minimum wage kung ikukumpara sa tunay na halaga ng mga gastusin para sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga manggagawang Pilipino. Humigit kumulang ₱695 ang pinakamababang sahod kada araw sa NCR habang mas mababa pa ang itinakdang pasahod para sa ibang rehiyon at probinsya. Malayong-malayo ito sa nakakabuhay na sahod upang matustusan ang pagkain, tirahan, transportasyon, at iba pang batayang pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino. Sa gitna ng mabilis na pagtaas ng mga presyo ng bilihin at pamasahe, ang mga manggagawa ang pilit na nagtitiis sa maliit na sweldo at mabigat na mga trabaho habang patuloy silang pinagsasamantalahan ng mga kapitalista’t kurakot na kumpanya.

Makikita rin natin ang patuloy na umiiral at bulok na sistema sa industriya ng paggawa sa bansa. Kamakailan, ang mga manggagawa mula sa Kowloon House ay naglakas-loob na ilantad ang mapang-abusong kalagayan na kanilang kinakaharap, kabilang ang hindi makataong pagtrato, mababang pasahod, at kawalan ng seguridad sa trabaho. Ang ganitong uri ng kalakaran ay hindi lamang paglabag sa karapatan ng manggagawa, kundi isa ring malinaw na pagyurak sa kanilang dignidad bilang tao. Nananawagan kami na wakasan ang ganitong mga sitwasyon sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga karagdagang polisiyang tunay na magpoprotekta sa kapakanan at karapatan ng ating mga manggagawa.

Kaugnay rin ng laganap na inflation ang oil price hike na mas lalong nagpapabigat sa pasanin ng ating mga manggagawa. Sa ilalim ng Oil Deregulation Law, binibigyan ng kapangyarihang kontrolin ng pribadong sektor ang presyo ng langis batay sa pandaigdigang merkado. Mula rito, nag-uugat ang pangdudusta ng mga naglalakihang kumpanya ng langis tulad ng Petron, Shell, at Chevron. Sa ganitong sistema, malinaw nating nakikita at nararamdaman ang walang pakundangang pagpapahirap at pagpapasa ng krisis sa mga ordinaryong mamamayan.

Hindi rin maihihiwalay sa mga suliraning ito ang patuloy na pag-iral ng imperyalistang impluwensya ng U.S. sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mga neoliberal na polisiya at kasunduang nakasentro sa dayuhang kapital, inilalantad ng estado ang mga manggagawang Pilipino sa pandaigdigang krisis at patuloy na pang-aalipusta ng mga korporasyon sa ating lakas-paggawa. Nananatili tayong nakaasa sa importasyon na nagtatali lamang sa ating bansa at mga mamamayan sa kahirapan at kawalan ng kakayahan na magtakda ng sariling direksyon sa ekonomiya.

At sa gitna ng lahat ng ito, malinaw na hindi ang sambayanang Pilipino ang pinaglilingkuran ng rehimeng Marcos-Duterte. Sa kabila ng mahigpit na pangangailangan para bigyang-aksyon ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at langis, patuloy na binabalewala ng administrasyon ang panawagan ng mga manggagawa at tumitigil na lamang sa pagbibigay ng mga panandaliang solusyon gaya ng ayuda. Hanggang ngayon, walang pananagutan na ipinapataw ang administrasyong Marcos sa mga mapang-abusong kumpanya ng langis at iba pang kasabwat sa korapsyon. Sa halip, nilulunod ang mga mamamayan sa patong-patong na gastusin, mababang pasahod, at kawalan ng kabuhayan. Hindi ito ang dapat na maging panghabang-buhay na reyalidad ng mga Pilipino.

Ngayong Mayo Uno, taas-kamaong kinokondena ng Sigma Delta Pi Sorority - UP Manila ang tahasang pagyurak sa karapatan ng uring manggagawa at sambayanang Pilipino ng rehimeng Marcos-Duterte at imperyalistang U.S. Sa nagkakaisang hanay ng mga manggagawa, maralita, kababaihan, at kabataan, patuloy natin na isulong ang mga panawagan para sa tunay na reporma, pagpapatupad ng ₱1,200 living wage, pagtanggal sa 12% VAT, at wakasan ang giyera ng U.S.

SAHOD ITAAS, PRESYO IBABA!
IMPERYALISMO, IBAGSAK!



25/04/2026
KABABAIHAN: Binhi ng Edukasyong Mapagpalaya Highlights 📸Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa ating Women’s Forum at DI...
31/03/2026

KABABAIHAN: Binhi ng Edukasyong Mapagpalaya Highlights 📸

Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa ating Women’s Forum at DIY Sanitary Napkin Workshop 💜 Lubos na pasasalamat din sa ating tagapagsalita mula sa Gabriela - National Capital Region Chapter sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at pananaw.

Sa naging talakayan, mas napalalim ang ating pag-unawa sa kalagayan ng kababaihan sa gitna ng tumataas na presyo ng mga pangunahing pangangailangan, pabigat na buwis, mababang sahod, at iba pang sistemang patuloy na nagpapahirap sa mamamayan.

Kasabay nito, sa pamamagitan ng DIY sanitary napkin workshop, hindi lamang tayo natuto ng isang praktikal na alternatibo—naging pagkakataon din ito upang pagnilayan ang realidad na hindi abot-kaya ng lahat ang mga simpleng pangangailangan tulad ng napkin. Dagdag pa rito, bago pa man ito naging isang komersyal na produkto, ang mga sanitary napkins ay ginagawa lamang ng mga kababaihan noon sa kanilang mga bahay—ngunit sa paglipas ng panahon, ang mga pangangailangan ng kababaihan ay naging bahagi na rin ng merkado at pagkakakitaan.

Sa pag-unawang ito, nawa’y magsilbi itong paalala at panawagan na patuloy nating suriin ang mga sistemang nakaaapekto sa ating pang-araw-araw na buhay. Patuloy nating palalimin ang ating pag-unawa at isabuhay ang ating mga natutuhan sa ating mga komunidad. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng kababaihan. ❤️‍🔥






TULOY NA TULOY BUKAS! 💜Paano kung ang isang simpleng “napkin” ay magsilbing simula ng mas malalim na usapan tungkol sa r...
26/03/2026

TULOY NA TULOY BUKAS! 💜

Paano kung ang isang simpleng “napkin” ay magsilbing simula ng mas malalim na usapan tungkol sa realidad ng mga kababaihan?

Sa KABABAIHAN: Binhi ng Edukasyong Mapagpalaya, isang Women's Forum at DIY Sanitary Napkin Workshop, hindi lamang tayo gagawa ng praktikal na alternatibo—pag-uusapan din natin ang kalagayan ng kababaihan at ang mga sistemang patuloy na nagpapahirap sa kanila. Sama-sama nating palalimin ang pag-unawa at tuklasin kung paano tayo makikiisa sa pagsusulong ng pagbabago.

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, maraming kababaihan—lalo na mula sa mga marginalized na sektor—ang napipilitang humanap ng alternatibo upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa kalusugan. Hindi ito simpleng usapin ng “pagpipilian,” kundi ng kakayahang makakuha ng mga pangunahing pangangailangan.

Sumama at makiisa sa talakayan at workshop na ito!
🗓 March 27, 2026
⏰ 1:30–4:30 PM
📍 RH 311, CAS, UP Manila

🔗 Register here:
https://forms.gle/AtDk293neRfEF1t4A

Bukas ito sa lahat ng UP Manila students at staff na nais matuto, magnilay, at makiisa. Walk-ins are welcome. See you there! 💜






𝐊𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐈𝐇𝐀𝐍: 𝐁𝐢𝐧𝐡𝐢 𝐧𝐠 𝐄𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚 ✊🏻👩🏻Inaanyayahan ng Sigma Delta Pi Sorority UP Manila ang lahat sa isang wom...
26/03/2026

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐈𝐇𝐀𝐍: 𝐁𝐢𝐧𝐡𝐢 𝐧𝐠 𝐄𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚 ✊🏻👩🏻

Inaanyayahan ng Sigma Delta Pi Sorority UP Manila ang lahat sa isang women’s forum at DIY sanitary napkin workshop, kasama ang Gabriela - National Capital Region Chapter. 💜

Tatalakayin sa forum ang kalagayan ng kababaihan sa gitna ng tumataas na presyo ng mga pangunahing pangangailangan at kung paano ito pinalalala ng mga umiiral na polisiya. Kasabay nito, magkakaroon ng DIY sanitary napkin workshop—hindi lamang bilang praktikal na alternatibo, kundi bilang repleksyon ng realidad na maraming kababaihan ang napipilitang humanap ng paraan dahil sa hindi abot-kayang mga pangangailangan.

Layunin ng espasyong ito na magpalalim ng pag-unawa, magbukas ng kamalayan, at hikayatin ang pakikiisa sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng kababaihan.

🗓 March 27, 2026
⏰ 1:00–4:30 PM
📍 RH 311, CAS, UP Manila

🔗Sumali dito:
https://forms.gle/AtDk293neRfEF1t4A
https://forms.gle/AtDk293neRfEF1t4A
https://forms.gle/AtDk293neRfEF1t4A

Bukas ito sa lahat ng UP Manila students at staff na nais matuto, magnilay, at makiisa. Tumatanggap din kami ng walk-in. Kita kits! 💜

Mula pag-aaral, tungo sa pagkilos. ✊🏻Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa Women’s Month 2026 ED Fest! Matagumpay na na...
25/03/2026

Mula pag-aaral, tungo sa pagkilos. ✊🏻

Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa Women’s Month 2026 ED Fest! Matagumpay na naisagawa ang tatlong Educational Discussions: Women’s Democratic Rights, Batayang Kurso ng Kababaihang Pilipino, at Maikling Kurso ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino. 💜

Malaking pasasalamat din sa ating mga tagapagsalita na nagbahagi ng kanilang kaalaman, karanasan, at pananaw, na nagbigay-linaw at nagpalalim sa ating pag-unawa sa kalagayan at pakikibaka ng kababaihan at mamamayan.

Sa bawat talakayan, sinamahan din ito ng mga malikhaing gawain—junk journaling, earring-making, at coloring activity—bilang mga paraan ng pagproseso ng ating mga natutuhan at mas malalim na pag-unawa sa mga isyung panlipunan. 🎨

Patuloy nating pag-aralan, unawain, at isabuhay ang ating mga natutuhan tungo sa pagkilos para sa karapatan ng kababaihan—hindi lamang tuwing Marso, kundi araw-araw sa ating mga komunidad at pakikibaka. ❤️‍🔥

Presented by:
Sigma Delta Pi Sorority UP Manila
Gabriela Youth UP Manila
UP Manila University Student Council
All UP Academic Employees Union - Manila Chapter
UP Manila Center for Gender and Women Studies





Anik-Anik Armor: Secured ✨Thank you to everyone who visited our booth at the UP Manila Flea Market! We loved seeing your...
24/03/2026

Anik-Anik Armor: Secured ✨

Thank you to everyone who visited our booth at the UP Manila Flea Market! We loved seeing your customized charms turned into everyday reminders of protection, strength, and self-expression. 💖

A little charm goes a long way 💫




Huwag palampasin ang huling ED ng Women’s Month ED Fest! 🎨💜Makisama sa amin sa rescheduled Day 1: Women’s Democratic Rig...
22/03/2026

Huwag palampasin ang huling ED ng Women’s Month ED Fest! 🎨💜

Makisama sa amin sa rescheduled Day 1: Women’s Democratic Rights, kung saan sama-sama nating pag-uusapan ang mga karapatan ng kababaihan sa isang bukas at makabuluhang diskusyon.

📅 Marso 24, 2026 (Martes)
🕐 1:00 PM
📍 3F Student Center

Bukod sa talakayan, magkakaroon din tayo ng coloring activity, kung saan maaari ninyong kulayan ang mga ibibigay na materials habang pinoproseso ang inyong mga natutunan mula sa diskusyon. 🎨

Hinihikayat ang lahat na magdala ng sariling coloring materials tulad ng crayons, colored pencils, o markers.

Magrehistro rito:
https://forms.gle/4ar7oWhWVgPwgE3V9
https://forms.gle/4ar7oWhWVgPwgE3V9
https://forms.gle/4ar7oWhWVgPwgE3V9

Patuloy nating pag-aralan at ipaglaban ang karapatan ng kababaihan. ✊🏻

Presented by:
Sigma Delta Pi Sorority UP Manila
Gabriela Youth UP Manila
UP Manila University Student Council
All UP Academic Employees Union - Manila Chapter
UP Manila Center for Gender and Women Studies





Gawa ng hikaw habang natututo? Tara na! ✊🏻💜Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa at matuto kasama kami ngayong Buwan n...
17/03/2026

Gawa ng hikaw habang natututo? Tara na! ✊🏻💜

Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa at matuto kasama kami ngayong Buwan ng Kababaihan sa Day 3 ng Women’s Month ED Fest: Maikling Kurso ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino. Sama-sama nating talakayin ang kasaysayan at kasalukuyang kalagayan ng lipunang Pilipino, at kung paano ito humuhubog sa patuloy na pakikibaka ng mamamayan para sa tunay na kalayaan at hustisya.

Makakasama natin bilang tagapagsalita si Kyla Sofia Benedicto, Regional Coordinator at Spokesperson ng League of Filipino Students – National Capital Region, at convenor ng One Taft & One Ubelt, mga alyansa ng student councils at administrators na nagkakaisa sa mga isyung panlipunan at pambansa.

📅 Marso 18, 2026
🕐 1:00 PM
📍 2F Bobby Dela Paz

Bukod sa talakayan, magkakaroon din tayo ng earring-making activity, kung saan maaari kayong lumikha ng sariling disenyo habang pinoproseso ang inyong mga natutunan mula sa diskusyon. 🎀✨

Magrehistro rito:
🔗 https://forms.gle/4ar7oWhWVgPwgE3V9
🔗 https://forms.gle/4ar7oWhWVgPwgE3V9
🔗 https://forms.gle/4ar7oWhWVgPwgE3V9

Inaanyayahan din namin ang lahat na makilahok sa iba pang Educational Discussions ngayong Marso bilang pakikiisa sa laban ng kababaihan at mamamayan. Ang ED Fest Day 1 ay inilipat sa Marso 24, 2026—antabayanan ang mga susunod na anunsyo para sa venue at oras.

Presented by:
Sigma Delta Pi Sorority UP Manila
Gabriela Youth UP Manila
UP Manila University Student Council
All UP Academic Employees Union - Manila Chapter
UP Manila Center for Gender and Women Studies





Cute and Protective Anik-Anik? Check! ✔️In celebration of Women’s Month 2026, Sigma Delta Pi Sorority UP Manila invites ...
15/03/2026

Cute and Protective Anik-Anik? Check! ✔️

In celebration of Women’s Month 2026, Sigma Delta Pi Sorority UP Manila invites you to visit our booth, EDIT Anik-Anik Armor: Customize Your Safety Charms! We will be at the UP Manila Flea Market during the opening of Bakbakan XX. ❤️

Drop by to customize your own safety anik-anik and create a small charm set you can bring with you every day. 👜

📍 Beside SSWC
🗓️ March 16, 2026
⏰ 10:00 AM – 6:00 PM

See you there!




Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sigma Delta Pi Sorority UP Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Sigma Delta Pi Sorority UP Manila:

Share