07/09/2026
๐
๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐ | ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ค๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐ ๐ข๐ฌ๐ง๐๐ง
By: Princess Loraine F. Sindol, Feature Writer
Bermonths na naman. Nandito na muli ang mga Christmas songs, christmas lights, parol, regalo, at mga paghahanda para sa Paskoโmga pamilyar na senyales na paulit-ulit nating nakikita taon-taon. Ngunit sa dami ng nagbago sa paglipas ng panahon, isang tanong ang hindi maiiwasang pumasok sa isip, nasaan na ang Paskong kinagisnan natin?
Sa ating mga ala-ala, naroon ang paskong iyon kung saan madilim-dilim pa lamang ay abala na ang mga pamilya sa paghahanda para sa Simbang Gabi. Kahit malamig ang tubig, maliligo pa rin bago humarap sa malamig na hangin ng madaling-araw. Sa paglabas ng bahay, makakasalubong ang mga taong sasamba rin, mga batang halos hindi pa gising, at sasalubong satin ang paboritong amoy ng mga Pilipinoโang bagong lutong p**o bumbong at bibingka.
Noon din, tila mas mahaba ang paghihintay para sa Pasko. Pagsapit pa lamang ng Setyembre, dama na ang pananabik. Madalas ng nagsasama-sama ang mga pamilya, mga nakikipagkuwentuhan sa kapitbahay, napupuno ang paligid ng mga nagtitinda, mga taong namimili na ng regalo, at ang pagbilang ng mga natitirang araw bago sumapit ang Pasko. Tuwing hapon, maririnig ang mga batang nangangaroling sa bawat bahay, nanghihingi ng aguinaldo.
Sa mga simpleng tagpong ito nabubuo ang Paskong kinagisnan ng maramiโisang Paskong hindi nasusukat sa dami ng dekorasyon o laki ng regalong matatanggap, kundi sa oras na ginugugol kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay.
Ngunit iba na sa panahon ngayon. Hindi na kailangang pumunta sa mataong pamilihan upang bumili ng regalo dahil maaari na itong i-order online at dumating sa mismong pintuan ng bahay. Ang mga kamag-anak na hindi makauwi ay maaari nang makasabay sa Noche Buena sa pamamagitan ng video call, habang ang mga pagbati ay naipapadala sa ilang pindot lamang. Maging ang mga ninong at ninang ay hindi na basta makakatakasโisang QR code na lamang ang pagitan nila at ng kanilang inaanak.
Bukod sa pagbabago ng paraan ng pagdiriwang, tila nagbabago rin ang nararamdaman natin tungkol sa Pasko habang tayo ay lumalaki. Kasabay ng ating pagtanda ang mga bagong karanasan, responsibilidad, at pananaw na maaaring makaapekto sa paraan ng pagtingin natin sa isang pagdiriwang na minsang pinakaaabangan natin noong bata pa tayo.
Isa sa mga nakapanayam ko, si Chariz Padre, mag-aaral sa CVSU-Tanza, ang nagsabing mas hindi na niya gaanong nae-enjoy ang Pasko ngayon kumpara noong siya ay bata pa. Gayunpaman, para sa kaniya, wala naman gaanong nagbago sa paraan ng kanilang pagdiriwang.
โFor me kasi, boring na s'ya now compared nung bata ako. Wala namang totally nagbago, same-same pa rin paano namin sini-celebrate. Siguro yung reason is yung mindset ko na lang now, tas maybe part na rin ng paglaki as of why I don't particularly enjoy Christmas nowadays. Excited na lang talaga for the money,โ aniya.
Ganito rin ang nararamdaman ni Princess Naomi Caloma, mag-aaral sa CVSU-Tanza. Para sa kaniya, nagbago ang pakiramdam ng Pasko. Kung noon ay sabik siya sa mga parol, Christmas lights, at Christmas tree, tila naging pangkaraniwan na lamang ang mga ito sa paglipas ng panahon.
โPero ngayon hindi na, parang nagiging normal na lang yung nararamdaman ko na parang lilipas na lang din,โ pagbabahagi niya.
Magkaiba man ang kanilang karanasan, pareho nilang ipinapakita na maaaring hindi naman talaga nawala ang Paskoโmaaaring nagbago lamang ang paraan ng ating pagdama rito. Habang lumalaki tayo, nagbabago rin ang ating mga inaabangan at ang kahulugan ng mga bagay na dati ay nagbibigay sa atin ng matinding saya.
Kasabay nito, patuloy ding nagbabago ang paraan ng ating pakikipag-ugnayan. Malaki ang naging papel ng teknolohiya sa modernong pagdiriwang ng Pasko, ngunit nakatulong din ito upang manatiling magkakaugnay ang mga taong magkakalayo. Maaaring hindi na magkakasalo ang lahat sa iisang hapag, ngunit maaari pa rin silang magkumustahan sa isang video call. Maaaring hindi na sulat-kamay ang mga pagbati, ngunit nananatili ang mensahe ng pagmamahal.
Hindi naman talaga magkalaban ang Pasko noon at Pasko ngayon.
Marahil, hindi na katulad ng dati ang Pasko. Nagbago ang paraan ng pagbibigay, pagbati, at pagsasama-sama. Ngunit may mga bagay na nananatili. May mga pamilyang naghahanda para sa Noche Buena, mga taong bumibiyahe upang makauwi, at mga taong naghahanap ng pagkakataong makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Hindi rin nawala ang Paskong kinagisnan natin. Nagbago lamang ang anyo nito kasabay ng pagbabago natin.
Kaya baka hindi ang tanong ay kung saan napunta ang Paskong kinagisnan natin. Baka ang mas mahalagang tanong ay, โnawala nga ba ito, o patuloy lamang natin itong binibigyan ng bagong anyo?โ
Sa kabila ng lahat ng pagbabago, sana ay manatili ang tunay na diwa ng Paskoโang pagsasama, pagbibigayan, at pagmamahal na nagpapaalala sa atin na may mga taong handang makasama natin sa bawat panahon.
๐ป: Jhoanna Cassandra Eguia, Layout Artist
-----------------------------------------------------------------------
contact us:
| [email protected]
"๐ป๐๐ ๐ท๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐พ๐๐๐
๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐
"