12/06/2026
ICYMI
๐ฆ๐๐, ๐ก๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐-๐ญ๐ฎ๐ด ๐๐ฅ๐๐ช ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐๐ก
TANAY, Rizal โ Nakiisa ang mga opisyal at kawani ng San Ildefonso College (SIC) sa pagdiriwang ng Ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Tanay sa harap ng Gusali ng Munisipyo noong Hunyo 12, 2026.
Sa paanyaya ng lokal na pamahalaan, dumalo ang mga kinatawan ng Kolehiyo ng San Ildefonso sa pagdiriwang na may temang โKalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.โ bilang pagpapakita ng kanilang pakikiisa sa paggunita sa kasarinlan ng bansa at pagpapatibay ng diwang makabayan.
Bago ang pangunahing programa, nakibahagi ang mga dumalo sa Banal na Misa sa San Ildefonso de Toledo Parish at sumama sa maikling parada patungo sa Gusali ng Pamahalaang Bayan. Sinundan ito ng mga seremonyal na gawain tulad ng pagpasok ng watawat ng Pilipinas, pag-awit ng Pambansang Awit, pambungad na pananalita, mga natatanging bilang, at ang Ulat sa Bayan ni Punong Bayan, Kgg. Rex Manuel C. Tanjuatco.
Pinangunahan ang delegasyon ng SIC ManCom na sina Gng. Felicidad Joven, Opisyal na Administratibo, at Dr. Maricel U. Astorga, Pinuno ng Tanggapan ng Yamang-Tao at Pagmamarketa.
Kabilang din sa mga dumalo ang Konseho ng Administratibo na sina Gng. Feliciana Atienza, Tagapagtala ng Paaralan, at G. Rollel Gallego, Pinuno ng Pangkalahatang Serbisyo at Seguridad.
Nakibahagi rin ang mga tagapag-ugnay ng mga gawaing pangmag-aaral na sina Gng. Amelita Toyoken para sa Mababang Paaralan, Bb. Jessielyn Llagas para sa Mataas na Paaralan, at G. Jefferson San Andres para sa Kolehiyo. Dumalo rin si G. Aaron S. Munar, Opisyal sa Paghubog ng mga Mag-aaral.
Bilang kinatawan ng mga samahang pangkabataan, nakiisa sina Gng. Angelita Fulgado, Tagapag-ugnay ng Girl Scouts, G. John Christopher Jacinto, Tagapag-ugnay ng Boy Scouts sa Mababang Paaralan, at G. John Anthony Gramatica, Tagapag-ugnay ng Boy Scouts sa Mataas na Paaralan.
Sa kanilang pagdalo, ipinamalas ng mga opisyal at kawani ng San Ildefonso College ang kanilang suporta sa mga gawaing makabayan at ang kanilang pakikiisa sa paggunita sa kasaysayan at kalayaan ng sambayanang Pilipino. Ang kanilang presensya ay sumasalamin sa patuloy na pakikipagtulungan ng institusyon sa mga programa ng Pamahalaang Bayan ng Tanay para sa kapakanan ng komunidad at bansa.
Isinulat ni: Richard Allen C. Fullado
Pinagmulan ng mga Larawan: Dr. Maricel U. Astorga at Gng. Feliciana M. Atienza