18/04/2026
Magkakaisa ang mga samahang Ilokano para sa isang layunin ❤️
Inaanyayahan po namin ang lahat ng samahang Ilokano na makiisa at makibahagi sa programang ito. Ang inyong tulong—pagkain, damit, o kahit anong maibabahagi—ay malaking bagay na sa kanila.
Kami po ay magsasagawa ng isang outreach program para sa dalawang matatandang lubos na nangangailangan ng tulong. Sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos, nais po nating maibigay ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at maipadama na hindi sila nag-iisa.
Sama-sama po nating ipakita ang tunay na diwa ng bayanihan at malasakit. 🙏
Para po sa mga nais tumulong o makilahok, maaari lamang po kayong mag-message.
Agyaman kami unay! ❤️
Photo Credits to Kagawad Destine Dexter