28/05/2026
๐ง๐ถ๐น๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐๐ฎ๐ฝ๐บ๐ฎ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐โ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ป ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ผโ๐ ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ ๐๐ฎ ๐บ๐๐ป๐ฑ๐ผ ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐น๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐๐ป๐ผ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ.
Sa mga unang araw ng ating paglalakbay, wari nating tayoโy mga ibong bagong natutong ibuka ang sariling mga pakpakโmarahang sumusubok lumipad habang nilalabanan ang malalakas na hangin ng pangamba, takot, at responsibilidad. Hindi naging laging matiwasay ang ating paglalakbay, may mga gabing kinain ng pagod at katahimikan, may mga pagkakataong tila gustong bumigay ng isip at damdamin dahil sa bigat ng mga hamon. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, patuloy tayong sumuong sa himpapawid ng pangarap kahit ilang ulit tayong muntik mapagod sa paglipad.
Hindi natin namalayang habang unti-unting lumilipas ang mga araw, tayo rin ay dahan-dahang hinuhubog ng panahon. Ang dating mga hindi kilalang mukha ay naging mga taong kasama nating tumawa, lumuha, at lumaban sa bawat pagsubok.
Ang mga silid-aralang minsang nakakatakot pasukin ay naging saksi sa ating pagpupursige, pagkakamali, at tagumpay. Ang bawat pagsusulit na nagpayanig sa ating kumpiyansa, bawat proyekto na halos umubos ng ating lakas, at bawat umagang pinilit nating bumangon kahit sukong-suko na ang isip at katawan, lahat ng ito ay naging bahagi ng apoy na lalo lamang nagpatatag sa atin. Sapagkat ang kolehiyo ay hindi lamang pala tungkol sa pagkuha ng mataas na marka, itoโy isang malawak na dagat na nagtuturo kung paano lumangoy kahit nalulunod na sa pagod at agahoy.
At ngayoโy tila hindi pa man lubos na naghihilom ang pagod ng unang yugto, heto na tayoโpalipad na patungo sa second year. Isang panibagong kabanata na muling susubok sa tibay ng ating mga pakpak at sa lalim ng ating paninindigan. Ngunit kaiba sa mga unang hakbang nating puno ng takot noon, ngayon ay may baon na tayong karanasan, mga aral, at tapang na minsang hinubog ng kabiguan. Hindi man naging madali ang unang taon, naging makabuluhan naman ito sapagkat dito natin unti-unting nakilala ang sarili nating kakayahang bumangon sa kabila ng lahat. Ang dating mga pangarap na tila malabong abutin ay unti-unti nang nagiging liwanag na gumagabay sa ating paglipad.
Marahil marami pa tayong haharaping unos habang patuloy tayong umaakyat sa mas mataas na bahagi ng ating paglalakbay. Marami pang gabi ng pagod, luha, at pagdududa ang susubok sa ating katatagan. Ngunit kung may isang bagay na itinuro sa atin ng unang taon, iyon ay ang katotohanang kaya nating magpatuloy kahit ilang ulit tayong mapagod. Sapagkat ang tunay na paglipad ay hindi nasusukat sa bilis ng pag-abot sa dulo, kundi sa tapang na ipagpatuloy ang pagaspas ng mga pakpak kahit pagod na pagod na.
Kaya habang tayoโy sama-samang lumilipad patungo sa ikalawang taon, nawaโy huwag nating kalimutan ang bawat yapak na ating dinaanan, bawat taong naging bahagi ng ating kuwento, at bawat pangarap na minsang naging dahilan kung bakit tayo nagsimulang lumipad.
Dahil hindi na tayo ang mga estudyanteng takot at nangangapa noong unang araw sa eskwelahan. Tayo ngayon ay mga pangarap na natutong lumaban sa gitna ng bagyo, mga pusong ilang beses mang napagod ay piniling magpatuloy, at mga kaluluwang unti-unting natututong abutin ang sariling kalangitan. At habang patuloy tayong lumilipad patungo sa second year, dala natin hindi lamang ang ating mga pangarapโdala rin natin ang tapang, pananampalataya, at mga alaalang magpapaalala na minsan, nagsimula rin tayong mangarap habang nanginginig pa ang ating mga pakpak.
๐๏ธ: Baby James Aquino
๐ผ๏ธ: Baby James Aquino
From: To: