27/05/2025
πππ§π©πͺπ£ππ¨π©π π£π ππ
πΎπ, π£ππ πͺππ ππ£π ππ πππ₯ππ© π£π π₯πͺπ¬ππ¨π©π€ π¨π ππππΎ 2025
VIGAN CITY, Ilocos Sur β Iginuhit muli ang tagumpay ng Pagadian Junior College (PJC), Inc. matapos masungkit ni Mhelbryan Jay C. Yongco, kartunista ng Ang Maharlika, ang ikaapat na puwesto sa Pagguhit ng Kartung Pang-Editoryal sa National Schools Press Conference (NSPC) 2025 na ginanap noong Mayo 19β23 sa lungsod na ito.
Si Yongco ang tanging mamahayag sa indibidwal na katergorya na nakapag-uwi ng medalya na nagmula sa sangay ng Pagadian at kauna-unahang panalo ng PJCI sa NSPC 2025, ang pinakamataas na patimpalak ng mga mamahayag sa buong Pilipinas.
Kaagapay niya sa tagumpay si G. Glenn Bon Cavan, tagapayo ng Ang Maharlika. Bagaman baguhan bilang NSPC coach, ipinamalas ni G. Cavan ang kahusayan sa paggabay sa pamamagitan ng disiplina, dedikasyon, at malalim na suporta sa kanyang mag-aaral.
Sa gitna ng mainit na labanan sa pagguhit mula sa mahuhusay na kartunista na galing sa ibaβt ibang rehiyon ng Pilipinas, nanatiling determinado at mapagkumbaba si Yongco, na siyang naging pantasa niya upang makuha ang dulo ng tagumpay.
Ang panalong nakamit ni Yongco, ay panalo rin para sa Private Schools Cluster, karangalan para sa Pagadian Junior College (PJC), Inc., sa Sangay ng Pagadian City, at buong Rehiyon ng Zamboanga Peninsula (Rehiyon IX) na may malaking ambag din sa paghubog ng mga kabataang mamahayag.
Parehong unang NSPC qualifier si Yongco at ang tagasanay na si G. Cavan ngunit dahil sa dedikasyon, pagpapakumbaba at pagsisikap, ito ang mga naging sangkap nila upang maihain ang tagumpay na matagal ng gustong iguhit sa larangan ng pamamahayag.
Pusong nagpupugay ang buong PJCI at pahayagang Ang Maharlika sa tagumpay na ito, isang patunay na buhay at malakas ang βππ’π§π’π π§π πππ₯ππ²ππ§π πππ’π¬π’π©ππ§.β