10/08/2026
Ang Manila Tytana Colleges, sa pangunguna ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham at pamumuno ng Kagawan ng Edukasyong Pangkalahatan, katuwang ang Departamento ng Senior High School, ay naghanda ng mga gawain para sa Pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Wika at Kasaysayan 2026.
Ang pangkalahatang tema ng selebrasyon ay “Pamana ng Wika at Kasaysayan sa Panahon ng AI.” Batid ng buong akademikong komunidad ang halaga ng wika, kultura, at kasaysayan sa pag-unlad at pagkakaisa ng bawat mamamayan ng bansa. Mula sa ubod ng ating pagka-Pilipino ay masasabing kaya nating harapin nang may kahandaan, kaalaman, at kahusayan (K*K) ang mga hamong dulot ng nagbabagong panahon, ang pag-inog ng mundo kasabay ng pamamayani ng Artificial Intelligence (AI).
Bukod dito, gaganapin din ang kapana-panabik na writers workshop o palihan sa pagsulat sa August 20 katuwang ang Tytana Kawi Writers’ Group. Magsisilbing tagapagsanay ang mga gurong manunulat ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham na sina Dr. Eve P. Antonio, Dean Ofelia Mallabo-Mutas, Prop. Gerome Nicolas Dela Peña, Prop. Mark Norman Boquiren, at Prop. Denmark B. Soco. Ang mga bubuksang genre sa mga interesadong lumahok ay tula, sanaysay, maikling kuwento, dagli, at kuwentong pambata.
Kaya naman, Titans, ipakita natin ang ating husay at pakikiisa! Halina’t makilahok sa timpalak na pinamagatang, “Pamana ng Musika” gamit ang link https://forms.gle/5VNh56YvTF5N3mh2A
Lahat ay imbitadong dumalo sa ating programa sa Setyembre 1, GT Hall, tampok ang ating panauhing tagapagsalita na si Dr. Christopher Ian Alfonso, awtor at propesor mula sa Kagawaran ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
Kitakits, Titans!