19/10/2026
𝐌𝐆𝐀 𝐇𝐀𝐏𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐏𝐔𝐍𝐀𝐍 | 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐛𝐚, 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐚𝐭, 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚
Sa isang lipunan, hindi lahat ay nakatatayo sa parehong baitang.
May mga taong may higit na yaman, kapangyarihan, edukasyon, at oportunidad, habang ang iba ay may mas limitadong pagkakataon na maabot ang mga ito. Ang ganitong pagkakaayos ng mga tao sa iba't ibang antas ng lipunan ay tinatawag na 𝙨𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙨𝙩𝙧𝙖𝙩𝙞𝙛𝙞𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 o 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙥𝙖𝙡𝙖𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙡𝙞𝙥𝙪𝙣𝙖𝙣.
🏛️ Hindi pare-pareho ang mga oportunidad na mayroon ang bawat tao. Ang yaman ay maaaring magbigay ng mas malawak na pagkakataon para sa edukasyon at iba pang pangangailangan, habang ang kapangyarihan at katayuang panlipunan ay maaaring magbigay ng higit na impluwensiya sa mga desisyong nakaaapekto sa lipunan.
Ngunit hindi lamang ito tungkol sa kung ano ang mayroon ang isang tao. Mahalaga ring tingnan kung sino ang mas madaling nakakakuha ng oportunidad, sino ang mas napakikinggan, at sino ang kailangang humarap sa mas maraming hadlang upang makamit ang parehong pagkakataon.
💭 Dito nagiging mahalaga ang konsepto ng 𝙨𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙢𝙤𝙗𝙞𝙡𝙞𝙩𝙮 o paggalaw ng katayuang panlipunan. Maaaring umangat o bumaba ang posisyon ng isang tao sa loob ng stratification system dahil sa mga pagbabagong may kaugnayan sa edukasyon, trabaho, kita, at iba pang salik.
Gayunpaman, ang pag-angat ay hindi laging pantay ang posibilidad para sa lahat. Ang mga kalagayan ng pamilya, edukasyon, yaman, at iba pang salik panlipunan ay maaaring makaapekto sa mga oportunidad na mayroon ang isang tao.
🤝 Kaya ang hagdan ay hindi lamang simbolo ng kung sino ang nasa itaas at nasa ibaba. Sumasagisag din ito sa istruktura ng lipunan—kung paano nabubuo ang iba't ibang antas, paano naipamamahagi ang mga oportunidad at resources, at kung bakit may mga taong mas madaling nakaaakyat habang ang iba ay nakararanas ng mas maraming hadlang.
Sapagkat upang maunawaan ang lipunan, hindi sapat na tingnan kung 𝙨𝙖𝙖𝙣 𝙠𝙖 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙥𝙖𝙣𝙩𝙖𝙮. Mas magandang tingnan natin ang bawat baitang, unawain ang bawat dahilan; sapagkat sa hagdan ng buhay, magkakaugnay ang ating lipunan.
𝑺𝑼𝑴𝑼𝑺𝑼𝑳𝑶𝑵𝑮, 𝑺𝑼𝑴𝑰𝑺𝑰𝑩𝑶𝑳, 𝑨𝑹𝑨𝑳𝑰𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑵𝑳𝑰𝑷𝑼𝑵𝑨𝑵!
🖼️: John William Bernal & Yeohj Aldrich Ricarte
✍🏼: Justine Almanzor