24/12/2025
Sigaw ng Taong Bayan, Sapat na ba ito sa Hapunan?
Kasabay ng malamig na simoy ng hangin ngayong papalapit na pasko, tila sumabay din sa hihip ang usapin patungkol sa 500 pesos na badyet para sa Noche Buena ng mga Pilipino. Nagsibatuhan ng kumento, argumento at sagutan ang mga mamamayan kung ito nga ba ay kulang o sapat na. Kung inyong titingnan, ang bawat bilang ng isang pamilya sa bansa ay magkakaiba. May pamilyang may kaya at mayroon ding pamilyang kapos. Ano na lamang ang i-isipin ng mga susunod na henerasyon sa ganitong sitwasyon na baka’y sila’y masanay sa kulang o sapat na kaysa sa karapat-dapat na halaga. Mga mag-aaral na mulat sa realidad ay umalma kahit na sila ay musmos pa. Ganito kabigat ang naidulot ng isyung ito sa bansa, animo’y pati kabataan ay hindi natuwa.
Hindi naman para sa lahat ito ay sapat na, ayan ang i-ilang kumento na lumaganap sa social media. Ma pa bata, matanda, naghahanap-buhay, studyante, kahit sinong mamamayang Pilipino ay nakiki-alam kung wasto nga ba ang badyet na ₱ 500 para sa Noche Buena. Base sa Department of Trade and Industry na pinangunahan ni Seretary Cristina Roque, inanunsyo nito na ang nakalaan sa bawat hapag ng mamayang Pilipino ay nagkakahalagang limang daang piso. Ito ay nakatuon para sa pamilyang nagtatagalay ng nanay, tatay at dalawang anak. Sambit naman ng taong bayan na lahat ba ng pamilya ay binubuo ng apat na bilang? Base sa datos noong nakaraang Disyembre 17, 2025 sa Metro Manila Film Festival Primier Night, sinang-ayunan ng sikat na aktres na si Gloria Diaz ang badyet na 500 pesos. Ayon sa aktres, kasya ang limang daan upang mairaos ang Noche Buena ng may cornbeef, fruit salad, pineapple juice na dinadagdagan ng maraming yelo at pancit. Nabanggit din ng aktres na malapit niyang kaibigan ang sekretarya ng DTI at ipinakita nito na sapat at kasya na ang badyet. Samakatuwid, agad namang kinontra ng mag asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel, kanilang isinalaysay na hindi kayang ipilit ang naturang badyet at naka depende sa isang pamilya kung ano ang kanilang gustong ihain. Idinagdag naman ni Zoren na ang pasko ay isang kapistahan kung kaya naman hindi lang dapat karaniwan at sapat ang maihahandog sa hapag kainan. Sumatotal, kung pati mga nakakatanda ay nahihirapan ipagkasya ang limang daaang piso, paano na lamang ang mga kabataan lalong-lalo na ang mga mag-aaral na kapos at walang maihanda sa pasko? Mga estudyante na nakikipag sapalaran upang mairaos ang isang araw. Patuloy na nga lang ba makikilala ang mga Pinoy bilang maparaan at maabilidad sa kabila ng mas kaya pang angatan ng gobyerno ang ganoong halaga? Sa mga susunod na henerasyon, ganito na lamang ba ang kapakanan ng Pilipinas, na ang karapat-dapat ay ipinipilit maging sapat?
Hingil sa kaalaman ng lahat na ang Pilipinas ay mayaman, dapat nga ba ganito lamang ang ibigay para sa handaan? Ang kabataang Pinoy ay lantaran ng nahihirapan, animoy pati ang mga kaedaran ay na alarma sa anomalyang karapatan. Mas malaki pa ang halaga ng minimum wage kaysa sa badyet sa Pilipinas. Gising na, hindi na ito nararapat. Pakinggan ang hinaing ng bawat Pinoy, ang badyet na ito ay guni-guni ng isang politikong kasing-takaw ng baboy.