18/11/2022
A FATHERâS UNCONDITIONAL LOVE đĽşâ¤ď¸
Naantig ang damdamin ng mga netizens sa litratong ibinahagi ng JVD Photography sa social media kung saan tampok ang isang ama na matiyagang naghintay sa kaniyang anak upang sunduin ito mula sa eskwelahan.
Kwento ni John Vincent, ang photographer sa likod ng litrato, naabutan niyang hinihintay ni tatay ang kaniyang anak upang sunduin ito at tiyakin na ligtas itong makakauwi mula sa eskwelahan.
âActually. nung dumating ako sa area na yun para magpicture picture sa mga student, nakausap ko po si Tatay dahil magkatabi po kami na motor. then he asked me kung pumipitik ako sa ibang lugar, then I said oo, then I asked him na 'sino po hinihintay niyo?' then he said yung anak daw nya,â pahayag ni John Vincent.
âI donât know if galing work si tatay or sumaglit siya para sunduin ang anak nya, as far as I know, medyo bago daw sila sa area, kaya doble ingat daw sila kaya hatid sundo daw ni tatay yung anak niya,â dagdag pa niya.
Aminado naman si John Vincent na maging siya ay naantig din sa litratong kaniyang nakuhaan.
âFor me, the meaning of the photo was to appreciate every parentâs efforts and sacrifices. Donât shame [them] even they are wearing not tidy outfits and appreciate what ever they give or show to you while they are alive,â wika niya. (Facebook/John Vincent/JVD Photography)