09/06/2026
[INDEPENDENCE DAY COMMEMORATION IN DLSU: FLAG RAISING CEREMONY]
Sa paggunita natin sa ika-128 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, muli nating inaalala ang tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong lumaban para sa kalayaang patuloy nating pinangangalagaan ngayon.
Higit pa sa isang pagdiriwang, ang Araw ng Kalayaan ay paalala ng ating tungkulin bilang kabataan at mamamayan na ipagpatuloy ang diwa ng kalayaan sa pamamagitan ng pagkakaisa, paglilingkod, at aktibong pakikilahok sa pagbuo ng mas makatarungan at makabuluhang kinabukasan para sa bansa.
Inaanyayahan ng DLSU University Student Government ang buong Lasalyanong komunidad sa Philippine Independence Day Commemoration at DLSU sa pamamagitan ng isang Flag-raising Ceremony ngayong Hunyo 10, 2026, 10:00 AM, sa DLSU Amphitheater.
Tampok sa programa ang DLSU NROTC, DLSU Innersoul, Harlequin Theatre Guild, at mga natatanging mensahe mula sa DLSU Administrators bilang sama-sama nating pagbibigay-pugay sa diwa ng kalayaan, nasyonalismo, at paglilingkod.
Nawaโy magsilbi itong paalala na ang kalayaan ay hindi lamang minamana, kundi patuloy na isinasabuhay.
P&M-URG-OVPEA 0072 Series of AY 2025โ2026