UP Visayas University Student Council

UP Visayas University Student Council This is the official page of University of the Philippines Visayas University Student Council.

We will highly appreciate your feedback, fill up the form at bit.ly/upvuscfeedback

  | 46th UPV USC raises Student’s Welfare, Health, and Disaster Prevention Concerns regarding on the High Heat Index and...
27/04/2026

| 46th UPV USC raises Student’s Welfare, Health, and Disaster Prevention Concerns regarding on the High Heat Index and El-Niño Outbreak

Amid rising temperatures and dangerously high heat index levels across Miagao and Iloilo City, the UP Visayas University Student Council calls for urgent, proactive, and institutionalized measures to safeguard the health, welfare, and academic well-being of the student body.

With heat indices reaching up to 44–45°C and the recent El Niño alert from PAGASA, students face increased risks of heat-related illnesses, disrupted learning conditions, and unsafe campus environments. These challenges are intensified by limited cooling infrastructure, long outdoor mobility, and inadequate ventilation in key student spaces.

In light of this, the UPV USC urges the University Administration through these following policy measures and recommendations:

(1)The past and existing memoranda issued by the Office of the Chancellor on heat index-related measures should be institutionalized and consistently reiterated to ensure sustained awareness and compliance across all units of the University.

(2)Furthermore, the Crisis Management Committee (CMC) must be strengthened in its role to effectively assess evolving situations and provide timely, evidence-based recommendations to the University administration.

(3)Additionally, the UPV USC is requesting improvements in ventilation across university-wide student spaces, the College Union Building (CUB), the Teaching and Learning Resource Center (TLRC), and the UPV Library. The council also urges the administration to inspect existing water fountains and install additional units if necessary, and other measures beneficial to the student body. The council also encourages the deans of each college to improve ventilation across college buildings and to utilize existing spaces such as rooms to be used for our students during and even after class hours.

The UPV University Student Council is committed to ensure safety and welfare of our students amidst the High Heat Index and El-Nino Outbreak.

  | Councilor Baylon, CAS Rep Combong file a Leave of Absence (LOA) to Participate in CAS Student Council Elections As o...
26/04/2026

| Councilor Baylon, CAS Rep Combong file a Leave of Absence (LOA) to Participate in CAS Student Council Elections

As of April 26, 2025, Sunday, the 46th UP Visayas University Student Council has received formal requests for leave of absence (LOA) from Councilor Michael Babylon (People’s Rights and Welfare and Good Governance and People’s Participation Committees Head) and CAS Representative to the USC Aubrey Kryzelle Combong (Mass Media Committee Co-Head). The LOAs were filed in order to participate in the upcoming College of Arts and Sciences Student Council elections.

The responsibilities and tasks of these officers will be assumed by remaining council members, ensuring continued delivery of the services of the council.

  | 2nd General Assembly of All Student LeadersThe 46th UPV USC invites all UPV organizations and formations to the Seco...
26/04/2026

| 2nd General Assembly of All Student Leaders

The 46th UPV USC invites all UPV organizations and formations to the Second General Assembly of All Student Leaders (ALM) for this school year. The ALM will be a space for student organizations and formations to collectively tackle pertinent matters as the end of the Academic Year approaches.

Heads of organizations and formations are strongly encouraged to attend or designate 1–2 official representatives to be present.

📍 April 28, 2026 | 5:00 PM | CFOS AV Hall

Kindly check the publicity material for the provisional agenda.

For attendance, please confirm by registering through the link below:
🔗 https://bit.ly/2NDALM
🔗 https://bit.ly/2NDALM
🔗 https://bit.ly/2NDALM

Attendees are advised to bring their own snacks and dinner for the General Assembly.

We look forward to a meaningful ALM!

HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO! HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19!Madugo ang kasaysayan ng pakikibaka para karapatan sa lupa, t...
24/04/2026

HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO! HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19!

Madugo ang kasaysayan ng pakikibaka para karapatan sa lupa, trabaho at buhay sa Negros. Hanggat ngayon, nananatiling nasa kamay ng mga panginoong maylupa ang kalakhan ng mga sakahan sa rehiyon. Protektado ang sistemang ito ng estado at militar na hindi nag-aatubiling gumamit ng dahas sa mga magsasaka, manggagawa, progresibo at kabataang lumalaban. Nitong linggo, 600 na indibidwal ang pinalayas mula sa kanilang tirahan sa Barangay Salamanca, Toboso sa Negros Occidental. 19 dito ay walang-awang pinatay ng 79th Infantry Battalion (IB) nitong ika-19 ng Abril.

Isa si Alyssa Alano sa mga sibilyan na namartir ng mga berdugo. Siya ay isang konsehal ng UP Diliman University Student Council, at anti-imperyalistang kabataan na nagsilbi bilang tagapangulo ng League of Filipino Students - UP Diliman. Tumungo si Alyssa sa Negros para kilalahin at pag-aralan ang tunay na sitwasyon ng mga magsasaka. Lumiban si Alyssa sa labas ng kaniyang komportableng buhay para gamitin ang talino at husay para pagsilbihan ang masang Pilipino.

Lubos na nakikiramay ang 46th UPV University Student Council sa mga pamilya at kaibigan ng mga nasawing Toboso 19. Mariin ding kinukundena ng 46th UPV USC ang patuloy na pandarambong ng estado at militar sa mga pesante, tagapagtanggol ng kalikasan, progresibo, at kabataan. Imbis na tutukan at lutasin ang kahirapan at krisis na hinaharap ng masang Pilipino, tinututukan ng baril ang mga inosente at ordinaryong mamamayang na ang hiling lang ay isang lipunang malaya. Patuloy pa rin ang pang-aagaw ng lupa sa mga magsasaka kasabay ng pagbigay ng barat na presyo sa kanilang mga ani, at hindi pa rin natutugunan ang problema ng mga magsasaka.

Ang kanilang buhay ay hindi lamang alaala, ito ay isang panawagan. Ang sakripisyong binuhos at segundong inialay para paglingkuran ang sambayanan ay hindi matatapos sa kanilang pagkamatay. Ito ay magpapatuloy sa bawat kilos ng paglaban, sa bawat panawagan ng hustisya, at sa bawat hakbang tungo sa tunay na pagbabago. Ang pag-atake ng estado sa mga ordinaryong Pilipino ay nagpapakita ng kanilang katakutan sa tunay na lakas ng masa. Kung kaya't ipagpapatuloy ng kabataan ang militanteng pakikibaka para pagsilbihan ang taumbayan!

HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!
HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19!
MILITAR SA KANAYUNAN, PALAYASIN!







HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO, MARTIR NG SAMBAYANAN! Mariing kinukondena ng KASAMA sa UP ang militarisasyon ng 303rd In...
22/04/2026

HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO, MARTIR NG SAMBAYANAN!

Mariing kinukondena ng KASAMA sa UP ang militarisasyon ng 303rd Infantry Brigade ng Joint Task Force Spear sa ilalim ng 79th Infantry Battalion, Philippine Army (79th IBPA) sa Negros Occidental. Dulot ng pasismo ng mga ito, mula sa kumpas ni Marcos Jr., namartir si Alyssa Alano, isang iskolar ng bayan at Konsehal mula sa UP Diliman University Student Council.

Mababalitaan nitong ika-19 ng Abril na higit 600 na indibidwal, o kulang-kulang 170 na mga pamilya ang sapilitang pinalikas dahil sa malalang pag-atake sa Brgy. Salamanca, Toboso. Sa gitna nito, ilang buhay na naman ang binawi ng militar mula sa mga mamamayang naninirahan at nakikipamuhay sa komunidad. Sa kabila ng pilit na panlilinlang nila sa tunay na adhikain doon, ang totoong dahilan sa kanilang patuloy na pangiiintimida ay para protektahan ang interes ng mga panginoong maylupa at malalaking burgesya kumprador. Para ito sa mga neoliberal at kontra-mamamayang mga patakaran na magpapayaman sa kanila at magpapalayas sa mga mamamayang nakatira doon. Dagdag riyan, sa gitna ng pang-ekonomyang krisis na nararanasan ng bansa, sobra-sobrang pondo ang ibinubuhos ni Marcos Jr. sa pasismo, samantalang binabarat tayo sa pondo para sa mga batayang serbisyo, lalo na sa edukasyon.

Sa kagyat nito, buong pagmamalaking pinagpupugayan ng KASAMA sa UP ang katapangan ni Alyssa, sapagkat mapagpasya niyang pinili ang makipamuhay sa mga Negrense. Sinuong niya ang kinakaharap nilang militarisasyon at pilit na pagpapalayas sa mga komunidad para kamkamin ang kanilang mga lupa at pagtayuan ng mga dambuluhang korporasyon na iilan lamang ang makikinabang.

Pinili ni Alyssa na ibuhos ang kanyang galing at talino sa mga pesanteng inaapi ng bulok at mapaniil na sistema. At sa ganitong kalagayan, walang ibang ginawa ang pasistang estado kundi protektahan ang mga naghaharing-uri, at sa ibabaw ng kasahulan na ito, ay handa silang pumatay ng mga peasant organizers na katulad ni Alyssa, sa ngalan ng pagpapataba ng kanilang bulsa mula sa kaban ng bayan.

Mga iskolar ng bayan, ano man ang ibalik na pasismo at pananakot ng estado, hindi na mawawalay sa kahit sinong kabataan ang tuluran si Alyssa na tumungo sa komunidad ng mga pesanteng pinagsasamantalahan. Hangga’t ang kabataang lumalaban ay pilit pinatatahimik, tiyak na hindi matatapos dito ang paniningil sa patuloy na inuutang na dugo ng pasistang rehimen ni Marcos-Duterte.

Mula sa pamumuhay hanggang sa huling hininga ni Alyssa, pinili niyang pagsilbihan ang sambayanan. Hindi tulad ng gobyerno at ng mga armadong pwersa nitong sarili lamang at dayuhan ang pinaglilingkuran. Wala nang mas hihigit pa na pagkadakila ang pinakita ni Alyssa sa kanyang tunay na paglilingkod sa kapwa niya Pilipino.

SINGILIN AT PAGBAYARIN SA INUTANG NA DUGO NG PASISTANG REHIMEN SI MARCOS AT DUTERTE! HUSTISYA PARA SA MGA MARTIR NG SAMBAYANAN!



HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO, BAYANI NG SAMBAYANAN!

Mariing kinukondena ng KASAMA sa UP ang militarisasyon ng 303rd Infantry Brigade ng Joint Task Force Spear sa ilalim ng 79th Infantry Battalion, Philippine Army (79th IBPA) sa Negros Occidental. Dulot ng pasismo ng mga ito, mula sa kumpas ni Marcos Jr., namartir si Alyssa Alano, isang iskolar ng bayan at Konsehal mula sa UP Diliman University Student Council.

Mababalitaan nitong ika-19 ng Abril na higit 600 na indibidwal, o kulang-kulang 170 na mga pamilya ang sapilitang pinalikas dahil sa malalang pag-atake sa Brgy. Salamanca, Toboso. Sa gitna nito, ilang buhay na naman ang binawi ng militar mula sa mga mamamayang naninirahan at nakikipamuhay sa komunidad. Sa kabila ng pilit na panlilinlang nila sa tunay na adhikain doon, ang totoong dahilan sa kanilang patuloy na pangiiintimida ay para protektahan ang interes ng mga panginoong maylupa at malalaking burgesya kumprador. Para ito sa mga neoliberal at kontra-mamamayang mga patakaran na magpapayaman sa kanila at magpapalayas sa mga mamamayang nakatira doon. Dagdag riyan, sa gitna ng pang-ekonomyang krisis na nararanasan ng bansa, sobra-sobrang pondo ang ibinubuhos ni Marcos Jr. sa pasismo, samantalang binabarat tayo sa pondo para sa mga batayang serbisyo, lalo na sa edukasyon.

Sa kagyat nito, buong pagmamalaking pinagpupugayan ng KASAMA sa UP ang katapangan ni Alyssa, sapagkat mapagpasya niyang pinili ang makipamuhay sa mga Negrense. Sinuong niya ang kinakaharap nilang militarisasyon at pilit na pagpapalayas sa mga komunidad para kamkamin ang kanilang mga lupa at pagtayuan ng mga dambuluhang korporasyon na iilan lamang ang makikinabang.

Pinili ni Alyssa na ibuhos ang kanyang galing at talino sa mga pesanteng inaapi ng bulok at mapaniil na sistema. At sa ganitong kalagayan, walang ibang ginawa ang pasistang estado kundi protektahan ang mga naghaharing-uri, at sa ibabaw ng kasahulan na ito, ay handa silang pumatay ng mga peasant organizers na katulad ni Alyssa, sa ngalan ng pagpapataba ng kanilang bulsa mula sa kaban ng bayan.

Mga iskolar ng bayan, ano man ang ibalik na pasismo at pananakot ng estado, hindi na mawawalay sa kahit sinong kabataan ang tuluran si Alyssa na tumungo sa komunidad ng mga pesanteng pinagsasamantalahan. Hangga’t ang kabataang lumalaban ay pilit pinatatahimik, tiyak na hindi matatapos dito ang paniningil sa patuloy na inuutang na dugo ng pasistang rehimen ni Marcos-Duterte.

Mula sa pamumuhay hanggang sa huling hininga ni Alyssa, pinili niyang pagsilbihan ang sambayanan. Hindi tulad ng gobyerno at ng mga armadong pwersa nitong sarili lamang at dayuhan ang pinaglilingkuran. Wala nang mas hihigit pa na pagkadakila ang pinakita ni Alyssa sa kanyang tunay na paglilingkod sa kapwa niya Pilipino.

SINGILIN AT PAGBAYARIN SA INUTANG NA DUGO NG PASISTANG REHIMEN SI MARCOS AT DUTERTE! HUSTISYA PARA SA MGA BAYANI NG SAMBAYANAN!



HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!Ipinapahayag ng UP Office of the Student Regent ang matinding dalamhati at pag-aalala sa ...
22/04/2026

HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!

Ipinapahayag ng UP Office of the Student Regent ang matinding dalamhati at pag-aalala sa balita ng pagpaslang ng pasistang militar kay Alyssa Alano, mag-aaral ng UP Diliman at konsehal ng UP Diliman University Student Council.

Ayon sa mga ulat, nasawi si Alyssa habang nakikipamuhay at nakikisalamuha sa mga komunidad ng magsasaka sa Negros Occidental. Ginagamit na dahilan ng mga militar ang di umano’y engkwentro sa pagitan ng New People’s Army at ng 79th Infantry Battalion upang pagtakpan ang kasahulan ng kanilang pagpaslang kay Alyssa.

Kinikilala si Alyssa bilang isang masikhay na lider-estudyante na naglaan ng panahon at kakayahan upang makiisa sa mga sektor na higit na nangangailangan. Nagsilbi si Alyssa bilang konsehal ng UP Diliman University Student council at tagapangulo ng League of Filipino Student - UP Diliman. Isa siya sa mga nanguna sa paglulunsad ng makasaysayang walkout na nilahukan ng 8,000 mag-aaral mula UP Diliman. Bago pa man ito, malaki na ang naging ambag ni Alyssa sa pagpapaingay ng mga kampanyang anti-korapsyon, anti-militarisasyon ng pamantasan, at pagpapataas ng budget ng UP. Ang kanyang paninindigan na makibahagi sa kalagayan ng mga magsasaka ay sumasalamin sa diwa ng serbisyong publiko at malasakit sa kapwa na inaasahan sa Iskolar ng Bayan.

Hindi na lingid sa mamamayan, laluna sa hanay ng masang anakpawis, ang madugong kasaysayan ng berdugong militar sa pagtapak sa karapatang pantao. Dapat panagutin ang 79th Infantry Batallion (79IB) sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Eric Alfonso, ang 303rd Infantry Brigade (303IBde) na pinamumunuan ni Brig. Gen. Ted Dumusmog, ang 3rd Infantry “Spearhead” Division (3ID) na pinamumunian ni Maj. Gen. Michael Samson, ang Philippine Army na pinamumunuan ni Lt. Gen. Antonio Nafarrete, at ang Commander-in-Chief ng mga tutang militar na si Ferdinand Marcos Jr., hindi lamang para sa pagpaslang kay Alyssa kundi para sa pagpapahirap sa taumbayan ng Negros at ng buong bansa.

Sa gitna ng malalang krisis sa ekonomya at matinding kahirapan, mas pinipili ng rehimeng Marcos Jr. na ilaan ang pondo nito sa pamamasista imbis na sa mga batayang serbisyong panlipunan. Imbis na tugunan ang kagyat na kahilingan ng mga taumbayan, pinipili ni Marcos ang pagpapaulan ng mga bala at bomba sa masang sadlak sa kagutuman. Magmula nang ipatupad ang Memorandum Order No. 32 sa rehiyon, umigting ang militarisasyon at karahasan na nagdulot ng maraming pagkasawi at kawalan ng kapayapaan dito.

Kaugnay nito, nananawagan kami ng kapanagutan, pagtiyak sa paggalang sa karapatang pantao, at sa kaligtasan ng mga sibilyan, lalo na sa mga lugar na may umiiral na presensya ng mga militar.

Pinagpupugayan namin ang alaala ni Alyssa Alano, isang lider-estudyante na naglingkod sa sambayanan nang matapang at may pagkalinga hanggang sa kaniyang huling hininga.

Hustisya para kay Alyssa Alano!
Hustisya para sa lahat ng biktima ng pasistang estado!
Panagutin ang Berdugong AFP!
Panagutin ang papet, pabaya, pahirap, at pasistang rehimeng US-Marcos Jr.!

20/04/2026

BEEP BEEP BEEP BEEP 🎵
HAWAK MO ANG JEEP 🚙
SUMAMA SA TRANSPORT STRIKE!✊️

Habang umaabot sa daan-daan ang presyo ng gasolina sa kada litro, hindi na marating ng mga tsuper, komyuter, at konsyumer ang kalayaan mula sa krisis na kinakaharap at nagpapahirap.

Hindi lang presyo ang nagbabago kundi ang pamumuhay ng bawat Pilipino dahil sa malalang epekto nito. Gawing abot-kaya ang transportasyon at ipaglaban ang regulasyon! Sumama sa mga pagkilos!

📌 LIGHTNING RALLY
WHEN: April 21, 2026 @ 10:00 AM
WHERE: CUB
WHO: Lahat tayo!

Sabay-sabay tayong aalis ng UPV Miagao bukas nang 10:30 AM papunta sa strike centers sa city para sa mga nais sumama.

📌 TRANSPORT AND PEOPLE'S STRIKE CENTERS
• Ibaba ng General Luna Flyover
• Harap ng Iloilo Provincial Capitol
• Tagbak Terminal
• Ungka Terminal (Christ the King)
• Front of Mandurriao Elementary School

KITAKITS BUKAS! SA LABAN NG TSUPER, KASAMA ANG KOMYUTER! ✊️🚨



TAMA NA, SOBRA NA ANG OVERPRICING SA PRODUKTONG PETROLYO!Patuloy ang pagpapahirap ng estado at ang pagtaas ng presyo ng ...
20/04/2026

TAMA NA, SOBRA NA ANG OVERPRICING SA PRODUKTONG PETROLYO!

Patuloy ang pagpapahirap ng estado at ang pagtaas ng presyo ng krudo. Apektado rito ang mga tsuper, pasahero, at lahat ng masang Pilipino.

Kung kaya’t, bilang mga pag-asa ng bayan, dagdagan natin ang lakas ng mga tsuper! Sumama sa strike ng taumbayan at patuloy na makibaka kontra oil price hike, korapsyon, at imperyalismo! ✊

📌 LIGHTNING RALLY
WHEN: April 21, 2026 @ 10:00 AM
WHERE: CUB
WHO: Lahat tayo!

Sabay-sabay tayong aalis ng UPV Miagao bukas nang 10:30 AM papunta sa strike centers sa city para sa mga nais sumama.

📌 TRANSPORT AND PEOPLE'S STRIKE CENTERS
• Ibaba ng General Luna Flyover
• Harap ng Iloilo Provincial Capitol
• Tagbak Terminal
• Ungka Terminal (Christ the King)
• Front of Mandurriao Elementary School

KITAKITS BUKAS! SA LABAN NG TSUPER, KASAMA ANG KOMYUTER! ✊️🚨



  | UPV ADMINISTRATION DENIES REQUEST TO SUSPEND CLASSES THIS APRIL 21, 2026 IN LINE WITH THE TRANSPORT STRIKEThe UPV Ad...
20/04/2026

| UPV ADMINISTRATION DENIES REQUEST TO SUSPEND CLASSES THIS APRIL 21, 2026 IN LINE WITH THE TRANSPORT STRIKE

The UPV Administration informs the university community that the request to suspend classes on April 21, 2026, in relation to the planned transport strike, has been denied. The administration cited the following reasons:

- Only limited transport groups are expected to participate in the strike.
- No official or sufficient news/information has been widely disseminated regarding the transport strike.
With this, all classes and university operations shall proceed according to the regular schedule unless further announcements are issued.

Students, faculty, and staff are advised to plan their travel arrangements accordingly in line with the Transport Strike.

  | UPV USC FILES A REQUEST TO SUSPENSION OF CLASSES THIS APRIL 21, 2026 IN CONSIDERATION WITH PEOPLE'S STRIKEAmid the s...
20/04/2026

| UPV USC FILES A REQUEST TO SUSPENSION OF CLASSES THIS APRIL 21, 2026 IN CONSIDERATION WITH PEOPLE'S STRIKE

Amid the sharp rise in oil prices and its cascading effects on transport costs, food prices, and students’ daily expenses, the 46th UPV University Student Council calls on the administration to take concrete action in support of welfare of the UPV Community.

Specifically, the 46th UPV USC request the following measures:

- Cancellation of face-to-face classes on April 21, 2026, especially for our students at the Iloilo City Campus, in consideration with the People’s Strike that will be conducted within Iloilo City. This is to ensure that our students and members of the community ensure the safety affected by the disruptions in public transport;
- Encourage academic leniency and flexible learning arrangements for affected students and faculty;
- Be one with the call to local government units, including city and provincial councils, to support and honor the strike from the sectors mentioned and support the legitimate demands of transport workers and the Filipino people.

We enjoin everyone to carry the responsibility of being responsive to the conditions of the communities and the sectors we serve, especially in times of crisis that disproportionately affect students, workers, and the wider public.

  | Councilors Calva, Itum and SOTECH Rep Alpon file a Leave of Absence (LOA) to Participate in Student Council Election...
20/04/2026

| Councilors Calva, Itum and SOTECH Rep Alpon file a Leave of Absence (LOA) to Participate in Student Council Elections

As of April 20, 2025, Monday, the 46th UP Visayas University Student Council has received three (3) formal requests for leave of absence (LOA) from Councilor Kurt John Calva (Students Rights and Services Committee Head), Councilor Ialonah Itum (Education and Research Committee Head), and SOTECH Rep Aliyah Kate Alpon (Student Welfare and Health Committee Co-Head), who will participate in the upcoming student council elections in the College of Management and School of Technology.

All standing tasks and responsibilities of these officers have been deliberated upon by the council and assumed by their respective committee heads and co-heads, ensuring the continued delivery of council services.

Hindi pa 10 PM, pero ramdam na ang pagod—yearning not for someone, kundi para sa isang genuine wellness break 🥺Midsemest...
13/04/2026

Hindi pa 10 PM, pero ramdam na ang pagod—yearning not for someone, kundi para sa isang genuine wellness break 🥺

Midsemester na naman, mga Iskolar ng Bayan. Papatapos na ang semestre, at dahil dyan ay tambak na tayo ng mga laboratory reports, requirements, at deadlines. Parang wala na ba talaga tayong karapatang huminga kahit saglit?!

Kamusta ka ngayon, Iskolar?
Ikaw rin ba ay yearning for a Genuine Wellness Break?

I-react mo na dito sa post👇


Address

CUB (Lean Alejandro Hall) Basement, UP Visayas
Miagao
5023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Visayas University Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to UP Visayas University Student Council:

Share