20/10/2026
Mahigit limang dekada mula nang pirmahan ng diktator na si Marcos Sr. ang Presidential Decree No. 27 o Tenants' Emancipation Act, ang huwad na reporma sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. Sa paglipas ng ilang taon hanggang sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr., nilagdaan nito ang New Agrarian Emancipation Act na naglalayong tuluyang burahin ang utang, penalties, at interes ng mga magsasakang nakatanggap ng lupa sa ilalim ng PD 27. Dagdag pa rito, ang mga nabigyan ng lupa sa ilalim ng PD 27, Comprehensive Agrarian Reform Program, at Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms ay hindi pa nakukuha ang titulo sapagkat sila ay mayroon pang karampatang utang.
Huwad at limitado ang mga repormang ipine-presenta ng estado sa mga magbubukid. Sa mga direktang mamamayang saklaw nito, hindi pa rin natatamasa ang mga karapatan at kaunlarang dapat makamit ng mga pesante. Lalong sumisidhi ang krisis sa agrikultura dahil sa mga neoliberal na patakaran at pagiging import-dependent at export-oriented ng ating ekonomiya. Pinalalala pa ito ng talamak na land-use conversion, pangangamkam ng lupa, at pagpapatupad ng mga mapandambong na proyekto gaya ng planong 1,620-ektaryang AI Hub sa New Clark City na bahagi ng Luzon Economic Corridor na kongkretong proyekto ng Pax Silica ng Estados Unidos, pati na rin ang malalawak na solar at wind farms at mapaminsalang pagmimina ng critical minerals.
Ang talamak na land conversion o ang pagpapalit-gamit ng mga produktibong sakahan upang gawing mga subdivision, komersyal na gusali, at malalaking proyektong pang-enerhiya na nagreresulta sa pagpapalayas sa kanila. Dagdag pa rito, ang mababang arawang kita ng mga manggagawang bukid na nasa ₱322 ay malayong-malayo sa nakabubuhay na sahod para sa isang pamilya. Ang patuloy na liberalisasyon at pag-angkat ng bigas na nagdudulot ng pagbagsak ng presyo ng palay ang siyang dahilan sa pagkalugi at pangungutang para lamang may maitanim. Kinahaharap din na hamon ang mga sunod-sunod na bago at matinding tagtuyot o El Niño na nagdagdag sa pahirap at kabawasan ng ani. Ngunit ano ang tugon ng reaksyunaryong estado sa mga hinaing ng ating mga magsasaka? Panunupil at pantitiktik sa mga tumitindig at lumalaban para sa kanilang kabuhayan. Laganap rin ang militarisyayon sa kanayunan kung saan daang-libo na ang naging biktima ng pasistang estado.
𝗞𝘂𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘆𝗮’𝘁 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗶𝗲𝘀 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗸𝗶𝗱—𝗯𝗶𝘁𝗯𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗿𝗲𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝘂𝗽𝗮 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗯𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗲𝘀𝘁𝘂𝗱𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗿𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗸 𝗻𝗮 𝘂𝗿𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮, 𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗸𝗶𝗱, 𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗱𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮. Ang napakalalang sitwasyon ng mga nasa laylayan na dapat tugunan ng tunay at pangmatagalan na solusyon at hindi ng huwad na mga polisiyang ang nakikinabang lamang ay ang mga panginoong may-lupa. Lalo nating itambol ang mga panawagan ng ating mga magsasaka at manggagawang-bukid. Kabataan, tumungo sa kanayunan at pag-aralan ang lipunan! Gamitin ang lakas at talino para paglingkuran ang sambayanan!
𝗟𝘂𝗽𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝗮, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝘅 𝗦𝗶𝗹𝗶𝗰𝗮!
𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗽𝗲𝗿𝘆𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗱𝗮𝗿𝗮𝗺𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗵𝗶𝗺𝗲𝗻𝗴 𝗨𝗦-𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀 𝗝𝗿.!
SUMAMA SA ARAW NG PANININGIL NG MAGBUBUKID! 🌾
🔻 8 AM - Assembly @ UPM
🔻 9 AM - UST
🔻 10 AM - Program @ Mendiola
𝗧𝗨𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗣𝗔, 𝗜𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡!
Pub by: Jadean Ang, Chesna Bermas, Marco Macalintal
Caption by: Arianne Hizon, Tessa Mae Degamo