18/06/2026
LIS NAKILAHOK SA CY 2026 SECOND QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRIL
LUNGOG, Narvacan, Ilocos Sur – Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kultura ng kahandaan at kaligtasan sa paaralan, matagumpay na nakilahok ang Lungog Integrated School (LIS) sa isinagawang CY 2026 Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong Hunyo 18, 2026, alas-9:00 ng umaga.
Ang aktibidad ay isinagawa alinsunod sa Division Memorandum Blg. 339, s. 2026 na nag-uutos sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na lumahok sa sabayang earthquake drill sa buong bansa upang mapalakas ang kamalayan at kahandaan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani sa posibleng pagyanig at iba pang sakunang dulot ng lindol.
Sa pangunguna ni Dr. Dexter John C. Collo, School Principal I, katuwang ang School Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Team, matagumpay na naisagawa ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ang mga itinakdang hakbang sa panahon ng lindol. Agad nilang isinagawa ang wastong “Duck, Cover, and Hold” kasunod ng hudyat ng pagyanig bago ang maayos at ligtas na paglikas patungo sa mga itinakdang evacuation area ng paaralan.
Layunin ng naturang drill na sanayin ang komunidad ng paaralan sa tamang pagtugon sa oras ng emerhensiya at mabawasan ang panganib ng pinsala at pagkawala ng buhay sakaling magkaroon ng aktuwal na lindol.
Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, muling ipinakita ng LIS ang matibay nitong pangako sa pagtataguyod ng ligtas, handa, at matatag na kapaligirang pampaaralan para sa kapakanan ng bawat mag-aaral at kawani.
“Ang kahandaan sa sakuna ay susi sa kaligtasan ng bawat isa.”