05/10/2026
PONDO SA EDUKASYON, HINDI SA KORAPSYON! NO TO BUDGET CUTS!
Nitong ika-23 ng Setyembre, nakiisa ang UP Office of Student Regent kasama ang KABATAAN PARTYLIST, National Union of Students of the Philippines (NUSP), KASAMA sa UP, Youth Rage Against Corruption (YRAC), UP Diliman University Student Council, UP Manila University Student Council, at iba pang mga pamantasan sa pagpapadala ng Iskolar ng Bayan 2027 Budget Position Paper, na ginanap sa House of Representatives.
Sa nangyaring budget deliberations, binigyang din ng dating UP Student Regent at kasalukuyang Kabataan Partylist Representative Cong. Renee Co ang epekto ng malaking kaltas sa pondo para sa edukasyon. Bakas pa rin ang mga hindi pa natatapos na infrastructure at kakulangan sa pagtugon sa basic student services. Gayundin, ibinigyang-diin ang pagtutol sa mga komersyalisadong proyekto sa loob ng Unibersidad, tulad ng UP SDG Wellness Park.
Patuloy na bitbit ng mga Iskolar ng Bayan ang panawagan para labanan ang kaltas sa pondo sa UP, pataasin ang pondo para sa edukasyon, at tigilan na ang pagnanakaw para sa kinabukasan ng mga kabataan! Sa bawat pagtalakay sa pondo, dapat manatiling sentro ang karapatan ng bawat kabataan sa libre, de-kalidad, at aksesibleng edukasyon. βπ»β€οΈβπ₯