CMU - Banwang Pangkasaysayan

CMU - Banwang Pangkasaysayan Former CMU-Herodotus Society. CMU-Banwang Pangkasaysayan is a History Society in the College of Arts and Sciences in Central Mindanao University.

๐๐š๐›๐š๐ž (p.)แœŠแœŠแœŒแœ”(Tagalog) nangangahulugang โ€œwoman/female.โ€ Mula sa Protoโ€‘Austronesian o Protoโ€‘Malayoโ€‘Polynesian root ๐˜ฃ๐˜ขโ€‘๐˜ฃ๐˜ข...
08/03/2026

๐๐š๐›๐š๐ž (p.)
แœŠแœŠแœŒแœ”
(Tagalog) nangangahulugang โ€œwoman/female.โ€ Mula sa Protoโ€‘Austronesian o Protoโ€‘Malayoโ€‘Polynesian root ๐˜ฃ๐˜ขโ€‘๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช.

Makikita ang kaugnay na anyo ng salita sa iba pang wika sa Pilipinas at rehiyon:
๐˜‰๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ช (Ilokano, Kapampangan)
๐˜‰๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ฆ (Cebuano)
๐˜‰๐˜ฆ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ (Maranao)
๐˜๐˜ข๐˜ท๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ (Paiwan)

โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”

Sa buwan ng Marso, ginugunita natin ang ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต upang kilalanin ang tapang, ambag, at patuloy na pakikibaka ng kababaihan para sa kanilang karapatan bilang pantay na kasapi ng lipunan at malayang mamamayan.

Sa ibaโ€™t ibang yugto ng kasaysayan, malaki ang naging papel ng kababaihan sa paghubog ng ating lipunan. Mula sa edukasyon, politika, agham, sining, hanggang sa patuloy na pagsusulong ng mga adbokasiya para sa isang mas makatarungan at makataong mundo.

๐—•๐—”๐—•๐—”๐—˜ ๐—ž๐—”. ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—•๐—”๐—•๐—”๐—˜ ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š.
Sa bawat kilos, boses, at ambag, ipinapakita mo ang tunay na lakas at halaga ng kababaihan sa lipunan.

Bilang bahagi ng paggunita ng ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜†, magbabahagi ang ๐๐š๐ง๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง ng mga larawan ng mga kababaihan mula sa kasaysayan hanggang sa kasalukuyan. Sa bawat larawan ay may kalakip na maikling kapsiyon na naglalaman ng ilang impormasyon tungkol sa kanilang buhay at mga ambag sa lipunan.

๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค. ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ. ๐“๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ข๐ . ๐Œ๐š๐ -๐ข๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐€๐Š๐€๐’. ๐Ÿ‘ฃ

Panulat | Natalie Lofranco, Kristina Manuel, at Hilary Orasan
Graphics | Jan Dale Pedralba

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐: ๐„๐ƒ๐’๐€ ๐Š๐–๐€๐‘๐„๐๐“๐€Noong Pebrero 23 hanggang 25, 2026, sama-samang ginunita ng CMUโ€“Banwang Pangkasaysayan, katuwang a...
01/03/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐: ๐„๐ƒ๐’๐€ ๐Š๐–๐€๐‘๐„๐๐“๐€

Noong Pebrero 23 hanggang 25, 2026, sama-samang ginunita ng CMUโ€“Banwang Pangkasaysayan, katuwang ang League of Political Science Students, CMU Legion of Empowered Sociology Students, at ang CMU Office of the Student Regent, ang ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa pamamagitan ng serye ng mga gawaing naglalayong muling balikan at buhayin ang diwa ng pagkakaisa, tapang, at paninindigan ng sambayanang Pilipino.

Sa loob ng tatlong araw, inilunsad ang booth at information drive na nagsilbing bukas na espasyo para sa pagkatuto at pagninilay ng komunidad ng pamantasan. Sa bawat pagbisita, pag-uusap, at pagbabahagi ng kaalaman, muling naipaunawa ang historikal na kahalagahan ng People Power at ang patuloy nitong saysay sa kasalukuyang panahon. Isinagawa rin ang open film viewing na nagbigay-daan sa mas malalim na pag-unawa sa mga karanasan at sakripisyong humubog sa makasaysayang tagumpay ng taong-bayan noong 1986.

Bilang bahagi ng paggunita, isinagawa rin ang candle lighting ceremony kung saan nagtipon ang mga kalahok sa isang sandali ng tahimik na pag-alala at kolektibong paninindigan. Sa liwanag ng mga kandila, muling pinagtibay ang alaala ng isang panahong ipinakita ng mamamayan na ang tunay na kapangyarihan ng demokrasya ay nagmumula sa nagkakaisang tinig ng bayan.

Sa paglipas ng apatnapung taon, nananatiling mahalaga ang patuloy na pag-alala sa EDSA, hindi lamang bilang isang pangyayaring historikal, kundi bilang paalala ng responsibilidad ng bawat henerasyon na pangalagaan ang kalayaan at demokrasya.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng organisasyon at indibidwal na nakiisa sa paggunitang ito. Nawaโ€™y magsilbi itong paanyaya upang patuloy nating isabuhay ang mga aral ng kasaysayan sa ating araw-araw na pagkilos bilang mamamayan.

๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค, ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ, ๐“๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ข๐ , ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ -๐ข๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐€๐Š๐€๐’. ๐Ÿ‘ฃ

Panulat: Kristina Leonora Manuel at Carl Lisondra
Larawan: Kyle Dawadia at Hilary Mondejar

๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿฐ๐Ÿฌ ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—˜๐——๐—ฆ๐—”: ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”, ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—จ๐—ง๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—š๐—”๐—กHindi ito pag-aari ng iilan. Hindi ito tagumpay ng isang ta...
25/02/2026

๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿฐ๐Ÿฌ ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—˜๐——๐—ฆ๐—”: ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”, ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—จ๐—ง๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก

Hindi ito pag-aari ng iilan. Hindi ito tagumpay ng isang tao lamang. Ang ๐„๐ƒ๐’๐€ ay lakas ng nagkakaisang Masa. Ang ๐„๐ƒ๐’๐€ ay tagumpay ng sambayanan.

Apatnapung taon na ang lumipas mula nang punuin ng karaniwang Pilipino ang kahabaan ng ๐„๐ƒ๐’๐€ noong ๐๐ž๐›๐ซ๐ž๐ซ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ—๐Ÿ–๐Ÿ”. Hindi sila armado. Wala silang kapangyarihan sa papel. Ngunit dala nila ang mas malakas na sandata , ang tapang, pagkakaisa, at paninindigan. Sama-sama nilang hinarap ang isang diktadurya na nagkulong ng mahigit 70,000, tumortyur ng 34,000, at pumatay ng 3,200 ayon sa tala ng Amnesty International, at sa mas malawak na diwa, ikinulong din ang buong sambayanan sa takot at pagkakait ng kalayaan. Ang bawat hakbang sa kalsada ay panawagan para sa hustisya; bawat dasal ay paniningil para sa mga pinatahimik.

Ang ๐„๐ƒ๐’๐€ ay hindi aksidenteng nangyari. Ito ay bunga ng mahabang pagtitiis at kolektibong pagbangon. At ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng tapang ng Masa.

Sa ika-40 anibersaryong ito, malinaw ang ating paninindigan: ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ฆ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜—๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ. ๐˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฌ๐˜ณ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ข, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ

Bilang bagong henerasyon, tungkulin nating alalahanin ang ๐„๐ƒ๐’๐€ hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Ang paglimot ay hindi neutral; ito ay pagtalikod sa sakripisyo ng mga nauna sa atin. Kung may kawalang-katarungan, tungkulin nating magsalita. Kung may pang-aapi, tungkulin nating manindigan. Sapagkat ang diwa ng ๐„๐ƒ๐’๐€ ay buhay sa tuwing pinipili nating maging mapanuri, makatarungan, at makabayan.

Ang ๐„๐ƒ๐’๐€ ay hindi lang alaala ng nakaraan. Ito ay pananagutan ng kasalukuyan.

๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค. ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ. ๐“๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ข๐ . ๐€๐ญ ๐Œ๐š๐ -๐ข๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐€๐Š๐€๐’. ๐Ÿ‘ฃ



PANULAT | Danna Joy Bajan
PUBMAT | Jan Dale Pedralba

๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐Ÿฐ๐Ÿฌ๐—ง๐—› ๐—”๐—ก๐—ก๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐—ข๐—™ ๐—˜๐——๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—˜๐—ข๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—ช๐—˜๐—ฅ ๐—ฅ๐—˜๐—ฉ๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐™‹๐˜ผ๐™‰๐™„๐™‰๐™„๐™‰๐˜ฟ๐™„๐™‚๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™Ž๐˜ผ๐™‡๐™„๐™‰๐™‡๐˜ผ๐™ƒ๐™„๐™€๐˜ฟ๐™Ž๐˜ผ ๐™จ๐™– ๐™„๐™ ๐™–-40 ๐™๐™–๐™ค๐™ฃAng ...
24/02/2026

๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐Ÿฐ๐Ÿฌ๐—ง๐—› ๐—”๐—ก๐—ก๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐—ข๐—™ ๐—˜๐——๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—˜๐—ข๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—ช๐—˜๐—ฅ ๐—ฅ๐—˜๐—ฉ๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

๐™‹๐˜ผ๐™‰๐™„๐™‰๐™„๐™‰๐˜ฟ๐™„๐™‚๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™Ž๐˜ผ๐™‡๐™„๐™‰๐™‡๐˜ผ๐™ƒ๐™„
๐™€๐˜ฟ๐™Ž๐˜ผ ๐™จ๐™– ๐™„๐™ ๐™–-40 ๐™๐™–๐™ค๐™ฃ

Ang diwa ng People Power ay hindi alaala; ito ay babala. Babala sa sinumang magtatangkang baluktutin ang kasaysayan. Babala sa sinumang aapak sa karapatan ng mamamayan. Babala na ang kapangyarihan ay hindi pag-aari ng iilan.

Sa ika-40 na taon ng EDSA, malinaw ang paninindigan ng kabataan:
Habang may kawalang-katarungan, may lalaban. Habang may pang-aapi, may titindig. Habang may sistemang hindi makatarungan, may mamamayang kikilos.

Sapagkat sa isang tunay na demokrasya, ang kapangyarihan ay nagmumula at nananatili sa mamamayan; hindi ito kailanman dapat katakutan ng isang pamahalaang tunay na naglilingkod sa tao at bayan.

๐Ÿ“ข ๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“๐€๐‘๐€๐‹ ๐๐€๐๐˜๐€๐†๐€ ๐๐Ž๐’๐“๐๐Ž๐๐„๐ƒPursuant to Executive Order No. 76, Series of 2026, issued at around 10:25 AM by Jos...
20/02/2026

๐Ÿ“ข ๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“

๐€๐‘๐€๐‹ ๐๐€๐๐˜๐€๐†๐€ ๐๐Ž๐’๐“๐๐Ž๐๐„๐ƒ

Pursuant to Executive Order No. 76, Series of 2026, issued at around 10:25 AM by Jose Joel P. Doromal, Municipal Mayor of Maramag, declaring the suspension of classes and work in the University, the scheduled ARAL BANYAGA is hereby POSTPONED.

๐Ÿ“Œ ๐—ก๐—ฒ๐˜„ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—น๐—ฒ:
๐Ÿ—“ ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜†, ๐—™๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

We encourage everyone to stay safe and updated through official University announcements.

ยก๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜ตรฉ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ฆ๐˜จ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ด!
(๐˜’๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฑ ๐˜ด๐˜ข๐˜ง๐˜ฆ!)

Thank you for your understanding.
Nos vemos. Viva Historia! โœจ

๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค, ๐Œ๐š๐ -๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ, ๐“๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ข๐ , ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ -๐ข๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐€๐Š๐€๐’! ๐Ÿ‘ฃ

Sa panahong laganap ang disimpormasyon, historikal na rebisyonismo, at hamon sa ating mga demokratikong institusyon, mas...
19/02/2026

Sa panahong laganap ang disimpormasyon, historikal na rebisyonismo, at hamon sa ating mga demokratikong institusyon, mas mahalagang balikan ang EDSAโ€”hindi bilang alamat, kundi bilang buhay na aral. Ang kalayaan ay hindi minana lamang; itoโ€™y patuloy na ipinaglalaban at pinangangalagaan.

Bilang paggunita sa Ika-40 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ang CMU Banwang Pangkasaysayanay nag-oorganisa ng mga sumusunod na gawain:

๐Ÿ“Œ ๐—œ๐—ป๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐——๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ
๐Ÿ—“ ๐—™๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฌโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
๐Ÿ“ ๐—–๐—”๐—ฆ ๐—˜๐˜…๐˜๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—Ÿ๐—ผ๐—ฏ๐—ฏ๐˜†

๐ŸŽฌ ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ป ๐—™๐—ถ๐—น๐—บ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฒ๐˜„๐—ถ๐—ป๐—ด
๐Ÿ—“ ๐—™๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Ating alalahanin ang tapang ng sambayanan, ang lakas ng pagkakaisa, at ang kasaysayang isinulat hindi ng iilanโ€”kundi ng bayang nagkaisa. Sapagkat ang EDSA ay hindi lamang alaala ng nakaraan, kundi paalala ng ating pananagutan sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Kapag namulat ka na sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit.

๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค, ๐Œ๐š๐ -๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ, ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ข๐ , ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐  ๐ข๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐€๐Š๐€๐’ ๐Ÿ‘ฃ

๐ŸŒ™ ๐‘๐š๐ฆ๐š๐๐š๐ง ๐Œ๐ฎ๐›๐š๐ซ๐š๐ค!Nakikiisa ang ๐๐š๐ง๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng ๐‘๐š๐ฆ๐š๐๐š๐ง, isang m...
19/02/2026

๐ŸŒ™ ๐‘๐š๐ฆ๐š๐๐š๐ง ๐Œ๐ฎ๐›๐š๐ซ๐š๐ค!

Nakikiisa ang ๐๐š๐ง๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng ๐‘๐š๐ฆ๐š๐๐š๐ง, isang mahalagang buwan ng pag-aayuno, pagdarasal, at pagninilay.

Nawaโ€™y maging makabuluhan ang panahong ito ng pagpapalalim ng pananampalataya, pagpapalakas ng loob, at pag-alala sa kahalagahan ng malasakit at pagkakaisa. Patuloy tayong magtaguyod ng paggalang at pagkakaunawaan sa ating pamayanan.

๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค. ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ. ๐“๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ข๐ . ๐€๐ญ ๐Œ๐š๐ -๐ข๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐€๐Š๐€๐’.

ยก๐™ท๐š˜๐š•๐šŠ! ยก๐™ฑ๐šž๐šŽ๐š— ๐šรญ๐šŠ ๐šŠ ๐š๐š˜๐š๐š˜๐šœ! To ๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—›๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฌ ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ currently enrolled in (๐…๐‹ ๐Ÿ๐Ÿ) ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐ฉ๐š๐ง๐ข๐ฌ๐ก ๐Ÿ and (๐…๐‹ ...
18/02/2026

ยก๐™ท๐š˜๐š•๐šŠ! ยก๐™ฑ๐šž๐šŽ๐š— ๐šรญ๐šŠ ๐šŠ ๐š๐š˜๐š๐š˜๐šœ!

To ๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—›๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฌ ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ currently enrolled in (๐…๐‹ ๐Ÿ๐Ÿ) ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐ฉ๐š๐ง๐ข๐ฌ๐ก ๐Ÿ and (๐…๐‹ ๐Ÿ๐Ÿ’) ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐ฉ๐š๐ง๐ข๐ฌ๐ก ๐Ÿ’, please be informed that our ๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—•๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—š๐—” in preparation for the ๐— ๐—œ๐——๐—ง๐—˜๐—ฅ๐— ๐—ฆ exam will be held on ๐—™๐—˜๐—•๐—ฅ๐—จ๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.

This tutorial session is designed to strengthen your grammar, vocabulary, and conversational skills in Spanish ๐Ÿ‡ช๐Ÿ‡ธ๐Ÿ—ฃ๏ธ

๐Ÿ“ ๐—ฉ๐—˜๐—ก๐—จ๐—˜: ๐—–๐—”๐—ฆ ๐—”๐—ก๐—ก๐—˜๐—ซ ๐—ฅ๐—ข๐—ข๐— ๐—ฆ
โฐ ๐—ง๐—œ๐— ๐—˜: ๐Ÿฎ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ โ€“ ๐Ÿฐ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— 

Let us review, practice, and prepare together for the midterm examinations. ๐Ÿ“๐Ÿ“š

ยก๐™ฝ๐š˜๐šœ ๐šŸ๐šŽ๐š–๐š˜๐šœ ๐šŠ ๐š๐š˜๐š๐š˜๐šœ! ๐š…๐š’๐šŸ๐šŠ ๐™ท๐š’๐šœ๐š๐š˜๐š›๐š’๐šŠ!

๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค. ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ. ๐“๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ข๐ . ๐€๐ญ ๐ฆ๐š๐ -๐ข๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐€๐Š๐€๐’.

๐ŸŽ‡๐Ÿงง๐—š๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ซ๐—ถ ๐—™๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—ถ! ๐Ÿงง๐ŸŽ‡Malugod na nakikiisa ang ๐๐š๐ง๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง sa pagdiriwang ng ๐—–๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐—ฒ ๐—ก๐—ฒ๐˜„ ๐—ฌ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ habang sinasalubo...
17/02/2026

๐ŸŽ‡๐Ÿงง๐—š๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ซ๐—ถ ๐—™๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—ถ! ๐Ÿงง๐ŸŽ‡

Malugod na nakikiisa ang ๐๐š๐ง๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง sa pagdiriwang ng ๐—–๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐—ฒ ๐—ก๐—ฒ๐˜„ ๐—ฌ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ habang sinasalubong natin ang ๐˜ ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฆ โ€” sagisag ng lakas, tiyaga, kalayaan, at walang sawang pagpupunyagi.

Nawaโ€™y magsilbing paalala ang taong ito na patuloy tayong sumulong nang may tapang at determinasyon.

Hangad namin ang masaganang taon na puno ng mabuting kalusugan, tagumpay, at sama-samang pag-unlad. ๐Ÿฎโœจ



โค๏ธ๐ŸŒน ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐˜‚๐˜€๐—ผ, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ-๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜„๐—ฎ! ๐ŸŒนโค๏ธSa lawak ng mga salaysay na hinuhukay at binabasa natin sa kasaysayan,...
14/02/2026

โค๏ธ๐ŸŒน ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐˜‚๐˜€๐—ผ, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ-๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜„๐—ฎ! ๐ŸŒนโค๏ธ

Sa lawak ng mga salaysay na hinuhukay at binabasa natin sa kasaysayan, may isang katotohanang laging bumabalik na tila alon sa dalampasigan: ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ญ๐˜ช.

May mga liham na isinilang sa kalagitnaan ng digmaan, tintaโ€™y hinahalo sa takot at pananabik. May mga pangakong ibinulong sa huling sandali ng pag-alis, tangan ang pangambang baka hindi na magtagpo ang landas. May mga pusong marunong maghintay sa walang katiyakan, ngunit patuloy na tumitibok ng pag-asa.

Hindi lahat ng pag-ibig ay maingay. Nananahan ito sa paggunita, sa mga pangalang marahang inuusal sa dilim. Ramdam ito sa paghawak ng kamay na ayaw mong bitawan, sa pag-unawang ibinibigay kahit kulang ang paliwanag, sa pagtanggap kahit hindi sapat ang mga salita.

At tulad ng paalala ng kasaysayan: โ€œ๐ƒ๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ -๐ข๐›๐ข๐  ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š, ๐š๐ง๐  ๐ข๐›๐ข๐ ๐ข๐ง ๐ค๐š ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐›๐š๐ค๐š.โ€

May laya sa pagmamahal sapagkat itoโ€™y pinipili. May pakikibaka sapagkat hindi ito laging madali. Ngunit sa kabila ng lahat, ito pa rin ang nananatili.

Nawaโ€™y maramdaman mong ikaw ay minamahal sa anumang anyo nito. โค๏ธ

PANULAT | Nathalie Lofranco
PUBMAT | Jan Dale Pedralba

Address

Central Mindanao University
Maramag
8710

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CMU - Banwang Pangkasaysayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to CMU - Banwang Pangkasaysayan:

Share