Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipino sa Kolehiyo - OMSC San Jose Campus

Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipino sa Kolehiyo - OMSC San Jose Campus Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipino sa Kolehiyo - OMSC San Jose Campus, College & University, Rizal Street, San Jose.

Opisyal nang kinilala ang mga bagong bumubuo sa pamunuan ng SAMFIKO para sa Taong Panuruan 2025-2026 mula sa San Jose Ca...
16/09/2025

Opisyal nang kinilala ang mga bagong bumubuo sa pamunuan ng SAMFIKO para sa Taong Panuruan 2025-2026 mula sa San Jose Campus matapos ang naganap na Oath Taking nitong lunes ika-15 ng Setyembre taong kasalukuyan.

đź“· OMSC Supreme Student Government -San Jose Campus

Isang taos-pusong pagbati sa mga bagong halal na opisyales ng Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipino sa Kolehiyo! Ipinagma...
15/09/2025

Isang taos-pusong pagbati sa mga bagong halal na opisyales ng Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipino sa Kolehiyo! Ipinagmamalaki naming ipakilala ang mga bagong mamumuno para sa taong panuruan 2025-2026 kasama ang paggabay ng kanilang g**ong tagapayo. đź’š

Matagumpay na isinagawa  ang Paligsahan sa Pagsulat at Pagbigkas ng Tula at Masining na Pagkukuwento noong ika-20 ng Ago...
23/08/2025

Matagumpay na isinagawa ang Paligsahan sa Pagsulat at Pagbigkas ng Tula at Masining na Pagkukuwento noong ika-20 ng Agosto sa Gusaling Agoncillo, Kampus ng Labangan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa pangunguna ni Gng. Feliciana D. Enriquez, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), katuwang ang mga mag-aaral mula sa SAMFIKO (Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipino sa Kolehiyo), at ang lahat ng mga mag-aaral na dumalo sa gawain.

Ang patimpalak ay may temang:
“Paglinang ng Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”

Nagpakitang-gilas ang mga kalahok mula sa iba’t ibang kolehiyo, na buong husay na ipinamalas ang pagmamalasakit sa sining, wika, at kulturang Pilipino.

Ipinaaabot ng SWK at SAMFIKO ang pasasalamat sa lahat ng dumalo at mainit na pagbati sa lahat ng nanalo.

Mabuhay ang wikang Filipino! 🇵🇭

Ipinapaabot ng aming samahan ang taos-pusong pagbati kina G. Ariola, isa sa mga minamahal nating dating opisyal, at Bb. ...
24/06/2025

Ipinapaabot ng aming samahan ang taos-pusong pagbati kina G. Ariola, isa sa mga minamahal nating dating opisyal, at Bb. Bartolo, kasalukuyang opisyal ng Samahan ng Mag-aaral ng Filipino sa Kolehiyo.

Nawa’y maging makahulugan at puspos ng kagalakan ang inyong pagdiriwang. Hangad namin ang isang panibagong taon na masaganang punô ng tagumpay, inspirasyon, at mga alaalang hindi kailanman matitinag ng panahon.

Mabuhay kayo’t patuloy na maging pluma ng diwa at pagbabago—mga tinta ng pag-asa sa papel ng kabataan at sa kinabukasan ng ating wikang Filipino.

Isang maalab na pagbati ang nais iparating ng Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipino sa Kolehiyo sa mga nagsipagtapos ng B...
12/06/2025

Isang maalab na pagbati ang nais iparating ng Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipino sa Kolehiyo sa mga nagsipagtapos ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino Batch 2024-2025 mula sa Kolehiyo ng Pagtuturo. Lalo't higit sa limang mag-aaral na nagtapos nang may karangalang Cum Laude! Ang inyong tagumpay ay hindi lamang bunga ng inyong angking husay at talino kundi pati na rin ng inyong pagsusumikap, pagtitiyaga at pagmamahal sa ating wika at kultura. Patunay lamang ito ng inyong dedikasyon sa inyong napiling propesyon.
Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon ng mga g**o at tagapagtaguyod ng ating wika.

Mahuhusay! Kayo ay aming ipinagmamalaki!

MALIGAYANG PAGBATI NG BUWAN NG PANITIKAN 2025! Matagumpay na ipinagdiwang ang Buwan ng Panitikan 2025 na may temang  Sik...
15/04/2025

MALIGAYANG PAGBATI NG BUWAN NG PANITIKAN 2025!

Matagumpay na ipinagdiwang ang Buwan ng Panitikan 2025 na may temang Sikad Panitikan: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran” na isinagawa noong ika-11 ng Abril sa Gusaling Agoncillo, OMSC - Main, Labangan Campus. Kabilang dito ang pagsagawa ng Seminar-Worksyap sa mga “Mga Karunungang Bayan at Kuwentong Bayan ng Occidental Mindoro: Isang Pagsilip Tungo sa Paglago ng Kulturang Mindoreño”. Sa pangunguna ni Gng. Feliciana D. Enriquez, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), katuwang ang mga mag-aaral mula sa SAMFIKO (Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipino sa Kolehiyo), at ang lahat ng mga mag-aaral na dumalo sa gawain.

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan, ating balikan at pahalagahan ang mayamang pamana ng ating mga makata, manunulat, at alagad ng sining na patuloy na nagbibigay tinig sa ating kasaysayan, kultura, at pagkatao. Sa bawat tula, kwento, dula, at sanaysay, isinasalaysay ang ating mga pangarap, pakikibaka, at pagmamahal sa bayan. Higit sa aliw, ang panitikan ay nagsisilbing tulay sa pag-unawa sa ating pinagmulan at gabay sa pagtataguyod ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Sa panahong puno ng pagbabago, manatili tayong nakakapit sa ating panitikang sariling atin—sapagkat dito tayo tunay na nagkakaisa.

Ipinaaabot ng SWK at SAMFIKO ang pasasalamat sa lahat ng mga dumalo. Pagbati!

Maligayang Kaarawan Bb. Jane! Pagbati sa aming minamahal na Pangalawang Ingat-Yaman ng SAMFIKO.Nawa'y ang iyong kaarawan...
12/03/2025

Maligayang Kaarawan Bb. Jane!

Pagbati sa aming minamahal na Pangalawang Ingat-Yaman ng SAMFIKO.
Nawa'y ang iyong kaarawan ay mapuno ng pagmamahal, kaligayahan at malakas na pangangatawan.✨💛

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Buwan ng Sining 2025 na may temang "Ani ng Sining, Diwa at Damdamin" ay matagumpay na...
01/03/2025

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Buwan ng Sining 2025 na may temang "Ani ng Sining, Diwa at Damdamin" ay matagumpay na naisagawa ang pagdiriwang kahapon, ika-28 ng Pebrero sa Occidental Mindoro State College Labangan Campus sa pangunguna ng Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, Ma'am Feliciana D. Enriquez, at sa suporta ni Dr. Elbert C. Edaniol kasama ang lahat ng opisyal, g**o, at mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino.

Ang programa ay kinapalooban ng Paligsahan sa Pagbuo ng Collage at Paligsahan sa Paggunit ng Poster. Samantala, ginawaran at kinilala naman ang lahat nang nagwagi at nakilahok sa gawain.

Ipinaaabot ng SWK at SAMFIKO ang pasasalamat sa lahat ng mga dumalo mula sa Murtha Campus, Labangan Campus, at San Jose Campus.

19/02/2025
Malugod na Pagbati po, Gng. Feliciana D. Enriquez! Isang mainit na pagtanggap mula sa Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipi...
14/02/2025

Malugod na Pagbati po, Gng. Feliciana D. Enriquez!

Isang mainit na pagtanggap mula sa Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipino sa Kolehiyo sa iyong pagkakatalaga bilang Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura.

Malugod na Pagbati, Gng. Feliciana D. Enriquez!

Isang mainit na pagtanggap mula sa Sentro ng Wika at Kultura-Occidental Mindoro sa iyong pagkakatalaga bilang Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura.

Maligayang Kaarawan Bb. Ana! Pagbati sa aming minamahal na Pangalawang Pangulo ng SAMFIKO.Nawa'y ang iyong kaarawan ay m...
03/01/2025

Maligayang Kaarawan Bb. Ana!

Pagbati sa aming minamahal na Pangalawang Pangulo ng SAMFIKO.
Nawa'y ang iyong kaarawan ay mapuno ng pagmamahal, kaligayahan at malakas na pangangatawan.✨💛

Address

Rizal Street
San Jose
5100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipino sa Kolehiyo - OMSC San Jose Campus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipino sa Kolehiyo - OMSC San Jose Campus:

Share