21/05/2026
๐๐๐๐'๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ โจ
Sa entablado, muling nagningning ang ating galing, at sa bawat galaw at tugtog, muling ipinakita natin na ang ating kahusayan ay hindi lamang nakatali sa akademiko. Sa bawat pagtatanghal, ang ating talento at dedikasyon ay ginagantimpalaan ng pagkilala at parangalโisang patunay na ang bawat isa sa atin ay may naiambag na kahalagahan.
Ang aming musika ay sumasalamin sa iisang diwa na bumabalot sa ating pagkakakilanlan. Bagamat iba-iba ang ating landas at propesyon, ang puso natin ay iisa; sa kabila ng pagkakaiba, pinagbubuklod tayo ng kultura, ng diwang Pilipino na nananatiling buhay sa bawat indibidwal.
Ganito rin ang dinamiko ng aming seksyon. Ang aming pagkakaiba-iba ay hindi naging balakid; sa halip, ito ang naging pundasyon ng aming pagkakabuo. Sa sama-samang paglalakbay, iisa ang aming mithiin, at ang wika ng pagmamahal, pag-unawa, at sakripisyo ang nagpapatibay sa aming samahan.
Hindi naging madali ang simula, at mahaba ang landas. Ngunit sa dulo, nagningning ang gantimpalaโang sertipiko at tropiyaโna alay para sa buong Lipad Lakbay 602, simbolo ng aming pagsusumikap, pagtitiyaga, at puso.
Maraming salamat,
๐๐๐๐ง, ๐๐จ๐ฒ, ๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐, ๐๐, ๐๐ก๐ข๐ง๐๐, ๐
๐๐ข๐ญ๐ก, ๐๐จ๐๐ข๐ฅ๐ฒ๐ง, ๐๐ฅ๐ฅ๐ข๐๐ก, ๐๐ก๐๐ซ๐ฅ๐๐ง๐, ๐๐ข๐ฌ๐ก๐, ๐๐ข๐๐ง๐ง๐, ๐๐๐๐ฒ, ๐๐๐ข๐ฅ๐๐ก, ๐๐ง๐ ๐๐ฅ, ๐๐ก๐๐ซ๐ซ๐ฒ, ๐๐ซ๐ข๐๐ก, ๐๐ฒ๐ง๐ฅ๐ข๐, ๐๐๐ซ๐๐ก, ๐๐๐ฒ๐ค๐ฒ๐ฅ๐, ๐๐ฅ๐ฅ๐, ๐๐ก๐ฒ๐๐, ๐๐ข๐ซ๐จ๐ค๐ข, ๐๐ฎ๐ข๐ฌ, ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐๐ง๐, ๐๐ก๐๐ง๐ง๐๐ฅ, ๐๐ญ ๐๐ก๐๐ง๐ง๐.
At sa mga nanguna,
๐๐ก๐๐ฒ, ๐๐๐๐๐ฆ ๐๐๐๐ฒ, ๐๐ข๐ค๐๐ฒ, ๐๐ก๐, ๐๐ญ ๐๐ข๐ ๐๐ฒ๐โ
salamat sa paggabay, sa pagtindig, at sa walang sawang paalala.
Higit sa lahat, salamat sa Panginoon sa biyaya ng talento, talino, at lakas. Salamat sa paggabay sa bawat naming hakbang, sa pag-alalay sa bawat pangarap, at sa pagbibigay-daan upang ang bawat paghihirap at dedikasyon ay maging katas ng tagumpay na aming ipinakita sa entablado.