04/04/2026
Isang taos pusong pasasalamat sa matagumpay na Community Service na ating naisakatuparan nitong Huwebes Santo. Ang gawaing ito ay hindi lamang simpleng pagtulong, kundi isang tunay na pagpapakita ng ating pagkakaisa, disiplina, at malasakit bilang isang kapatiran na naglilingkod sa komunidad.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagpaabot ng tulong mula sa pinansyal na suporta hanggang sa walang pagod na pagbibigay ng lakas, oras, at serbisyo sa ating mga kababayan. Ang bawat ambag, maliit man o malaki, ay naging mahalagang bahagi upang maisakatuparan ang layuning ito.
Sa ating mga kapatid mula sa ibat-ibang CHAPTERS at sa lahat ng taong nasa likod ng programang ito, kayo ang tunay na haligi ng serbisyong ito. Ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at buong pusong paglilingkod ay patunay ng ating adhikaing tumulong nang walang hinihinging kapalit. Ipinakita ninyo ang tunay na kahulugan ng pagiging SARABA, ang pagkilos bilang iisa para sa kabutihan ng nakararami.
Nawaβy magsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy pa natin ang mga ganitong gawain, at patatagin pa ang ating samahan.
Muli, maraming maraming salamat sa inyong lahat. Mabuhay ang ating kapatiran at ang diwa ng tunay na paglilingkod!
Kami po ang
Lambda Sigma Chapter - S.R.B 1975
Mula sa ilalim ng bandera ng
SRB-Bulacan Provincial Council