28/03/2026
🎬✨ FILM VIEWING NIGHT | MANOLO COMPOUND
Ngayong gabi, matagumpay nating isinagawa ang ating Superbook Tagalog Film Viewing dito sa Manolo Compound—isang simpleng programa ngunit may malalim na layunin para sa ating kabataan.
Sa pamamagitan ng mga kwentong may aral at gabay, naipapakita natin sa mas nakababatang henerasyon ang kahalagahan ng mabuting asal, pananampalataya, disiplina, at tamang landas sa buhay. Ito ay bahagi ng ating misyon bilang isang samahan—ang maghubog ng kabataan na may malasakit, respeto, at matibay na paninindigan sa tama.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa ating kapatid mula sa Crime Buster at kasalukuyang Punong Barangay, Hon. Marvin “Amboy” Marcelo, sa kanyang patuloy na suporta sa mga programang nakatuon sa kapakanan ng komunidad.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kina Kagawad Aiz Umali at SK Chairwoman Brianna Ivy De Guzman sa kanilang pakikiisa at suporta para sa ating kabataan at komunidad.
Ang aktibidad na ito ay inorganisa ng Crime Buster Manolo Community Chapter sa pamumuno ni President Ramil Rodriguez, katuwang ang buong kapatiran, at may matibay na suporta mula sa Crime Buster Valenzuela Council sa pangunguna ni President Mhackoi Legazpi at Magic 5 Sorority Valenzuela Council sa pamumuno ni Pres Ja Ja Mangguing.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa ating mga kapatid mula sa M5BAI, sa kanilang presensya at anumang ambag upang maging matagumpay ang gabing ito.
At higit sa lahat, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng indibidwal at pribadong entidad na nagbigay ng kanilang suporta—sa anumang paraan—upang maisakatuparan ang programang ito. Ang inyong kabutihang-loob ay malaking bahagi ng tagumpay ng ating layunin.
💙 Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na may malasakit, pagkakaisa, at gabay para sa susunod na henerasyon.