01/06/2026
๐ฅ BRIGADA ESKWELA 2026 ๐ฅ
Hindi lang kapatiran sa salita, kundi serbisyo sa gawa.
Muling nagkaisa ang Alpha Kappa Rho - B**a Central Chapter sa Brigada Eskwela 2026 sa Sta. Anastacia Elementary School ginanap kahapon May 31, 2026 upang makatulong sa paghahanda ng paaralan para sa panibagong taon ng pag-aaral.
Sa bawat oras na inilaan, pawis na ibinuhos, at pagtutulungang ipinakita, napatunayan na kapag nagkakaisa ang isang samahan, may nagagawang makabuluhang pagbabago para sa komunidad.
Taos-pusong pasasalamat kay Brod Isidro โD**gโ Nova (Junior Adviser) para sa pag sponsor sa pagkain at walang sawang suporta, kay Senior Brod Ayo Nova (Senior Adviser) para sa patuloy na paggabay sa mga proyekto ng chapter, at kay Mariejoy Apelado para sa kooperasyon at pakikipagtulungan para sa paaralan.
At syempre, saludo sa lahat ng Brod na naglaan ng oras at lakas upang maging matagumpay ang gawaing ito. Kayo ang tunay na patunay na buhay ang diwa ng pagkakapatiran at paglilingkod.
Long Live Alpha Kappa Rho! ๐ค
Long Live B**a Central Chapter!๐ฅ