The Courier

Directions Website Contact the university

The Courier THE COURIER is the official student publication of Northwest Samar State University-Main Campus

31/10/2026


𝗟𝗔𝗧𝗛𝗔𝗟𝗔𝗜𝗡 | 𝗦𝘂𝗺𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗶𝘀𝗶𝗻𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗙𝗶𝘁𝘁𝗲𝗿𝗸𝗮𝗿𝗺𝗮
ni Vivienne Kyla Caber

Isang hinagpis para sa mga pangarap na minahal nang higit sa sarili.

Kinulam mo ako at nilagyan ng sumpa. Sabay nilunod sa dagat na p**a. Tinusok-tusok mo ako mula ulo ’gang paa. At ang panalangin—lumaya sa ’yong sumpa.

Hindi lamang Sabado ang ginawang alay, kasama ng kandila at dasal. Pati bawat segundo, oras, at araw na mayroon ang kalendaryo, inialay nang buong-buo. Ipinagpaliban ang hapunang maaari sanang pagsaluhan ng pamilya. Ipinagkait ang simpleng araw na maaari sanang ilaan sa sarili. At sa bawat pagkakataong pinipili kong magpatuloy, may isang bagay na muli kong isinusuko.

Kinawawa mo ako. Hinila-hila ang bawat buto. Sa bawat hakbang, may kirot na hindi maipaliwanag. Sa bawat paghinga, may bigat na hindi maibsan. Hindi ko na maramdaman ang mga balikat kong tila unti-unting bumibigay sa bigat ng mga pasan. Pati ang mga paang namamanhid na sa kakatakbo, hindi lamang para makarating, kundi para hindi mapag-iwanan.

At sa bawat pagkakataong tinatanong ko ang sarili kung bakit, iisa lamang ang sagot na ibinibigay ko.

Para sa lecheng pangarap na ’yan. Para sa kinabukasang matagal ko nang ipinangako sa sarili. Dahil mas nakakatakot pang habambuhay na multuhin ng pangarap na hindi man lang sinubukang abutin kaysa sa kamatayan.

Ngunit paano kung sa kakatakbo, hindi ko namalayang may mga bagay na naiwan sa daan? Mga hapunang hindi na nasabayan. Mga araw na hindi na maibabalik. Mga pagkakataong maaari sanang ilaan sa mga taong mahal ko, o sa sarili kong matagal nang naghihintay ng pahinga.

Sa tagal kong hinabol ang buhay na gusto ko, sa sobrang pagmamahal ko sa pangarap na mayroon ako, nakalimutan ko na palang mabuhay at mahalin ang sarili kong nangangarap.

At kung may pagkakataon mang balikan ang mga araw na ipinagkait ko sa sarili, hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Marahil ay uupo lamang ako. Hihinga. Makikisalo sa hapunang matagal ko nang ipinagpapaliban. O kaya nama’y hahayaan ang sarili kong magpalipas ng oras nang walang hinahabol, walang kailangang tapusin, walang kailangang patunayan. At sana, pagdating ng panahong iyon, may oras pa akong bumawi sa mga araw na hindi ko na maibabalik.

Hilingin ko man sa libo-libong mangkukulam na palayain ako sa sumpang ito, alam kong hindi pa rin ako makakalaya. Dahil ako mismo ang nag-alay ng sarili sa pangarap na ito. Ako ang nagsindi ng kandila, ang bumigkas ng panalangin, at nangakong gagawin ang lahat.

At ngayon, kahit hindi na halos makahinga, kahit hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas, narito pa rin ako. Dahil sa kabila ng lahat, hindi ko kayang kamuhian ang bagay na minsan kong minahal nang buong-buo.

Marahil, ito ang sumpang hindi ko kayang takasan. Hindi dahil may ibang nagkulam sa akin, kundi dahil ako mismo ang unang naniwala na kailangan kong ialay ang lahat para sa pangarap na ito.

Hindi ito ang sumpang isinulat ni Fitterkarma. Ito ay sumpang ako rin mismo ang may-akda.

At ikot-ikutin man ang ulo ko, kahit ano para sa’yo—

Ako’y sa’yo.

=====
Illustration by Paris Luciano

  | Wala nang mas nakatatakot pa kaysa sa sigaw ng Pan-as Hayiban.Kaluluwa ng mga hayop, humihingi ng saklolo.Hagulgol n...
31/10/2026

| Wala nang mas nakatatakot pa kaysa sa sigaw ng Pan-as Hayiban.

Kaluluwa ng mga hayop, humihingi ng saklolo.
Hagulgol ng mga punong unti-unting namamatay.
At sa bawat bulong ng kagubatan, isang sumpang nagbabadyang magkatotoo.

Sa Halloween, hindi lahat ng multo ay kathang-isip. Minsan, ang tunay na katatakutan ay ang mundong unti-unting sinisira—at ang mga tinig na pilit nating binabalewala.

𝗖𝗔𝗟𝗕𝗔𝗬𝗢𝗚𝗡𝗢𝗡, 𝗣𝗔𝗚𝗠𝗔𝗧𝗔 𝗞𝗔𝗠𝗢. 𝗚𝗨𝗟𝗜𝗔𝗧 𝗡𝗜 𝗣𝗔𝗡-𝗔𝗦 𝗛𝗔𝗬𝗜𝗕𝗔𝗡, 𝗔𝗧𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗧𝗜𝗔𝗡.

=====
Illustration by Romeo Aguaviva | Probationary Staff

  | Day 30: Cookie𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗨𝗠𝗢 𝗣𝗔 𝗕𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗥𝗔𝗣?Sa murang edad, hindi dapat mumo ng pagkakataon ang natitira para sa mga b...
30/10/2026

| Day 30: Cookie

𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗨𝗠𝗢 𝗣𝗔 𝗕𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗥𝗔𝗣?

Sa murang edad, hindi dapat mumo ng pagkakataon ang natitira para sa mga bata. Ang sapat na nutrisyon ay mahalagang bahagi ng kanilang paglaki, pagkatuto, at kinabukasan—ngunit para sa ilan, nananatili itong bagay na kailangang habulin.

Kapag ang kanilang pangangailangan ay palaging nahuhuli sa prayoridad, hindi lang pagkain ang nawawala, kundi pagkakataong lumaking malusog at may buong potensiyal, at higit sa lahat ay maliwanag na kinabukasan.

=====
Cartoon by Jay Ruano

𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 | Classes at the Main and San Jorge campuses of Northwest Samar State University (NwSSU) will be conducted asyn...
30/10/2026

𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 | Classes at the Main and San Jorge campuses of Northwest Samar State University (NwSSU) will be conducted asynchronously on October 31 and November 3.

The adjustment aims to give students sufficient time to travel to their hometowns for All Saints’ Day and All Souls’ Day while allowing them to continue their studies remotely.

Source: Northwest Samar State University - Institutional Supreme Student Council (ISSC)

30/10/2026

Alam mo ba kung ano ang Super El Niño at paano ito nakaaapekto sa ating pang-araw-araw na buhay?

Sa Episode 12 ng , alamin ang mga posibleng epekto ng Super El Niño sa ating komunidad at kung paano naghahanda ang unibersidad upang makayanan ang mga hamong dulot nito.

=====
via Shericka Moreno
Shot and edited by Mia Ocenar

  | Day 29: TuskThe powerful grow richer as the people grow poorer.Taxes are collected with the promise of progress, fun...
29/10/2026

| Day 29: Tusk

The powerful grow richer as the people grow poorer.

Taxes are collected with the promise of progress, funding services that should benefit every citizen regardless of economic standing. But what meaning does that promise hold when the national budget becomes a feast for the privileged?

While those in power gorge themselves on public funds, the poor are left to scrape by on what little the system allows them to keep. As if that were not enough, the people are expected to be grateful for what should have been theirs all along.

=====
Cartoon by Emmanuel Libarbas | Probationary Staff

𝗪𝗲𝗮𝘁𝗵𝗲𝗿 𝗨𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲 | 𝗟𝗣𝗔 𝗻𝗼𝘄 𝗶𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲 𝗣𝗔𝗥; 𝗧𝘆𝗽𝗵𝗼𝗼𝗻 𝗜𝗻-𝗙𝗮 𝗿𝗲𝗺𝗮𝗶𝗻𝘀 𝗼𝘂𝘁𝘀𝗶𝗱𝗲LPA 10c is now inside the Philippine Area of Responsib...
29/10/2026

𝗪𝗲𝗮𝘁𝗵𝗲𝗿 𝗨𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲 | 𝗟𝗣𝗔 𝗻𝗼𝘄 𝗶𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲 𝗣𝗔𝗥; 𝗧𝘆𝗽𝗵𝗼𝗼𝗻 𝗜𝗻-𝗙𝗮 𝗿𝗲𝗺𝗮𝗶𝗻𝘀 𝗼𝘂𝘁𝘀𝗶𝗱𝗲

LPA 10c is now inside the Philippine Area of Responsibility (PAR), located 825 kilometers east of Eastern Visayas, based on PAGASA’s 4:00 p.m. outlook on October 29.

Meanwhile, Typhoon In-Fa remains outside PAR, packing maximum sustained winds of 175 km/h and gusts of up to 215 km/h.

The public is advised to monitor updates from DOST-PAGASA. | via Jaspher Deculawan

=====
Photo Courtesy: DOST-PAGASA

𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘. 𝗟𝗣𝗔, 𝗶𝘀 𝗯𝗲𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗲𝗱 𝗶𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲 𝗣𝗔𝗥A low-pressure area (LPA 10c) is now being monitored inside the Philip...
29/10/2026

𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘. 𝗟𝗣𝗔, 𝗶𝘀 𝗯𝗲𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗲𝗱 𝗶𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲 𝗣𝗔𝗥

A low-pressure area (LPA 10c) is now being monitored inside the Philippine Area of Responsibility (PAR), according to DOST-PAGASA as of 8:00 a.m. today, 29 October 2026.

Meanwhile, a Typhoon, with the international name "IN-FA", is being monitored outside the PAR. All are advised to monitor updates from DOST-PAGASA. | via Gerald Mahinay

====
Photo courtesy: DOST-PAGASA

𝗙𝗜𝗧 𝗟𝗢𝗢𝗞𝗦 𝗚𝗢𝗢𝗗 𝗜𝗡 𝗦𝗔𝗠𝗔𝗥!Samar Island glows as two of its own conquer the Miss FIT Philippines stage on October 27, 2026 ...
29/10/2026

𝗙𝗜𝗧 𝗟𝗢𝗢𝗞𝗦 𝗚𝗢𝗢𝗗 𝗜𝗡 𝗦𝗔𝗠𝗔𝗥!

Samar Island glows as two of its own conquer the Miss FIT Philippines stage on October 27, 2026 at SM North EDSA, Sky Dome.

Kimm Rhianna Specht of Calbayog City and Mary Faith Voz Libres of Gandara, Samar, both secured spots in the Top 12, with Specht earning the Miss Sora title and Libres winning Best in National Costume.

We are beyond proud of you, queens! You didn't just walk—you carried the spirit of every Samarnon with you. Congratulations!

=====
Graphics by Dan Christopher Delda

  | Day 28: TrophyPoliticians hold power, while people endure poverty.Public office was meant to be a responsibility, ye...
28/10/2026

| Day 28: Trophy

Politicians hold power, while people endure poverty.

Public office was meant to be a responsibility, yet they treat it like a trophy, feasting on public funds and ignoring the hands that fed them.

While the citizens who financed their privilege crawls through dust, just to barely survive another day.

=====
Cartoon by Jay Ruano

Address

Rueda Street
Calbayog
6710

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Courier posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to The Courier:

Shortcuts

Share