09/06/2026
π³οΈβπ ππ πππππππ πππππ πππππ ππππ π³οΈβπ
Ang watawat ng bahaghari na ating itinataas ay hindi na lamang simbolo ng kapayapaanβito ay bandila ng ating paglaban.
Sa harap ng walang-awat na panliligalig, red-tagging, at panunupil ng estado sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao, walang lugar ang takot sa ating espasyo. Bitbit ang nag-aalab na panawagan para sa tunay na pagkakapantay-pantay, katarungan para sa mga biktima ng pasismo, at pagtatanggol sa ating mga demokratikong karapatan, tayo ay lalabas at magmamartsa!
Inaanyayahan ng UP Diliman Gender Office (UPDGO) ang lahat ng estudyante, g**o, kawani, organisasyon, at mga tagasuporta na makiisa sa ating opisyal na Pride March ngayong buwan.
ποΈ Kailan: Hunyo 25, 2026 (Huwebes)
β° Oras: 3:30 PM
π Mass-Up Area: Academic Oval (sa tapat ng Vargas Museum)
Magdala ng mga plakard, iwagayway ang inyong mga bandila, at iparinig ang ating nagkakaisang sigaw. Ipapakita nating ang paglaya ng LGBTQIA+ ay hindi kailanman maihihiwalay sa pambansang paglaya.
Hindi na natin hihintaying lumipas ang bagyo; tayo mismo ang bagyo! βπ
π£ Hindi Red Tag, Rainbow Flag!
π£ Justice for Alyssa Alano, Toboso 19, at lahat ng biktima ng karahasan ng estado!
π£ Defend Academic Freedom and Human Rights!
π£ Pass the SOGIESC Equality Bill Now!