06/09/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐-๐๐๐๐
๐๐ | Isang taos-pusong pagpupugay sa lahat ng ating mga Ka-KamFil na buong husay na nagningning, naghari, at nagbigay-karangalan sa iba't ibang larangan ng Intramurals 2026!
Sa bawat laban, ipinamalas ninyo ang pambihirang gilas, tatag, talas, at pusong nag-aalab para sa tagumpay. Pinatunayan ninyong ang husay ng mga nagpapakadalubhasa sa sariling wika ay hindi lamang namamayani sa loob ng silid-aralan, kundi maging sa anumang larangang nangangailangan ng sipag, disiplina, pagkakaisa, at determinasyon.
Ang bawat tagumpay at karangalang inyong nakamit ay tagumpay na rin buong pamilya ng ating kapisanan.
Muli, pagbati sa ating mga kampeon! Patuloy ninyong dalhin saanman ang tatak ng husay, tatak ng galing, at tatak ng pusong Ka-KamFil.
โ๐ป: Glydhel Cusili
๐จ: Anghelo Simangan