04/09/2026
๐๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐น ๐ ๐๐น๐ถ ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฎ๐๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ ๐ฎ๐ ๐ง๐ฒ๐ธ๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ต๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป
Masayang ipinagdiwang ng Palompon Institute of Technology โ Tabango Campus ang Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ Idinaos ang pangwakas na palatuntunan noong Setyembre 2, 2026, sa Multi-purpose Covered Court ng PIT-Tabango Campus.
Naging makabuluhan ang pagdiriwang sapagkat naipakita ang pagpapahalaga at muling pagsibol ng wikang Filipino kasabay ng pagtanggap sa Artificial Intelligence (AI) bilang makabagong kasangkapan sa larangan ng pananaliksik at edukasyon.
Sinimulan ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni Bb. Jessa P. Baloro, na sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang. Pagkatapos nito, nagbigay ng malugod na pagtanggap at pambungad na pananalita ang Pinuno ng G**o at Pangkalahatang Edukasyon, Dr. Christian Caben M. Larisma.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Dr. Larisma na ang pagpapahalaga sa wikang Filipino ay hindi lamang dapat ginagawa tuwing buwan ng Agosto. Ayon sa kanya, ang wika ay nagsilbing tulay ng pagkakaisa, pag-unawa, at pagkakakilanlan ng isang lahi. Sa pamamagitan nito, naipahayag ng mga Pilipino ang kanilang mga pangarap, saloobin, at pagmamahal sa sariling bayan. Hinikayat din niya ang lahat na patuloy na mahalin, gamitin, at ipagmalaki ang sariling wika.
Matapos ang pambungad na pananalita, ipinakilala ang mga hurado na naging bahagi ng ibaโt ibang kompetisyon. Tatlong hurado ang naging tagapagsuri sa bawat patimpalak at nagbigay ng patas at makatarungang puntos sa mga kalahok.
Sinundan ito ng mga kompetisyon. Unang ginanap ang Deklamsayon, na sinundan ng Interpretatibong Sayaw, Spoken Word Poetry, Dalawahang Pag-awit, Sabayang Pagbigkas, Katutubong Sayaw, Paglikha ng Poster, at Kontemporaryong Sayaw. Ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang ibaโt ibang talento, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.
Pagkatapos ng mga patimpalak, inanunsyo ang mga nagwagi sa bawat kompetisyon. Sa Deklamsayon, nagwagi ang BSEd; sa Interpretatibong Sayaw, ang BSHM; sa Spoken Word Poetry, ang BSIT; sa Dalawahang Pag-awit, ang BTVTEd; sa Sabayang Pagbigkas, ang BSHM; sa Katutubong Sayaw, ang BSEd; sa Paglikha ng Poster, ang BSHM; at sa Kontemporaryong Sayaw, ang BSHM.
Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng pangwakas na pananalita ang butihing Direktor ng Kampus, Dr. Catalino L. Centillas, Jr. Nag-iwan siya ng mahalagang paalala hindi lamang sa mga mag-aaral kundi maging sa mga g**o tungkol sa kahalagahan ng wika bilang tagapagdala ng kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Binigyang-diin ni Dr. Centillas na sa bawat salitang binibigkas at ginagamit ay naaalala ang tinig ng mga ninuno at naipagpapatuloy ang kasaysayan. Ipinakita rin niya na ang wika ay naging mahalagang bahagi ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga Pilipino bilang isang sambayanan.
Binigyang-halaga rin sa programa ang paggamit ng wikang Filipino sa ibaโt ibang larangan, kabilang ang edukasyon, tahanan, hukuman, pananaliksik, medisina, politika, komersyo, teknolohiya, agham, matematika, sining, at musika. Ipinakita nito na ang wikang Filipino ay patuloy na umuunlad at nakasasabay sa pagbabago ng panahon at teknolohiya.
Sa kabuuan, naging masaya, makabuluhan, at matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 sa PIT-Tabango Campus. Naging daan ito upang higit na maipakita ng mga mag-aaral at g**o ang kanilang talento, pagkamalikhain, at pagmamahal sa wikang Filipino.
Sa kabila ng patuloy na pagbabago ng panahon, nanatiling mahalaga ang paggamit at pagpapahalaga sa sariling wika. Sa makabago at teknolohiyang henerasyon, naging mahalagang hamon ang patuloy na pagsulong, paggamit, at pagsibol ng wikang Filipino bilang wika ng pagkakaisa, kaalaman, pananaliksik, at pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.
_____
sinulat ni ๐๐ฆ๐ท๐ช๐ฏ ๐๐ฐ๐ฏ๐ต๐ช๐ญ๐ญ๐ฆ๐ฏ | kuhang larawan nina ๐๐ช๐ฐ๐ฏ๐ข๐ฉ ๐๐ข๐ฆ ๐๐ช๐ฎ๐ฃ๐ข๐ซ๐ฐ๐ฏ, ๐๐ฉ๐ข๐บ๐ณ๐ข ๐๐ฆ๐ข๐ฏ ๐๐ฆรฑ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข, ๐๐บ๐ฆ๐ด๐ฉ๐ข ๐๐ข๐ต๐ช๐ข๐ฏ๐ค๐ช๐ญ๐ข, ๐๐ข๐ณ๐ท๐ช๐ฏ ๐๐ข๐ค๐ช๐ต๐ข, ๐๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ข๐ฅ๐ช๐ต๐ฉ ๐๐ข๐ณ๐ช๐ฆ ๐๐ข๐ด๐ต๐ฐ๐ณ & ๐๐ฆ๐ณ๐ณ๐ฐ๐บ ๐๐ฆ๐ณ๐ณ๐ฆ๐ณ | sinuri ni ๐๐ฃ. ๐๐ฆ๐ด๐ด๐ข ๐. ๐๐ข๐ญ๐ฐ๐ณ๐ฐ