18/03/2026
๐๐๐๐๐ง ๐๐๐ฆ๐๐ ๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐ก๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ข๐ฆ, ๐จ๐ฆ-๐๐ฆ๐ฅ๐๐๐, ๐๐ง ๐ฃ๐๐ง๐ฅ๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฆ๐ง๐?
1. Ugnayang Panlabas at Prayoridad ng Estado
Kabilang sa kinukuwestiyon sa mga protesta ang ugnayang militar ng Pilipinas sa United States, partikular ang pagpapalawak ng mga site sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Para sa marami, ang pagpapahintulot sa karagdagang EDCA sites ay nagpapalalim sa presensiyang militar ng US sa bansa. Hindi ito hiwalay sa mas malawak na konteksto ng pandaigdigang pulitika. Iniuugnay ito ng ilang sektor sa suporta ng US sa Israel sa mga kasalukuyang digmaan sa Gitnang Silangan.
Sa ganitong pananaw, ang pakikipag-alyansa ng Pilipinas sa US ay hindi lamang usaping seguridad, kundi may implikasyon din sa kung paano nito hinaharap ang mga panloob na krisis at kung saan nito inuukol ang atensyon at yaman ng estado. Sa ganitong konteksto, hindi sapat ang panandaliang hakbang tulad ng emergency powers kung hindi natutugunan ang mas malalim na ugat ng krisis.
2. Regulasyon sa Presyo ng Langis
Isa sa mga pangunahing panawagan sa mga protesta ay ang mas aktibong papel ng gobyerno sa pagkontrol at pag-buffer ng epekto ng pagtaas ng presyo ng langis. Kabilang dito ang:
โข Pag-alis o pagsususpinde ng Value Added Tax (VAT) at excise tax sa produktong petrolyo
โข Pagrepaso o pagbabasura ng Republic Act No. 8479 o Oil Deregulation Law.
Dahil sa Republic Act No. 10963 o TRAIN Law, may ipinataw na excise tax at VAT sa produktong petrolyo. Bagama't layunin ninyong makalikom ng pondo para sa mga programang pangkaunlaran, nagdudulot ito ng dagdag pasanin sa mga konsyumer, lalo na sa panahon ng mataas na presyo sa pandaigdigang merkado. Dagdag pa rito, pinalala ng RA 8479 o Oil Deregulation Law ang limitadong kakayahan ng estado na protektahan ang mamamayan laban sa biglaang pagtaas ng presyo. Ang โฑ5,000 fuel subsidy na ibinibigay sa ilang sektor ay pansamantalang solusyon lamangโisang โband-aid solution.โ Hindi nito natutugunan ang istruktural na problema sa sistema ng pagpepresyo ng langis.
๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐๐๐ฎ?
Ang protesta ay isang aktibidad at pananagutan ng bayan para imungkahi ang kanilang saloobin sa estado at ito ay protektado ng Konstitusyon. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at mga pangunahing bilihin, hindi naman kasabay nito ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa. Dahil dito, lalong nahihirapan ang mga ordinaryong Pilipinoโlalo na ang mahihirapโna tustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa ganitong kalagayan, ang protesta ay hindi simpleng reaksyon sa presyo. Ito ay isang anyo ng kolektibong pagkilos upang manawagan ng pananagutan, makatarungang polisiya, at mas aktibong papel ng estado sa pagprotekta sa kapakanan ng mamamayan. Sa halip na maliitin ang mga nagpoprotesta, mas makabuluhang tanungin kung anong mga polisiya at istruktura ang patuloy na nagpapahirap sa kanilaโat kung sino ang tunay na nakikinabang sa kasalukuyang sistema.
Sanggunian:
ABS-CBN News. (2026, March 16). Activists pelt clay, deface gas station posters in protest vs fuel price hikes. https://www.abs-cbn.com/news/nation/2026/3/16/activists-pelt-clay-deface-gas-station-posters-in-protest-vs-fuel-price-hikes-1520
Asia Pacific Research Network. (2023, April 28). Groups raise alarm over EDCA sites, rise of rights abuses in PH province. https://www.aprnet.org/groups-raise-alarm-over-edca-sites-rise-of-rights-abuses-in-ph-province/
IBON Foundation. (2026, March 10). Oil shocks risk further erosion of Filipinosโ purchasing power. https://www.ibon.org/oil-shocks-risk-further-erosion-of-filipinos-purchasing-power/
Metrobank Wealth Insights. (2026). Big-time fuel price hikes set as war throttles supply. https://wealthinsights.metrobank.com.ph/bworldonline/big-time-fuel-price-hikes-set-as-war-throttles-supply/
Philippine Daily Inquirer. (2026, March 17). Piston to hold transport strike beginning on Thursday, March 19. https://newsinfo.inquirer.net/2196275/piston-to-hold-transport-strike-beginning-on-thursday-march-19
www.abs-cbn.com
The Philippine Star. (2026, March 10). Oil deregulation law complicates response to fuel price spikes โ solons. https://www.philstar.com/headlines/2026/03/10/2513336/oil-deregulation-law-complicates-response-fuel-price-spikes-solons
(Ang mga larawan ay kinuha mula sa mga page ng PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral, TomasinoWeb, Kodao Productions, at SunStar Davao.)
๐ฑ๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐๐๐๐, ๐ป๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐
Let Justice be done, for the Welfare of the People