23/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ฐ๐ข๐ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ญ๐จ๐ก๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐ก๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐จ ๐๐
Pinalawig ng Commission on Elections (COMELEC) ng Cavite State University โ Tanza Campus ang botohan para sa Central Student Government (CSG) Elections 2026-2027 hanggang Mayo 25, matapos hindi maabot ang kinakailangang quorum sa itinakdang araw ng eleksyon.
Batay sa inilabas na Resolution No. 2026-1, umabot lamang sa 554 mula sa kinakailangang 690 boto, o katumbas ng 80.21% ng required turnout, ang natanggap na online votes pagsapit ng Mayo 22, alas-6 ng gabi.
Ayon sa COMELEC, mahalagang maabot ang โ50% + 1โ voter turnout requirement upang maging balido ang buong electoral process alinsunod sa Konstitusyon at By-Laws ng CSG. Kung hindi ito matutupad, maaaring maideklarang walang-bisa ang halalan at magdulot ng leadership vacuum para sa susunod na akademikong taon.
Dahil dito, agad na nagpasa ng resolusyon ang COMELEC, katuwang ang Office of Student Affairs and Services (OSAS), upang ipagpatuloy ang botohan hanggang Mayo 25, 2026, alas-6 ng gabi.
Kasabay ng extension, inanunsyo rin ang paglipat mula sa purely online election patungo sa hybrid voting setup. Magkakaroon na rin ng face-to-face voting stations sa loob ng kampus upang mas mapadali ang partisipasyon ng mga estudyante at maiwasan ang pagkakabalam ng eleksyon.
Nanatili namang ipinatutupad ang campaign ban sa buong extension period. Mahigpit ding ipatutupad ng COMELEC ang cross-verification ng physical at digital records upang maiwasan ang anumang insidente ng double voting.
Ang naturang resolusyon ay opisyal na pinagtibay noong Mayo 22, 2026, sa botong 3 pabor, 0 tutol, at 0 abstain mula sa mga opisyal ng COMELEC.
via John Ryan Landicho, Editor-in-Chief
Source: Office of the Student Affairs and Services