26/10/2026
NAGKAKAISANG PAHAYAG NG KOMUNIDAD NG COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION HINGGIL SA NAGING PAHAYAG NI PUP SR JOHN PAUL โJPโ AZUSANO SA KANYANG ENROLLMENT
Mariing binibigyang-pansin ng mga Negosyanteng Makabayan ang naging pahayag ni PUP SR John Paul โJPโ Azusano hinggil sa kanyang isyu sa enrollment Kahapon, Oktubre 25, 2026. Sa naturang sesyon na pinangunahan ng Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng PUP (ANAK PUP), nakumpirmang hindi enrolled ang kasalukuyang Student Regent kung saan itoโy nagbukas ng seryosong usapin hinggil sa pagiging kuwalipikado niya sa ilalim ng Article VIII, Section 4 ng mga umiiral na probisyon, na nagsasaad:
โThe Executive Committee shall be composed of a bona fide Polytechnic University of the Philippines student and an elected Student Council President.โ
Bilang mga mag-aaral na ipinagkatiwala sa SR ang tungkuling katawanin ang ating mga interes, kinikilala natin ang kahalagahan ng transparency, integridad, at pananagutan sa bawat posisyon ng pamumuno sa loob ng pamantasan. Ang Student Regent ay may mahalagang tungkulin sa pagdadala ng tinig, hinaing, at interes ng mga mag-aaral sa pinakamataas na antas ng pamamahala sa buong komunidad ng PUP. Dahil dito, nararapat lamang na ang mga usaping may kaugnayan sa kaniyang kwalipikasyon at panunungkulan ay matugunan nang malinaw at naaayon sa mga umiiral na patakaran. Lalo naโt sa ganitong konteksto, hindi maihihiwalay ang pananagutan sa mga prinsipyong pinaglalaban natin bilang mga kinatawan ng mga mag-aaral. Kung patuloy nating hinihingi sa Administrasyon ang transparency at accountability, nararapat lamang na isabuhay rin natin ang parehong prinsipyo sa loob ng ating sariling institusyon at ganun din dapat ang pamantayang pinaiiral natin sa mga lider na inaatasang kumatawan sa Sangkaestudyantehan. Kung kayaโt mahalagang balikan ang mga prinsipyong dapat gumabay sa bawat halal na kinatawan ng mga mag-aaral, lalo na sa mga humahawak ng pinakamataas na posisyon sa pamumuno ng mga mag-aaral sa pamantasan.
Kinikilala din natin ang mga hamon at kahirapang kaakibat ng pagiging isang lider-estudyante, lalo na sa pagbabalanse ng mga responsibilidad sa akademiko at tungkulin sa paglilingkod. Gayunpaman, hindi dapat maging hadlang ang mga hamong ito sa pagtupad sa mga pananagutan at obligasyong kaakibat ng posisyong ipinagkatiwala sa kanya. Sa puntong ito, mahalagang maunawaan na ang pananagutan ay hindi lamang naipapakita sa pagtugon sa isang isyu kapag ito ay nabigyang-pansin na. Sa halip, dapat itong isinasagawa sa pamamagitan ng maagap na paglilinaw, bukas na komunikasyon, at paggalang sa karapatan ng mga mag-aaral na malaman ang mga bagay na may kaugnayan sa kanilang representasyon. Bilang isang kinatawan ng mga Iskolar ng Bayan, mahalagang maunawaan na ang pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa kakayahang manguna, kundi maging sa kahandaang managot, magpaliwanag, at sumailalim sa patas na proseso ng pagsusuri.
Kung kaya, nananawagan ang komunidad ng College of Business Administration para sa isang malinaw, patas, at masusing proseso ng beripikasyon at imbestigasyon hinggil sa enrollment ni SR John Paul โJPโ Azusano at sa posibleng implikasyon nito sa kanyang kwalipikasyon at panunungkulan. Mahalaga na ang usaping ito ay matugunan sa pamamagitan ng wastong proseso, alinsunod sa mga umiiral na probisyon at mekanismo ng pananagutan, at may paggalang sa karapatan ng lahat ng panig na marinig at makapag paliwanag. Higit pa dito ay ang pagdidiin sa masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga indibidwal mapa-administrasyon o kinatawan ng mga organisasyon na may kaalaman sa sitwasyon at piniling manahimik sa kabila ng kanilang pananagutang pangalagaan ang integridad ng Student Governance. Nararapat din na mapanagot ang sinumang mapatunayan na nagkulang sa kanilang tungkulin na kumilos at magsiwalat ng impormasyong mahalaga sa kapakanan ng mga mag-aaral alinsunod sa umiiral na mga patakaran at proseso.
Bilang mga Iskolar ng Bayan, naninindigan tayo na walang sinuman ang nakahihigit sa mga patakarang umiiral at walang sinuman ang dapat maging eksepsiyon sa pananagutan. Hindi dapat maging dahilan ang mataas na posisyon upang makaiwas sa pagsusuri, at hindi dapat maging hadlang ang pagkakakilanlan o kinabibilangang organisasyon sa pagpapatupad ng mga umiiral na patakaran. Ang tunay na paglilingkod ay nangangailangan ng kahandaang magbigay-linaw at sumailalim sa parehong pamantayang ipinaglalaban para sa buong komunidad ng PUP. Karapatan nating hingin ang katotohanan, at tungkulin nating tiyaking hindi napapawalang-bisa ang ating tiwala sa pamamagitan ng kawalan ng malinaw na pananagutan.
Negosyanteng Makabayan, patuloy natin itaguyod ang isang pamantasan kung saan ang bawat lider ay inaasahang tumupad sa mga patakaran, magbigay-linaw sa mga lehitimong katanungan, at managot sa kaniyang mga tungkulin!
Ang mandato ay ipinagkakatiwala. Ang tiwala ay pinangangalagaan. At ang pananagutan hindi maaaring piliin lamang kung kailan ito maginhawa.