UP Diliman University Student Council

UP Diliman University Student Council Ang Konseho ng Mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Suungin ang hamon at lumaban! Pandayin ang diwang naninindigan!

Iskolar ng Bayan, Atin ang Bukas.

The University Student Council of the University of the Philippines in Diliman, Quezon City is the official student representative body of the Philippines' premiere institution of higher learning. As such, it represents the interests of the students within and outside the University. The University Student Council, also known as USC, exists to repre

sent UP students in various affairs of the University, acting as the voice of students in the local, national, and international issues. As the highest student representative body in
the university, the USC is composed of members elected amongst the student body, mandated to organize and direct campaigns and activities to defend and promote students’ rights, and improve the students’ general welfare. Furthermore, it provides direct services to the student body. The USC has the proud and historic tradition of active involvement in the Filipino people’s struggle for their democratic rights and interests.

  IS EXTENDED! 🙂‍↕️🌻Salamat sa pagtangkilik, Iskolar ng Bayan! But we heard you want more 🧏🏻‍♀️ kaya naman we are openin...
17/06/2026

IS EXTENDED! 🙂‍↕️🌻

Salamat sa pagtangkilik, Iskolar ng Bayan! But we heard you want more 🧏🏻‍♀️ kaya naman we are opening the graduation shoot services for JUNE 20!

Browse our packages through the Google Form or in our previous post and sign up here:
🔗 https://bit.ly/SablayEra2026

For any questions, kindly message Fiona Chloie Fuentes or Joanna Antonette Marabut on Messenger. You may also send us an email via [email protected]!

Padayon, Iskolar ng Bayan! ❤️‍🔥

SIGAW NG MGA ISKOLAR NG BAYAN, IMPEACH SARA NOW!Matagumpay na idinaos ang All Leaders Meeting para sa UP Act Against Cor...
17/06/2026

SIGAW NG MGA ISKOLAR NG BAYAN, IMPEACH SARA NOW!

Matagumpay na idinaos ang All Leaders Meeting para sa UP Act Against Corruption Network (UP ACTION) kasama ang mga organisasyon at konseho upang pag-isahin ang hanay para sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Muling pinatunayan na malaki ang papel ng bawat Iskolar ng Bayan sa laban para sa pananagutan. Bitbit ang tagumpay ng UP Diliman sa pamumuno sa mga walkout at protesta, hamon sa atin na muling dagsain ang mga lansangan sa buong bansa.

Panata ng Diliman ang patuloy na pagbabantay at pagsisiyasat sa mga tiwaling opisyal na nabibigong magsilbi sa mamamayan. Kasama ang sambayanan, pakinggan ang tinig ng taumbayan:

IMPEACH SARA NOW!
LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!
MARCOS, SINGILIN! DUTERTE, PANAGUTIN!



HANDS OFF ANGEL LOPEZ!Noong Hunyo 13, nakaranas si USC Councilor-elect Angel Lopez ng matinding intimidasyon, interogasy...
16/06/2026

HANDS OFF ANGEL LOPEZ!

Noong Hunyo 13, nakaranas si USC Councilor-elect Angel Lopez ng matinding intimidasyon, interogasyon, at panreredtag mula sa mga militar habang nasa isang community immersion sa Nueva Vizcaya bilang bahagi ng paglulunsad ng environmental investigative mission sa mga lugar na apektado ng mapaminsalang pagmimina.

Sa naturang insidente, sumailalim siya sa sapilitang interogasyon, tahasang panreredtag, at walang batayang mga akusasyon mula sa mga elemento ng militar. Bukod kay Angel, nakararanas din ng paniniktik at pagmamanman ang iba pang mga boluntaryong nakikipamuhay at nagsasaliksik sa komunidad.

Nasa bingit ng panibagong banta ang kalikasan at kabuhayan ng mamamayan ng Nueva Vizcaya matapos tangkaing pasukin ng Woggle Corporation, isang kumpanyang pagmamay-ari ng mga dayuhang interes, ang Dupax del Norte upang isulong ang exploration mining. Sinalubong ng barikada ng mamamayan ang mga buldoser ng kumpanya bilang mariing pagtutol sa mapaminsalang proyekto. Sa kabila ng pagpapadala ng humigit-kumulang 300 kapulisan upang buwagin ang barikada, matagumpay na naipagtanggol ng mamamayan ang mga kabundukan at napatigil ang operasyon ng kumpanya. Gayunpaman, patuloy na nakaamba ang banta ng pagmimina sa iba pang karatig na komunidad.

Bilang isang kabataang inhinyero, malalim na nauunawaan ni Angel ang kanyang gampanin sa pagtugon sa ganitong mga reyalidad sa kanayunan. Ang tunay na Inhinyero ng Bayan ay naglilingkod sa mamamayan at sa kalikasan, hindi sa mga proyektong sumisira sa kanilang kabuhayan at kinabukasan. Bagama’t aktibo siyang nakikilahok sa mga pagkilos laban sa pandarambong sa kalikasan at korapsyon sa loob at labas ng pamantasan, hindi siya nasapatan dito. Pinili niyang makipamuhay sa komunidad upang direktang masiyasat at maunawaan ang kalagayan ng mga mamamayang direktang nakararanas ng epekto ng mapanirang pagmimina.

Mariing kinukundena ng UP Diliman University Student Council ang panghaharas kay Angel Lopez habang siya ay nakikiisa sa laban para sa kalikasan at sa mga komunidad. Hindi na bago ang ganitong mga taktika at pananakot mula sa estado. Mula kay USC Councilor Alyssa Alano na pinaslang ng berdugong militar matapos piliing sumandig sa masang magsasaka sa Negros, hanggang kay Angel na ngayo’y inuusig dahil sa pakiisa sa mga komunidad na nagtatanggol sa kanilang lupang ninuno at kalikasan, iisa ang mensahe ng estado: patahimikin ang mga kabataang pinipiling makipag-aralan at gamitin ang kanilang talino, panahon, at lakas para sa sambayanan.

Ngunit bilang mga Iskolar ng Bayan, hindi natin hahayaan na pahinain nito ang ating loob. Hangga’t nagpapatuloy ang pananamantala sa mamamayan at ang pamiminsala sa kalikasan para sa pansariling interes, mananatiling makatarungan ang pagtungo ng mga Iskolar at Inhinyero ng Bayan sa kanayunan upang makiisa sa laban ng mga komunidad. Tulad ni Alyssa, tulad ni Angel, patuloy na mangangahas ang mga Iskolar ng Bayan na paglingkuran ang sambayanan.

Itigil ang pasismo laban sa mga Iskolar ng Bayan at mga tanggol-kalikasan!
Itigil ang panreredtag at mga paglabag sa karapatang pantao!
Depensahan ang Kalayaang Pang-akademiko!

DEFEND NUEVA VIZCAYA! MILITAR SA KANAYUNAN, PALAYASIN!




  | Donation Drive for MindanaoansLast June 8, a 7.8 magnitude earthquake shook Southern Mindanao, affecting those who l...
15/06/2026

| Donation Drive for Mindanaoans

Last June 8, a 7.8 magnitude earthquake shook Southern Mindanao, affecting those who live in General Santos City, Sarangani, Davao City, and other nearby areas.

We are asking for your help in providing immediate help for those affected in Mindanao such as food, water, and tents.

For monetary donations, you may send them via BPI, GCash, or GoTyme through the QR codes below.

For in-kind donations, you may drop them off at Room 306, Student Union Building (UPD USC Office).

HANDS OFF POOK MALANTIC!Ngayong umaga, Hunyo 15, namataan ang mga unipormadong tauhan na sapilitang binunot at sinira an...
15/06/2026

HANDS OFF POOK MALANTIC!

Ngayong umaga, Hunyo 15, namataan ang mga unipormadong tauhan na sapilitang binunot at sinira ang mga pananim ng mga residente sa Pook Malantic Bukid.

Lubos ang pagkadismaya ng mga residente sa pagkawasak ng kanilang mga pananim na nagsisilbing mahalagang pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan ng komunidad. Kasabay nito, patuloy ring nagdudulot ng pangamba sa seguridad ang pananatili ng mga blue guards sa lugar.

Hindi pa malinaw kung sino ang nag-utos ng paninira sa mga pananim. Gayunpaman, nananawagan ang komunidad at ang UP Diliman University Student Council ng agarang imbestigasyon at pananagutan para sa pagkawasak ng kabuhayan ng mga residente.

Matatandaan nitong Mayo 20 ay tinangka ring gibain ang mga barikada ng mga residente para sa isasagawang transitional housing bilang bahagi ng patuloy na pagtutulak sa pagtatayo ng SDG Wellness Park. Sa kabila ng malawakang pagtutol ng komunidad, nagpapatuloy pa rin ang UP Administration, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Quezon City, sa pagpapatupad ng proyektong ito.

Mariing kinukondena ng UP Diliman University Student Council ang mga gawaing ito na malinaw na naglalayong pahinain at palayasin ang komunidad upang bigyang-daan ang pagtatayo ng SDG Wellness Park. Taliwas sa mga bansag ditong “wellness” at “sustainable” ang pagsira sa mga pananim na pinagkukunan ng pagkain ng mga residente.

Kasama ng komunidad, iginigiit namin ang agarang pagpapatigil sa anti-komunidad na proyekto ng SDG Wellness Park na patuloy na tumatapak sa kabuhayan, seguridad, at mga karapatan ng mga residente. Naninindigan ang UPD USC na walang dapat maiwan o maitaboy sa ngalan ng huwad na “kaunlaran.” Walang puwang sa ating pamantasan ang mga proyektong isinusulong sa kapinsalaan ng mga komunidad.

Iskolar ng Bayan, tumindig kasama ang komunidad! Tutulan ang mga anti-komunidad na proyekto sa pamantasan tulad ng SDG Wellness Park!




Nakiisa ang UP Diliman University Student Council noong June 12, kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan, sa isinagawan...
14/06/2026

Nakiisa ang UP Diliman University Student Council noong June 12, kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan, sa isinagawang kilos-protesta ngayong HINDIpendence Day.

Tuloy ang pakikibaka ng mga Iskolar ng Bayan dahil hindi naman tunay na nakamit ng Pilipinas ang kalayaan at demokrasya mula sa mga dayuhang bansa. Hanggang ngayon, makikita nating hawak pa rin ng imperyalistang U.S. ang ating bansa sa ekonomiya, politika, at militar, sa ilalim ng pamumuno ng mga tuta nilang sina Marcos Jr. at Sara Duterte.

Hangga’t may mga inisyatiba tulad ng Pax Silica na pinagsasamantalahan ang lupa at mga hilaw na materyales ng bansa, hangga’t may mga kasunduan tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na ginagamit upang paggitnaan tayo sa kanilang mga imperyalistang gera, at hangga’t alipin pa rin ng U.S. ang Pilipinas, huwad ang Araw ng Kalayaan.

IMPERYALISMO, IBAGSAK! IPAGLABAN ANG TUNAY NA KALAYAAN!



14/06/2026
Walang tunay na kalayaan sa paghahari ng imperyalistang U.S.!Sinalubong ng sambayanang Pilipino ang samu’t saring krisis...
11/06/2026

Walang tunay na kalayaan sa paghahari ng imperyalistang U.S.!

Sinalubong ng sambayanang Pilipino ang samu’t saring krisis sa unang bahagi ng taon—magmula sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kawalan ng nakabubuhay na sahod at trabaho, walang habas na pagyurak sa mga demokratikong karapatan, at agresibong panghihimasok ng mga dayuhang kapangyarihan. Lahat ng mga ito ay hindi hiwa-hiwalay na suliranin kundi magkakaugnay na salamin ng malalim na krisis na nakaugat sa pamamayagpag ng imperyalistang U.S. sa pamumuno ni Donald Trump at ng mga papet nitong sina Marcos-Duterte.

Sa ating paggunita sa ika-128 na taon ng Araw ng Kalayaan, batid ng mga Iskolar ng Bayan na hungkag ang pagdiriwang na ito habang patuloy na nakapailalim ang bansa sa kumpas ng rehimeng U.S.-Marcos-Duterte. Hangga't walang mga pambansang industriya, habang nananatiling atrasado ang edukasyon, at hangga't nanatili ang mga tropang militar ng Amerika sa bansa, ay hindi makakamit ng bansa ang tunay na kalayaan.

Kaya hamon sa mga Iskolar ng Bayan na makiisa sa mas malawak na hanay ng masang-api na ipaglaban ang tunay na kalayaan at demokrasya sa bansa. Tumungo tayo sa lansangan, bitbit ang mga plakard at panawagan, upang pandayin ang kinabukasang malaya sa tanikala ng imperyalismo at burukrata-kapitalismo.

7:30 AM – Vinzons Hall
9:00 AM – Kalaw Avenue

IMPERYALISMO, IBAGSAK!
U.S. TROOPS OUT NOW!
MAKIBAKA, ‘WAG MATAKOT!



CARP, PESTE SA MAGSASAKA!TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLABAN!Mahigit tatlong dekada nang nakatanim ang Comprehensive Agr...
10/06/2026

CARP, PESTE SA MAGSASAKA!
TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLABAN!

Mahigit tatlong dekada nang nakatanim ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ngunit sa halip na mamunga ng hustisya, tinik ang iniwan nito sa mga magsasaka mula nang isinabatas ito noong Hunyo 10, 1988 ng rehimen ni Cory Aquino. Sa halip na wasakin ang monopolyo ng malalaking panginoong maylupa, nagsilbing tulay ang CARP para mapanatili ang konsentrasyon ng lupa sa kamay ng iilan kaya nananatiling walang lupa ang milyun-milyong magsasaka.

Hindi tubig ang pumatak sa lupa kundi dugo ng mga pesanteng inaagawan ng lupa. Mula sa masaker ng Hacienda Luisita, sa pamamaslang sa mga magsasaka ng tubo sa Negros hanggang sa pilit na pagpapalayas sa mga magsasaka ng Pook Aguinaldo, nananatiling nakabaon sa ilalim ng huwad na reporma sa lupa ang mga binhi ng pagsasamantala. Lalo pang pinepeste ng rehimeng Marcos Jr. ang kabuhayan ng mga magsasaka. Binubuksan ng estado ang malalawak na lupain para sa dayuhang pamumuhunan, pagmimina, dambuhalang imprastraktura, at mga proyektong nagsisilbi sa interes ng malalaking korporasyon.

Nilalason ng imperyalistang interes ang ekta-ektaryang lupain na lalong nagpapalala sa kahirapan at kagutuman sa kanayunan. Sa ilalim ng mga kasunduang tulad ng Pax Silica, isinusuko ng estado ang mga lupang agrikultural para sa mga proyektong dinidiktahan ng interes ng dayuhang kapital at imperyalismong US. Sa ngalan ng diumano'y “kaunlaran,” pinalalayas ang mga magsasaka at pambansang minorya sa kanilang mga komunidad at dinarambong ang ating likas-yaman.

Tuyot ang lupang pinangakong didiligan ng CARP. Hindi huwad at pira-pirasong reporma ang kailangan ng sektor ng mga magsasaka. Ang kinakailangan ay libreng pamamahagi ng lupa sa mga tunay na nagbubungkal nito, pagwawakas sa monopolyo ng mga panginoong maylupa, at pagtatanggol sa pambansang yaman laban sa dayuhang kontrol at pandarambong ng malalaking negosyo.

Kasama ng masang magsasaka, naninindigan ang mga Iskolar ng Bayan para sa karapatan sa lupa, pagkain, at kabuhayan. Hangga’t ang lupa ay hindi malaya, nananatiling makatarungan ang paglaban ng mga pesante’t magsasaka para sa tunay na reporma. Ibasura ang mga patakarang nagpapalayas at nagpapahirap sa magsasaka! Isulong ang tunay na reporma sa lupa! CARP, IBASURA!





EPIRA, IBASURA! BUWIS SA KURYENTE, TANGGALIN!Opisyal na Pahayag ng UPD USC sa Ika-25 Anibersaryo ng EPIRADalawampu't lim...
08/06/2026

EPIRA, IBASURA! BUWIS SA KURYENTE, TANGGALIN!
Opisyal na Pahayag ng UPD USC sa Ika-25 Anibersaryo ng EPIRA

Dalawampu't limang taon matapos maisabatas ang Republic Act No. 9136 o Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), nananatiling bigo itong tugunan ang pangangailangan ng industriya ng enerhiya at ng sambayanang Pilipino. Sa halip na mas mura at maaasahang serbisyo, nananatili ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang may pinakamataas na singil sa kuryente sa Asya habang patuloy na pinapasan ng mamamayan ang tumataas na gastusin.

Kasabay nito ang sunud-sunod na rotational brownout at mga aberya sa suplay ng kuryente. Noong Mayo 13, halos isang milyong konsyumer ang naapektuhan ng pagkawala ng kuryente bunsod ng pumalyang transmission lines sa Luzon Grid.

Sa ilalim ng EPIRA, hinati at isinapribado ang mga pangunahing sektor ng industriya ng kuryente. Ngayon, kontrolado ng iilang malalaking korporasyon ang generation, distribution, at transmission ng kuryente. Tulad ng Oil Deregulation Law, inilayo ng EPIRA ang estado sa direktang pangangasiwa ng isang batayang serbisyo habang ipinapasa sa mamamayan ang pabigat na singil at buwis.

Sa sektor ng generation at distribution, nangingibabaw ang malalaking negosyo tulad ng Meralco PowerGen (MGEN), Aboitiz Power Corporation, ACEN Corporation ng Ayala Group, at San Miguel Global Power. Samantala, ang transmission sector ay kontrolado ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na hawak ng mga pribadong interes at may bahagi pang pagmamay-ari ang State Grid Corporation of China.

Dalawampu't limang taon matapos ipasa ang EPIRA, nananatili itong taksil sa mga pangako nito at palpak sa pagtugon sa krisis dahil nananatiling mataas ang presyo ng kuryente, hindi maaasahan ang suplay, at dominante ang iilang korporasyon sa industriya ng enerhiya. 25 taon na ang nakalipas pero pumapalya pa rin ang mga planta ng kuryente.

Sa halip na tugunan ang mga kapalpakan ng EPIRA, lalo pang itinutulak ng administrasyong Marcos Jr. ang pribatisasyon at dayuhang pagmamay-ari sa sektor ng enerhiya sa pamamagitan ng mga renewable at nuclear energy projects na nagtataboy sa mga komunidad, sumisira sa kalikasan, at nagsisilbi sa tubo ng malalaking korporasyon.

Panahon nang panagutin ang mga kumpanyang palpak sa serbisyo at ginagawang negosyo ang industriya ng kuryente. Wakasan ang pagdepende sa imported na enerhiya, at paunlarin ang lokal na industriya at teknolohiya. Hangga't nangingibabaw ang pribadong interes sa industriya ng kuryente, mananatiling huwad ang mga solusyon sa krisis.

Ibasura ang EPIRA! Isulong ang isang industriya ng enerhiya na makabayan, makatao, at makakalikasan.




Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Diliman University Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to UP Diliman University Student Council:

Share