15/03/2022
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก | ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ, ๐ป๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ญ ๐ฏ๐ถ๐น๐๐ผ๐ป ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฒ๐
๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ณ๐ฎ๐ฐ๐ฒ ๐๐ผ ๐ณ๐ฎ๐ฐ๐ฒ ๐ฐ๐น๐ฎ๐๐๐ฒ๐
Marso 15, 2022 โ Naglaan ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng humigit-kumulang P1 bilyon na support fund para sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa bilang suporta sa inaasahang pagdami ng mga paaralan na lalahok sa progressive expansion ng limited face to face classes.
โNagdadagdag din kami ng resources, in addition to the regular budget, we are spending one billion more to strengthen the progressive expansion para sa mga schools,โ ani Kalihim Leonor Magtolis Briones.
โThe progressive face to face as part of blended learning has already started as early as February and we are anticipating na mas lalong dadami ang mga schools na sasali dahil pagpasok ng NCR, malaking bulto ng eskwelahan yan pati sa other places na nasa level 1 at 2 na,โ dagdag niya.
Iniulat ni Pangalawang Kalihim sa Pananalapi Annalyn Sevilla, na inihanda na ng Kagawaran ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) budget allocation na pangunahin upang maipatupad ang COVID-19 safety measures sa mga paaralan at magbigay ng learning materials para sa blended learning.
โKami po ay naghanda na ng pondo para sa pag-prepare natin ng ating progressive expansion ng face to face classes. In fact, na-meet na po namin ang ating mga Regional Directors. Marami po sa mga pondo na atin pong pinaghahandaan ay yun pong physical arrangement ng eskuwelahan, yun pong protection and safety ng mga learners at mga g**o at syempre yung mga learning resources na kailangan natin,โ pagpapaliwanag ni Pang. Kal. Sevilla.
Hanggang nitong Marso 10, iniulat ng DepEd na umabot na sa 6,122 mula sa 8,244 na mga nominadong paaralan, ang nagpapatupad na ng limited face to face classes sa buong bansa.
Ipamamahagi ang P1 bilyon budget sa lahat ng pampublikong paaralan at maaari ding gamitin upang makapagbigay ng telebisyon, speakers, at laptops sa mga silid-aralan para suportahan ang blended learning sa expansion phase.
โIba na po ang itsura ng classroom ngayon at iba na rin po yung pagtuturo ng ating mga g**o. Kailangan na po ng mga added electronic devices sa mga classroom. Ito po yung mga gastos o budget na ating pinaghahandaan,โ dagdag ni Pang. Kal. Sevilla.
Na-download na ng DepEd Central Office Budget division ang Sub-AROs nitong Marso 4 sa bawat Divisions.
Samantala, binigyang-diin ng DepEd na ipatutupad pa rin ng mga paaralan ang blended learning dahil mayroon pa ring banta ng pandemya at para malinang ng mga mag-aaral ang kanilang digital skills.
โGusto ko lang i-emphasize na hindi ibig sabihin na ngayong mag-progressive face to face na tayo ay iiwanan na natin yung konsepto ng blended learning. Kailangan pa rin yung online, hindi yung dati nating nakasanayan,โ ani Kalihim Briones.
[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2022/03/15/deped-allots-php-1-billion-to-support-progressive-expansion-of-face-to-face-classes/]