29/12/2025
โ๐๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐บ ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข ๐ญ๐ช๐ธ๐ข๐บ๐ธ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ช๐ฏ๐ถ๐ฃ๐ถ๐ข๐ฏ!... ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ช๐ธ๐ข๐บ๐ธ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ช๐บ๐ข๐ฏ, ๐ฃ๐ข๐ต๐ช๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ด๐ช๐บ๐ข... ๐ฉ๐ถ๐ธ๐ข๐จ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ช๐ฎ๐ถ๐ต๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ถ๐ด๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ข๐จ!" -Sipรฌ mula sa Kabanata 63 ng โNoli Me Tangereโ ni Rizal, isinalin ni Pascual H. Poblete
Ngayong araw ay ginugunita natin ang ika-129 na anibersaryo ng pagkamatay ng ating Pambansang Bayani na si G*t Josรฉ Rizal. Noong Disyembre 30, 1896, siya ay hinatulan ng hukuman sa mga kasong paghihimagsik, sedisyon, at pagtatatag ng mga ilegal na samahan. Bagamaโt hindi siya ang nanguna o direktang lumahok sa mga armadong pag-aalsa, siya ay pinatay pa rin sa pamamagitan ng pagbaril na ginanap sa Bagumbayan (na ngayon ay Rizal Park) bilang parusa. Ang kanyang kamatayan at walang mintis na paninindigan sa ngalan ng kanyang ipinaglaban ay nagsilbing tagapag-alab sa puso ng Himagsikang Pilipino noong 1896 at nagpaigting sa panawagan para sa kalayaan ng bansa.
Si Josรฉ Rizal ay isang ilustrado, doktor, dalubwika, manunulat, makata, eskultor, at pintor, na ginamit ang kanyang talino at panulat upang ilantad ang mga pang-aabuso at katiwalian ng kolonyal na pamahalaan at hubugin ang kamalayang makabayan ng sambayanang Pilipino. Habang nasa Europa, isinulat at inilathala niya ang kanyang mga tanyag na nobela, ang Noli Me Tangere (1887) at El Filibusterismo (1891), na hayagang tumalakay sa kalagayang panlipunan ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Kastila. Sa pamamagitan ng mga akdang ito, mas malinaw na naipahayag ang mga suliranin ng lipunan at higit na napalalim ang diwang makabayan ng mga Pilipino.
Sa paggunita natin sa kabayanihan ni Rizal, nawaโy magsilbing gabay ang kanyang mga prinsipyo, kabilang ang pagmamahal sa bayan, katapangan, at paghahangad ng katotohanan, sa ating mga kilos at pananagutan bilang mamamayan. Ang kanyang alaala ay hindi lamang ginugunita sa isang araw, kundi patuloy na nagpapaalala sa atin ng tungkuling panatilihing buhay ang diwa ng paglilingkod sa bayan.
Panulat | Kristina Leonora
Sanggunian:
Rizal, J. (1887/2006). Noli Me Tangere (P. H. Poblete, Salin sa Tagalog) [eBook]. Project Gutenberg. https://www.gutenberg.org/cache/epub/20228/pg20228-images.html