23/10/2026
MAKABULUHANG SERBISYO, TAOS-PUSONG PAGLILINGKOD! ❤️🤝
Noong October 22, 2026, ang M. Delos Reyes Community Chapter - Tau Gamma Phi ay nagsagawa ng isang munting outreach activity sa Fortune 1 Day Care Center, kung saan namahagi tayo ng mga school supplies at iba pang kagamitang pampaaralan, gayundin ng simpleng meryenda na tinapay at juice para sa mga bata.
Sa pangunguna ng ating kapatid na si Justin Fulgencio, na nag diwang ng kanyang kaarawan kamakailan 🎂🎊 naging daan ang munting pagkilos na ito upang makapaghatid ng saya, ngiti, at inspirasyon sa mga bata at g**o ng nasabing day care center.
Naniniwala tayo na ang tunay na diwa ng kapatiran ay hindi lamang nasusukat sa pagkakaisa ng bawat isa, kundi higit sa lahat, sa kahandaang maglingkod at magbahagi ng biyaya sa ating kapwa. Hindi man man kalakihan ang ating naipagkaloob, ang bawat tulong na nagmumula sa pusong bukas-palad ay may kakayahang magbigay ng pag-asa at mag-iwan ng magandang alaala sa puso ng iba.
Patuloy nating isabuhay ang diwa ng Brotherhood, Service, and Unity. Sapagkat sa bawat munting gawa ng kabutihan, may mga ngiting nabubuo, pusong napapasaya, at kinabukasang unti-unting napagyayaman.
Maliit man o malaki ang ating maibahagi, ang mahalaga ay ang pusong handang maglingkod nang walang hinihintay na kapalit.
Salute to all our brothers! ✊
M. Delos Reyes Community Chapter – Tau Gamma Phi