UP Science and Mathematics Majors Advocating Responsible Teaching

Call Directions

UP Science and Mathematics Majors Advocating Responsible Teaching Official Facebook account: https://www.facebook.com/upsmmart

This is the official page of UP SMMART, a university-wide, academic organization based at the College of Education, University of the Philippines, Diliman.

May quiz ka ba? May exam? Pero walang scientific calculator? 👀Don't worry, mga Isko at Iska, we got you! 🤝✨Introducing 𝗨...
12/10/2026

May quiz ka ba? May exam? Pero walang scientific calculator? 👀

Don't worry, mga Isko at Iska, we got you! 🤝✨

Introducing 𝗨𝗣 𝗦𝗠𝗠𝗔𝗥𝗧’𝘀 𝗦𝗰𝗶𝗖𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗿𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺, where you can rent a scientific calculator for your next quiz, exam, or problem set!

We’re here to make your acads a little easier with an affordable and convenient way to borrow a SciCal whenever you need one.

Interested? Check out our borrowing mechanics, rental fees, and other important details in this link:
https://forms.gle/LTQh44fjtGhqmEFR6
https://forms.gle/LTQh44fjtGhqmEFR6
https://forms.gle/LTQh44fjtGhqmEFR6



ISANG BAGAY NA LANG ANG KULANG...Yung reviewer mo, ready na. Ikaw, ready na rin. Pero teka lang… may bluebook ka na ba? ...
12/10/2026

ISANG BAGAY NA LANG ANG KULANG...

Yung reviewer mo, ready na. Ikaw, ready na rin. Pero teka lang… may bluebook ka na ba? 😭✋

Para sa mga laging nakakalimot bumili ng bluebook at ballpen bago mag-exam, we got something for you! 👀🖊️

No need to look far! 𝗨𝗣 𝗦𝗠𝗠𝗔𝗥𝗧 𝗛𝗼𝗻𝗲𝘀𝘁𝘆 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗲 will be at the Benitez Hall Lobby from October 13–16, with bluebooks, pens, and other school supplies available for purchase. 💙

Kaya bago sumabak sa exam, daan muna sa Honesty Store! Good luck sa exams, everyone! You got this! ✨



➗ 𝟲 𝗺𝗮𝘆 𝗯𝗲 𝗮𝗳𝗿𝗮𝗶𝗱 𝗼𝗳 𝟳, 𝗯𝘂𝘁 𝘄𝗲’𝗿𝗲 𝗱𝗲𝗳𝗶𝗻𝗶𝘁𝗲𝗹𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗮𝗳𝗿𝗮𝗶𝗱 𝗼𝗳 𝗠𝗮𝘁𝗵 𝗮𝗻𝘆𝗺𝗼𝗿𝗲! 👀✨𝗪𝗛𝗬 𝗜𝗦 𝟲 𝗔𝗙𝗥𝗔𝗜𝗗 𝗢𝗙 𝟳? 𝗜𝗦 𝗔 𝗪𝗥𝗔𝗣! 🎉📚Last Satur...
12/10/2026

➗ 𝟲 𝗺𝗮𝘆 𝗯𝗲 𝗮𝗳𝗿𝗮𝗶𝗱 𝗼𝗳 𝟳, 𝗯𝘂𝘁 𝘄𝗲’𝗿𝗲 𝗱𝗲𝗳𝗶𝗻𝗶𝘁𝗲𝗹𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗮𝗳𝗿𝗮𝗶𝗱 𝗼𝗳 𝗠𝗮𝘁𝗵 𝗮𝗻𝘆𝗺𝗼𝗿𝗲! 👀✨

𝗪𝗛𝗬 𝗜𝗦 𝟲 𝗔𝗙𝗥𝗔𝗜𝗗 𝗢𝗙 𝟳? 𝗜𝗦 𝗔 𝗪𝗥𝗔𝗣! 🎉📚

Last Saturday, September 26, UP SMMART brought together future educators and Math enthusiasts for an afternoon of meaningful discussions, activities, and conversations on math anxiety at SUB Room 417, UP Diliman.

From understanding what math anxiety looks like to exploring ways we can make Mathematics classrooms more supportive and engaging, we learned that sometimes, the biggest challenge isn’t the equation itself, but the fear that comes with getting it wrong.

A special thank you to our speakers, Jordan Cadeliña and Caleb Verba, for sharing their knowledge, experiences, and insights on math anxiety! Your discussions gave us a deeper understanding of how math anxiety can affect learners and how educators can help create a more encouraging environment for them.

We hope that what we learned together will help us create classrooms where students feel more comfortable making mistakes, asking questions, and finding confidence in Mathematics. Because after all, Math doesn’t have to be scary.

To everyone who joined us, thank you for being part of the conversation! And to those who weren't able to make it, don't worry, there will always be more opportunities to learn and grow with UP SMMART.

Here’s to creating Mathematics classrooms where curiosity is encouraged, mistakes are welcomed, and no student has to be afraid of getting the answer wrong.

Until our next learning adventure, mga future g**o ng bayan! Keep learning, keep sharing, and keep making Math a little less scary.


𝗣𝗔𝗦𝗔-𝗦𝗔-𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧: Ang mga Hamon sa Likod ng Bawat G**ong IpinagdiriwangIsang taon na naman ang dumaan, at Teacher's Day na ...
05/10/2026

𝗣𝗔𝗦𝗔-𝗦𝗔-𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧: Ang mga Hamon sa Likod ng Bawat G**ong Ipinagdiriwang

Isang taon na naman ang dumaan, at Teacher's Day na ulit. Uulan na naman ng mga papuri’t pasasalamat para sa mga g**o natin— sa mga itinuturing nating ikalawang magulang. Bibigyan muli ng mga tsokolate, ng mga bulaklak, may selebrasyon at sopresa. Ngunit, sapat na nga ba ang nagiging paraan ng pasasalamat sa mga g**o ng ating bayan?

Hanggang ngayon, lumalaban parin ang mga g**ong Pilipino para sa mas mataas na sahod na sasapat para sa pamumuhay sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya. Kung titingnan mo sa internet, may disparidad sa sahod ng mga g**o kaysa sa totoong karanasan nito. Ayon sa Department of Education (DepEd), ang karaniwang sahod ng isang public school teacher ay ₱ 33,387 hanggang ₱ 55,536, na nakakaltasan pa dahil sa tax at salary deductions. Hindi ito sapat para matustusan ang isang pamilya.

Sa bisa ng RA 11466 o ang Salary Standardization Law (SSL) of 2019, nalalagay ang isang entry-level na g**o sa Salary Grade (SG) 11 o ₱ 33,387 na buwanang sahod. Ngunit ayon sa IBON Foundation, ang nakabubuhay na sahod para sa isang pamilyang may limang miyembro ay ₱ 1,312 kada araw o ₱ 39,360 kada buwan, hindi hamak na mas mababa pa sa entry salary ng isang g**o at liban pa sa mga bawas sa buwis at mandatory contribution. Sa kabila nito, hindi pa rin naisasabatas ng kongreso ang inisyatibang pataasin sa ₱ 50,000 ang sahod ng mga g**o sa ilalim ng House Bill 9920.

Dagdag pa rito, base sa National Expenditure Program, walang nilalaan na budget para makapagbukas ng mga bagong posisyon para sa mga g**o ang Office of the President. Ngunit, ayon sa datos noong Hunyo 30, mayroong humigit-kumulang 30,000 na bakanteng posisyon. Sa ngayon, ang pondo para sa DepEd ay mas bumaba pa ng 3.87 % kumpara sa nakaraang taon, kaya inaapela sa Kongreso na dagdagan at baguhin ang budget na ito.

Hindi lang ito. Kung titingnan lang natin ito mula sa perspektiba ng mga g**o ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics o STEM, may mga sariling tumpok din ito ng mga problema. May kakulangan pa rin sa specialized teacher training. Ang karaniwang teacher training ay madalas na walang kaugnayan sa kanilang mga tunay na karanasan at nakabatay sa pananaw na "one-size fits all," sa halip na iangkop ito sa mga praktikal na pangangailangan sa loob ng silid-aralan, lalo na pagdating sa mga pamamaraan ng pagtuturo ng STEM. Karaniwang kaso rin na may pagkakaiba sa espesyalisasyon ng g**o at sa paksang kanyang itinuturo. Hindi na nakakaiba na mayroong mga English teacher na pinapaturo ng Science—kahit hindi sila na-train dito!

Ayon sa natuklasan ng EDCOM II, malapit sa 62% ng mga g**o sa sekundaryong edukasyon ay nagtuturo ng paksang labas sa kanilang espesyalisasyon dahil sa kakulangan sa tauhan, lalo na sa STEM kung saan humigit-kumulang 98% ng mga g**o ang nagtuturo ng paksang hindi tugma sa kanilang pangunahing espesyalisasyon.

Mayroon ding work overload ang mga g**o natin. Sobra-sobra ang mga kailangan nilang gampanan na hindi na lamang nakalimit sa loob ng silid-aralan. Gumugugol din si titser ng karaniwang 18 na oras sa pag-aasikaso ng iba't iba pang mga gawain—kagaya ng pagsisilbi rin bilang mga nars, tagapangalaga ng aklatan, at taga-tulong sa school canteen, dahil sa kakulangan ng tauhan. Bukod pa ito sa mga hindi nabibilang na oras sa paghahanda ng lesson plan, pag aasikaso ng mga papeles ng estudyante, pagdalo sa mga seminars, at iba pa.

Sinasabi natin na ang mga g**o ang huhubog sa mga susunod na henerasyon at papanday ng kinabukasan ng lipunan. Ngunit, paano naman ang kinabukasan ni teacher kung patuloy na kipot ang pondo para sa edukasyon? Habang huwad ang badyet sa STEM? Habang umiiral ang korapsyon sa gobyerno?

Ngayong Araw ng mga G**o, nakikiisa ang 𝗨𝗣 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝘁𝗵𝗲𝗺𝗮𝘁𝗶𝗰𝘀 𝗠𝗮𝗷𝗼𝗿𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴 (𝗦𝗠𝗠𝗔𝗥𝗧) sa panawagan ng malawak na hanay ng mga g**o at iskolar-g**o ng bayan sa kampaniya na taasan ang badyet sa edukasyon, sahod ng mga g**o, at mga batayang serbisyong nakatuon para sa sektor ng edukasyon. Sadsad na ang mga mabubulaklak na papuri sa mga g**o — dapat ay tapatan ang pasasalamat na ito sa pagtugon sa mga panawagan at pangangailan ng mga g**o at mga susunod na g**o ng bayan.

𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝘀𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗴𝗶𝗴𝗶𝗽𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝘀𝗲𝗸𝘁𝗼𝗿 𝗻𝗴 𝗲𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻.





Sanggunian:

2027 Salary Increase for Public School Teachers. (2026, September). DepEd Click. https://www.deped-click.com/2026/09/2027-salary-increase-for-public-school.html
Chan, J., & Walker, S. (2024, December 26). Filipino teachers need workload reform. Inquirer.Net. https://opinion.inquirer.net/179491/filipino-teachers-need-workload-reform
Dela Peña, K. (2026, September 30). Pay disparities widen across education levels, data show. Inquirer.Net. https://newsinfo.inquirer.net/2314277/pay-disparities-widen-across-education-levels-data-show
Gregorio, A. (2026, October 4). Teachers’ groups demand anew P50,000 pay, more funds. Inquirer.Net. https://newsinfo.inquirer.net/2316927/teachers-groups-demand-anew-p50000-pay-more-funds
IBON Foundation. (2026, May 8). National Family Living Wage as of April 2026. https://www.ibon.org/tl/national-family-living-wage-as-of-april-2026/
Mangarin, R. A., & Cailo, A. J. L. (2024). Issues in Teaching Science, Technology, and Engineering: A Review of Existing Literature. International Journal of Research and Innovation in Social Science, VIII(X), 2446–2453. https://doi.org/10.47772/IJRISS.2024.8100202
Marcos, Jr., Ferdinand R. (2026, October 5). Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. At the 2026 National Teachers’ Day: “Teacher, ikaw naman.” https://pco.gov.ph/presidential-speech/speech-by-president-ferdinand-r-marcos-jr-at-the-2026-national-teachers-day-teacher-ikaw-naman/
Sampang, D. (2026, September 23). Over 20,000 DepEd teaching positions still vacant, says lawmaker. Inquirer.Net. https://newsinfo.inquirer.net/2309938/over-20000-deped-teaching-positions-still-vacant-says-lawmaker
Second Congressional Commission on Education. (2025). Fixing the Foundations: A matter of national survival. https://edcom2.gov.ph/publications/year2report/

POV: PLAYER ABC HAS BEEN OFFICIALLY DEPLOYED 👾🎮UP SMMART Grand and Special Orye is DONE! 😉🙌🏼Last Monday, September 14, w...
30/09/2026

POV: PLAYER ABC HAS BEEN OFFICIALLY DEPLOYED 👾🎮

UP SMMART Grand and Special Orye is DONE! 😉🙌🏼

Last Monday, September 14, we got to know UP SMMART in much greater detail and caught a glimpse of the organization's vibrant energy via Zoom.

To accommodate those who weren’t able to join the Grand ORYE, we also held Special ORYE sessions from September 16–19, giving us another chance to welcome more future applicants and get to know them as we shared what UP SMMART is all about! 💙✨

A big shoutout to everyone who took the time, effort, and participated throughout the Grand and Special ORYE! Our hearts are overwhelmed with fun and lasting memories that will help us spread the mission and vision of our organization to future iskos and iskas. To those who weren’t able to make it through the ORYE sessions, there will always be a next time! 😇😇

UP SMMART will never shut its doors to you. Just sign up when you see us again at the Org Fairs! We look forward to your presence and ideas in the future. 💭💡

Padayon, mga future g**o ng bayan! ✊🏼✅

Love,
UP SMMART ❤ 🔍📏

POV: You found us at Eduk Org Fair From September 2–3 at Benitez Hall, we got to share a little bit of UP SMMART with ev...
29/09/2026

POV: You found us at Eduk Org Fair

From September 2–3 at Benitez Hall, we got to share a little bit of UP SMMART with everyone who stopped by our booth.

A big thank you to everyone who dropped by, asked questions, signed up, or simply stopped to say hi! 🫶

Somehow, our camera roll got this full.

We’re happy you took the time to visit us, and we hope you had a great time too!

Until the next one! See you around!✨

𝐌𝐄𝐄𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐏𝐄𝐀𝐊𝐄𝐑𝐒 🤓Curious as to who might help us expand our knowledge on Math Anxiety and teaching approaches concerni...
25/09/2026

𝐌𝐄𝐄𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐏𝐄𝐀𝐊𝐄𝐑𝐒 🤓

Curious as to who might help us expand our knowledge on Math Anxiety and teaching approaches concerning it? 🤔

The UP Science and Mathematics Majors Advocating Responsible Teaching proudly presents our speakers for our academic workshop: "𝙒𝙝𝙮 𝙞𝙨 6 𝙖𝙛𝙧𝙖𝙞𝙙 𝙤𝙛 7?: 𝘼𝙣 𝘼𝙘𝙖𝙙𝙚𝙢𝙞𝙘 𝙒𝙤𝙧𝙠𝙨𝙝𝙤𝙥 𝘿𝙞𝙨𝙘𝙪𝙨𝙨𝙞𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙩𝙝 𝘼𝙣𝙭𝙞𝙚𝙩𝙮 𝘼𝙢𝙤𝙣𝙜 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨". Through their expertise, we are deepening our understanding of Math Anxiety and discussing ways on how we can approach this concern.

𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐒𝐏𝐄𝐀𝐊𝐄𝐑: Jordan Cadeliña on "Understanding Math Anxiety" 💡

Jordano Cadeliña graduated Cum Laude with a Bachelor of Science in Mathematics in 2025. He authored a paper, "On Moduli for Which the Fibonacci Sequence Contains a Reduced Residue System," published in The Fibonacci Quarterly. During his undergraduate studies, he served as Internal Vice President of the UP Mathematics Majors' Circle in 2024 and worked as a Student Assistant at the Diliman Learning Resource Center (DLRC), where he tutored UP students in math service courses. He is currently pursuing a Master of Science in Mathematics at the UP Institute of Mathematics and has served as a Teaching Associate there since 2025.

𝐒𝐄𝐂𝐎𝐍𝐃 𝐒𝐏𝐄𝐀𝐊𝐄𝐑: Caleb Verba on "Teaching Strategies and Interventions" 🧑‍🏫

Caleb B. Verba graduated in July 2024 with a Bachelor of Secondary Education, Major in Mathematics. He is an alumnus of UP SMMART and UP Education Society. During his undergraduate studies, he was recognized as the Most Outstanding Student Teacher for the First Semester of Academic Year 2023–2024. He has been working as a Junior High School Mathematics Teacher since October 2024 and has served as a Math Club Moderator since July 2025.

Our speakers are enthusiastic in meeting our attendees and share their knowledge for this Academic Workshop! ✨

📅 September 26, 2026 (Saturday)
🕐 1:00 PM – 4:00 PM
📍 SUB Room 417, UP Diliman

See you there!

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗚𝗜𝗡𝗧𝗢. 𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚. 𝗧𝗘𝗞𝗡𝗢𝗟𝗢𝗛𝗜𝗬𝗔 𝗔𝗧 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡Inaalala tuwing ika-21 ng Setyembre...
21/09/2026

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗚𝗜𝗡𝗧𝗢. 𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚.
𝗧𝗘𝗞𝗡𝗢𝗟𝗢𝗛𝗜𝗬𝗔 𝗔𝗧 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡

Inaalala tuwing ika-21 ng Setyembre ang tunay na kalagayan ng bansa sa ilalim ng diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr., kung saan dokumentado ang malawakang karahasan at paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng Batas Militar. Sa kabila nito, nananatiling buhay ang naratibo ng diumano'y “Golden Age” ng kanyang pamumuno. Ngunit kapag sinuri ang mga datos at ang aktwal na karanasan ng mamamayan, lumilitaw na ang ipinagmamalaking “Ginintuang Panahon” ay isang malaking ilusyon na itinayo sa pamamagitan ng karahasan, propaganda, at napakalaking pagkakautang na hanggang ngayon ay binabayaran pa rin ng sambayanang Pilipino.

Lumaganap ang iba't ibang ahensiyang pang-agham at teknolohiya sa ilalim ng administrasyong Marcos Sr. sa pamamagitan ng pagbibigay-priyoridad sa agham at teknolohiya na isinasaad sa 1973 Constitution. Pinalawak ang National Science Development Board tungo sa National Science and Technology Authority noong 1982, itinatag ang National Academy of Science and Technology noong 1976, at binuo ang iba pang institusyong pang-agham at pananaliksik. Kasabay nito ang pagtatayo ng malalaking imprastruktura tulad ng mga kalsada, irigasyon, planta ng enerhiya, at mga gusaling pangkultura na ipinakita bilang simbolo ng modernisasyon. Sa kabila ng mga pasilidad na naitayo, malaki ang halagang binayaran ng mga mamamayan; hindi lamang pananalapi kundi maging buhay at kalayaan.

Subalit mahalagang tanungin kung sino ang tunay na nakinabang at ano ang naging kapalit ng mga proyektong ito. Sa halip na gamitin ang edukasyon upang palakasin ang pambansang kapasidad sa agham at industriya, itinulak ng estado ang labor export policy sa pamamagitan ng Labor Code of 1974. Dahil dito, naging pangunahing tugon sa kawalan ng trabaho ang pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa, kabilang ang mga nagtapos sa agham at inhinyeriya. Hanggang ngayon, ramdam pa rin ang epekto nito: sa mahigit 3.7 milyong nagtapos ng agham mula 1990 hanggang 2015, tinatayang 19.6% lamang ang nakapagtrabaho sa larangang kanilang pinag-aralan. Ang retorika ng “global competitiveness” na madalas gamitin ngayon sa edukasyon ay repackaged version lamang ng parehong lohika na ang edukasyon ay para lamang sa pag-export ng lakas-paggawa at hindi para sa pambansang industriyalisasyon at pag-unlad.

Sa loob ng dalawampung taon ng paghahari ni Marcos Sr., lumobo ang utang ng Pilipinas mula $599 milyon noong 1965 hanggang $28.3 bilyon pagsapit ng 1986, upang mapondohan ang walang-humpay na pagpapatayo ng mga gusali at imprastruktura na nagsilbing palamuti ng rehimen, habang ang malaking bahagi nito ay nakurakot ng administrasyon.

Isang malinaw na halimbawa ng ilusyong ito ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). Sinimulan itong itayo noong 1976 at natapos noong 1984, ngunit hindi kailanman naging operasyonal dahil sa mga seryosong isyu sa kaligtasan at alegasyon ng korapsyon. Mula sa orihinal na tinatayang gastos na $500–700 milyon, umabot ang halaga nito sa humigit-kumulang $2.3 bilyon. Halos lahat ng ito ay pinondohan sa pamamagitan ng pag-utang mula sa ibang bansa. Iginiit pa ng ilang ulat na personal na nakinabang si Marcos Sr. mismo sa malaking bahagi ng $80M na komisyon mula sa kontrata. Isa lamang ang BNPP sa bilyon-bilyong pisong proyektong teknolohikal noong Martial Law na walang naidulot kundi ang ibaon ang Pilipinas sa utang.

Nananatiling hindi pinahahalagahan ang agham sa Pilipinas matapos ang Martial Law. Ang alokasyon para sa Research and Development ay nananatiling nasa 0.2% hanggang 0.3% lamang ng GDP, na malayong-malayo sa 1% na pamantayang inirerekomenda ng UNESCO. Nagpanukala ang DOST ng ₱48B hanggang ₱49B na badyet, ngunit halos kalahati lamang nito ang inaprubahan, at hindi man lang nakapasok ang ahensya sa sampung may pinakamalaking badyet sa bansa. Sa gitna ng kakulangan ng pondo, muling bumabangon ang panukalang magtayo ulit ng nuclear power plant, hindi para sa kapakanan ng mamamayan, kundi upang magbigay ng suplay ng kuryente para sa napakalaking energy requirement ng Pax Silica, na isang proyektong pinamumunuan ng Estados Unidos para sa artificial intelligence (AI) at semiconductor sa New Clark City. Sa panlabas, inilalarawan ang mga proyektong ito bilang makabuluhang pagsulong sa agham at teknolohiya, ngunit, tulad ng BNPP, nagdadala lamang ang mga ito ng malaking panganib at dagdag na pasanin sa kaligtasan at ekonomiya ng bansa. Parehong bansa at parehong lohika ng pagkakautang at pagdepende sa dayuhan, na ngayon ay nangyayari sa ilalim ng pamumuno ng anak ng dating diktador.

Hindi hiwalay ang mga proyektong ito sa matinding karahasang dinanas ng bayan sa isa sa mga pinakamadilim na yugto ng kasaysayan nito. Ayon sa datos ng Amnesty International, umabot sa 107,200 ang naging biktima ng rehimeng Marcos Sr., kabilang ang hindi bababa sa 3,200 na pinaslang at humigit-kumulang 70,000 na ilegal na ikinulong at tinortyur. Inamin mismo ni Marcos Sr. sa Amnesty International noong 1975 na mahigit 50,000 katao ang inaresto sa ilalim ng Batas Militar sa pagitan lamang ng 1972 at 1975, kabilang ang mga lider-manggagawa, mga peryodista, at mga tagapagtanggol ng karapatang pantao. Hindi maaaring pag-usapan ang tinatawag na “pag-unlad” noong Batas Militar nang hiwalay sa mga buhay na nakitil at sa mga taong sinaktan at pinahirapan upang mapanatili ang imahe ng kaayusan.

Sa pag-alala natin ngayong ika-21 ng Setyembre, mahalagang hindi lamang natin alalahanin ang mga biktima ng karahasan, kundi kilalanin din ang sistemang patuloy na nagpapanatili ng ilusyon ng pag-unlad habang pinapabayaan ang tunay na agham, edukasyon, at kapakanan ng mamamayan. Ngayong isang Marcos muli ang namumuno sa bansa, hindi natin dapat hayaang magpatuloy ang parehong istruktura ng pagkakautang, pagpapabaya, at pang-aabuso sa kapangyarihan. Kailangang isulong ang tunay na pamumuhunan sa pambansang agham at edukasyon, at hindi ang muling pagtatayo ng mga megalomaniac na proyektong nagpapanggap na pag-unlad habang nagpapalubog sa atin sa utang at panlalabis sa mga Pilipinong mamamayan.

Pinangakuan tayo ng ginto. Ang natanggap lamang natin ay ang kinang ng utang at sakripisyong hanggang ngayon ay patuloy nating binabayaran sa pera at sa buhay.








𝗠𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻

Abjorensen, N. (2017, Nobyembre 22). 𝘕𝘰 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳, 𝘣𝘶𝘵 𝘱𝘭𝘦𝘯𝘵𝘺 𝘰𝘧 𝘴𝘺𝘮𝘣𝘰𝘭𝘪𝘴𝘮. Inside Story. https://insidestory.org.au/no-power-but-plenty-of-symbolism/

Amnesty International. (2022, Abril 25). 𝘍𝘪𝘷𝘦 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨𝘴 𝘵𝘰 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘔𝘢𝘳𝘵𝘪𝘢𝘭 𝘓𝘢𝘸 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴. Amnesty International. https://www.amnesty.org/en/latest/news/2022/04/five-things-to-know-about-martial-law-in-the-philippines/

Bacay, H. (2026). 𝘗𝘢𝘹 𝘚𝘪𝘭𝘪𝘤𝘢 𝘷𝘰𝘳𝘢𝘤𝘪𝘰𝘶𝘴, 𝘶𝘯𝘯𝘦𝘤𝘦𝘴𝘴𝘢𝘳𝘺; 𝘮𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘵 𝘦𝘯𝘦𝘳𝘨𝘺 𝘴𝘶𝘱𝘱𝘭𝘺 – 𝘛𝘪𝘯𝘪𝘰. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/2275300/

Dela Peña, K. (2021, Setyembre 21). 𝘔𝘢𝘳𝘤𝘰𝘴’ 𝘮𝘢𝘳𝘵𝘪𝘢𝘭 𝘭𝘢𝘸: 𝘎𝘰𝘭𝘥𝘦𝘯 𝘢𝘨𝘦 𝘧𝘰𝘳 𝘤𝘰𝘳𝘳𝘶𝘱𝘵𝘪𝘰𝘯, 𝘢𝘣𝘶𝘴𝘦𝘴. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1490968/

Department of Science and Technology. (w.p.). 𝘏𝘪𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘓𝘰𝘨𝘰. Department of Science and Technology. Retrieved September 17, 2026, from https://www.dost.gov.ph/transparency/about-dost/history-and-logo.html

Fernandez, H. A. (2026). 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴 𝘱𝘶𝘴𝘩𝘦𝘴 𝘈𝘐 𝘩𝘶𝘣, 𝘨𝘢𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘯𝘶𝘤𝘭𝘦𝘢𝘳 𝘵𝘰 𝘣𝘰𝘰𝘴𝘵 𝘪𝘯𝘷𝘦𝘴𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵. Eco-Business. https://www.eco-business.com/news/philippines-pushes-ai-hub-gas-and-nuclear-to-boost-investment/

Galang, G. C. (2026, Hulyo 28). 𝘋𝘖𝘌 𝘦𝘺𝘦𝘴 𝘯𝘶𝘤𝘭𝘦𝘢𝘳 𝘵𝘰 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳 𝘗𝘢𝘹 𝘚𝘪𝘭𝘪𝘤𝘢 𝘈𝘐 𝘩𝘶𝘣 𝘪𝘯 𝘕𝘦𝘸 𝘊𝘭𝘢𝘳𝘬 𝘊𝘪𝘵𝘺. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2026/07/28/doe-eyes-nuclear-to-power-pax-silica-ai-hub-in-new-clark-city

IBON Foundation. (2022, Pebrero 25). `𝘎𝘰𝘭𝘥𝘦𝘯 𝘠𝘦𝘢𝘳𝘴’: 𝘛𝘩𝘦 𝘳𝘦𝘢𝘭 𝘭𝘰𝘯𝘨-𝘭𝘢𝘴𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘦𝘤𝘰𝘯𝘰𝘮𝘪𝘤 𝘥𝘢𝘮𝘢𝘨𝘦 𝘸𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩𝘵 𝘣𝘺 𝘔𝘢𝘳𝘤𝘰𝘴. IBON Foundation. https://www.ibon.org/en/golden-years-the-real-long-lasting-economic-damage-wrought-by-marcos/

Maca, M. (2018). Education in the ‘New Society’ and the Philippine Labour Export Policy (1972-1986). 𝘑𝘰𝘶𝘳𝘯𝘢𝘭 𝘰𝘧 𝘐𝘯𝘵𝘦𝘳𝘯𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘢𝘯𝘥 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘢𝘳𝘢𝘵𝘪𝘷𝘦 𝘌𝘥𝘶𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯, 7(1), 1–16. https://doi.org/10.14425/jice.2018.7.1.1

Manlapig, R. (2025, Setyembre 6). 𝘛𝘳𝘦𝘢𝘵𝘪𝘴𝘦: 𝘏𝘰𝘸 𝘨𝘢𝘱𝘴 𝘪𝘯 𝘧𝘶𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘰𝘳𝘴𝘦𝘯 𝘯𝘢𝘵’𝘭 𝘙&𝘋 𝘤𝘳𝘪𝘴𝘪𝘴. The LaSallian. https://thelasallian.com/2025/09/06/treatise-how-gaps-in-funding-worsen-natl-rd-crisis/

Montesa, A. J. (2022, Marso 6). 𝘛𝘩𝘦 𝘦𝘤𝘰𝘯𝘰𝘮𝘪𝘤 𝘭𝘦𝘨𝘢𝘤𝘺 𝘰𝘧 𝘔𝘢𝘳𝘤𝘰𝘴. BusinessWorld. https://bworldonline.com/opinion/2022/03/06/434082/

Punongbayan, J. C., & Mandrilla, K. (2016, Marso 5). 𝘔𝘢𝘳𝘤𝘰𝘴 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘴 𝘮𝘢𝘳𝘬𝘦𝘥 `𝘨𝘰𝘭𝘥𝘦𝘯 𝘢𝘨𝘦’ 𝘰𝘧 𝘗𝘏 𝘦𝘤𝘰𝘯𝘰𝘮𝘺? 𝘓𝘰𝘰𝘬 𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘥𝘢𝘵𝘢. Rappler. Rappler. https://www.rappler.com/voices/imho/124682-marcos-economy-golden-age-philippines/

Untalan, S. (2025, Hulyo 17). 𝘗𝘏 𝘴𝘤𝘪𝘦𝘯𝘵𝘪𝘴𝘵𝘴 𝘭𝘢𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘰𝘧 𝘨𝘰𝘷’𝘵 𝘴𝘶𝘱𝘱𝘰𝘳𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘴𝘤𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘦𝘤𝘩𝘯𝘰𝘭𝘰𝘨𝘺. GMA Network. https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/952968/ph-scientists-lament-lack-of-gov-t-support-for-science-and-technology/story/

VERA Files. (2020, Oktubre 25). 𝘝𝘌𝘙𝘈 𝘍𝘐𝘓𝘌𝘚 𝘍𝘈𝘊𝘛 𝘚𝘏𝘌𝘌𝘛: 𝘈 𝘴𝘭𝘦𝘦𝘱𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳 𝘨𝘪𝘢𝘯𝘵, 𝘉𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯 𝘕𝘶𝘤𝘭𝘦𝘢𝘳 𝘗𝘰𝘸𝘦𝘳 𝘗𝘭𝘢𝘯𝘵 𝘦𝘹𝘱𝘭𝘢𝘪𝘯𝘦𝘥. VERA Files. https://verafiles.org/articles/vera-files-fact-sheet-sleeping-power-giant-bataan-nuclear-po

➗ 𝗪𝗵𝘆 𝗶𝘀 𝟲 𝗮𝗳𝗿𝗮𝗶𝗱 𝗼𝗳 𝟳?𝗕𝗲𝗰𝗮𝘂𝘀𝗲 𝟳 𝟴 𝟵. 😭But maybe there’s another reason students might be afraid of Math—and that’s math...
21/09/2026

➗ 𝗪𝗵𝘆 𝗶𝘀 𝟲 𝗮𝗳𝗿𝗮𝗶𝗱 𝗼𝗳 𝟳?
𝗕𝗲𝗰𝗮𝘂𝘀𝗲 𝟳 𝟴 𝟵. 😭

But maybe there’s another reason students might be afraid of Math—and that’s math anxiety.

UP SMMART is holding its Academic Workshop, "𝙒𝙝𝙮 𝙞𝙨 6 𝙖𝙛𝙧𝙖𝙞𝙙 𝙤𝙛 7?: 𝘼𝙣 𝘼𝙘𝙖𝙙𝙚𝙢𝙞𝙘 𝙒𝙤𝙧𝙠𝙨𝙝𝙤𝙥 𝘿𝙞𝙨𝙘𝙪𝙨𝙨𝙞𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙩𝙝 𝘼𝙣𝙭𝙞𝙚𝙩𝙮 𝘼𝙢𝙤𝙣𝙜 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨"

Math can be more than just numbers, formulas, and problem sets. For some learners it can be a pressure, frustration, and fear of getting the “wrong” answer.

This workshop will help educators and pre-service teachers to understand math anxiety, to identify how it might show up in students and to explore practical strategies to create a more supportive and engaging Mathematics classroom.

Join us for an afternoon of discussions, practical teaching strategies, open forum and a hands on group workshop designed to help us turn what we learn into classroom practice!

📅 September 26, 2026 (Saturday)
🕐 1:00 PM – 4:00 PM
📍 SUB Room 416, UP Diliman

Interested? Register and join us!

https://bit.ly/UPSMMARTMathAnxiety
Let’s make Math a little less scary, one equation at a time. ✨

And don’t worry, we promise there won’t be any surprise pop quizzes. 👀

See you there!

17/09/2026

𝐆𝐔𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍, 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐍𝐒𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍!
𝐏𝐎𝐍𝐃𝐎 𝐒𝐀 𝐄𝐃𝐔𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍, 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐒𝐌𝐎 𝐀𝐓 𝐊𝐎𝐑𝐀𝐏𝐒𝐘𝐎𝐍!

Sa ika-54 na taon matapos ang malagim na Batas Militar ni Marcos Sr., isang Marcos ulit ang nakaupo sa palasyo! PAREHONG TUTA, PAHIRAP, PASISTA!

Sa gitna ng lumalalang krisis sa edukasyon at lipunan, ang mga G**o ng Bayan ay patuloy na pinahihirapan ng papet at korap na rehimeng Marcos-Duterte! Binabawasan ang pondo sa edukasyon, pinapasista at sinusupil ang mamamayang lumalaban, at pinahihintulutan ang imperyalistang pandarambong ng Estados Unidos.

Tatapyasan ng P3.34 bilyon o 2.42% pondo para sa edukasyon at 42% o 49 sa 116 ng lahat ng state universities at colleges (SUCS) ang haharap sa matinding budget cuts sa NEP 2027. Ang mga Iskolar ng Bayan ay haharap sa mahigit P2.95 bilyong budget cut sa buong UP System.

Mas lalong pagkakaitan ang mga estudyante sa units, dorm slots, scholarships, at batayang serbisyo habang ang bilyon-bilyon ang nilalaan ng gobyerno para sa korapsyon sa pamamagitan ng pondo para sa confidential intelligence funds ng Office of the President at anumalyang flood control ng DPWH.

Tumaas rin ang pondo ng pasistang NTF-ELCAC at AFP-PNP na nangr-redtag at dumadahas sa mga aktibista, magsasaka, katutubo, at unyon sa iba’t ibang parte ng bansa upang patahimikin at supilin ang kanilang pakikibaka. Hindi makakalimutan ng mga Iskolar ng Bayan ang pagpaslang ng 17th Infantry Battalion sa mga kapwa Iskolar ng Bayan at non-combatants na si Alyssa Alano at Maureen Santuyo sa Toboso sa Negros Occidental. Naroon sila upang makipamuhay sa mga magsasakang inaagawan ng lupa at sa hanay ng masang humaharap sa tindi ng krisis

Habang ang sambayanang Pilipino ay naghihirap dahil sunod-sunod na delubyo, ang rehimen ni Marcos Jr. ay nagpapakatuta sa US sa pamamagitan ng pag-apruba ng Luzon Economic Corridor at Pax Silica. Pinapalayas ang mga katutubo mula sa kanilang lupang ninuna at mga magsasaka mula sa kanilang sakahan, gagawin pa silang murang lakas paggawa ng mga dambulahang korporasyon ng dayuhan.

Malinaw na ang pinagsisilbihan ni Marcos ay hindi ang mamamayang Pilipino kundi ang sarili niyang interes at ganid ng amo niyang si Trump at imperyalistang US. Kaya ang mga Iskolar-G**o ng Bayan ay handang lumabas mula sa mga silid-aralan at babahain ang lansangan upang singilin ang pahirap na administrasyon ni Marcos.

Dala ang militanteng diwa ng pakikibaka, dadaluyong ang mga Iskolar-G**o ng Bayan upang punuin ang kalsada at ipanawagan ang lupa, sahod, edukasyon, at karapatan!

📌 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟴 | 𝙒𝙖𝙡𝙠𝙤𝙪𝙩
📌 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟭 | 54𝙩𝙝 𝙈𝙖𝙧𝙩𝙞𝙖𝙡 𝙇𝙖𝙬 𝘾𝙤𝙢𝙢𝙚𝙢𝙤𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣

Address

Quezon City

Telephone

+639499474087

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Science and Mathematics Majors Advocating Responsible Teaching posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share