28/06/2026
Pasayeñong Triskelion
Ang partnership ng Hotel Sogo at Pasay Council - Tau Gamma Phi ay hindi lamang tungkol sa diskuwento para sa mga magkapareha.
Higit sa lahat, ito ay isang benepisyong maaaring mapakinabangan ng ating mga kabrods/sis lalo na ng mga motorista at biyahero na madalas na naaabutan ng dis-oras ng gabi habang nasa biyahe.
Sa halip na ipilit ang pagmamaneho kahit pagod na, o dala ng impluwensya ng alak ay maaari silang magkaroon ng maayos, ligtas, at komportableng lugar upang makapagpahinga bago ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay.
Ang ganitong benepisyo ay nagtataguyod ng kaligtasan sa kalsada at nagpapakita ng tunay na malasakit sa kapakanan ng bawat kapatid nating Triskelions
Hindi lamang ito simpleng diskuwento, isa itong pribilehiyo na maaaring makatulong sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Triskelion sa oras ng pangangailangan.
Isa sa pinakamalaking benepisyo ng SOGO × Pasay Council Tau Gamma Phi Partnership ay ang lawak ng sakop nito. Dahil nationwide ang Hotel Sogo,
maaaring magamit ng mga kwalipikadong kapatid ang kanilang diskwento sa alinmang sangay sa buong Pilipinas.
Maging ikaw man na bumibiyahe para sa trabaho, pagmomotorsiklo, o personal na lakad ay may pagkakataon kang magkaroon ng maayos, malinis, at komportableng pahingahan habang nagtitipid sa gastusin.
Ito ay isang benepisyong tunay na makakatulong sa ating mga kapatid na motorista at mga biyaherong inaabot ng gabi sa kalsada.
patunay ng patuloy na malasakit ng Pasay Council - Tau Gamma Phi para sa kapakanan ng bawat Triskelion dito sa PASAY.