27/10/2026
🌡️ PAALALA SA LAHAT: BAGONG GABAY SA KLASE KAUGNAY NG MATINDING INIT
Naglabas ang DepEd ng bagong gabay sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 064, s. 2026 upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani sa panahon ng matinding init na kaugnay ng inaasahang epekto ng Super El Niño.
Gamit ang 4H Framework — HAYO, HINAY, HINGA, at HINTO, ibabatay ang pagpapatuloy, pagbabago, o pagsususpinde ng mga klase at gawaing pampagkatuto sa antas ng init at aktuwal na kondisyon sa paaralan.
Paalala sa lahat na manatiling updated sa mga opisyal na anunsyo at laging unahin ang kalusugan at kaligtasan. 💧☀️
BREAKING: BAGONG DEPED GUIDELINES ON CLASS SUSPENSION PAGDATING SA HEAT INDEX KAUGNAY NG SUPER EL NIÑO, INILABAS! ℹ
Magpapatupad ang Department of Education (DepEd) ng mga hakbang sa paghahanda at proteksiyon para sa mga mag-aaral at kawani ng paaralan kaugnay ng inaasahang epekto ng Super El Niño sa School Year 2026–2027.
Sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 064, s. 2026, na inilabas noong Oktubre 26, gagamitin ang 4H framework upang gabayan ang mga paaralan sa pagpapatuloy, pagbabago, o pansamantalang pagsususpinde ng mga gawaing pang-akademiko depende sa tindi ng init at kondisyon ng suplay ng tubig.
ITO ANG APAT NA ANTAS NG 4H FRAMEWORK:
HAYO — Mas mababa sa 27°C (NORMAL-MANAGEABLE LEVELS)
Magpapatuloy ang face-to-face classes, kasama ang mga hakbang gaya ng regular na pag-inom ng tubig, hydration breaks, maayos na bentilasyon, at pag-iskedyul ng mga aktibidad sa labas sa mas malamig na oras.
HINAY — 27°C–32°C (CAUTION)
Maaaring bawasan ang oras ng face-to-face classes, baguhin ang iskedyul, o gumamit ng hybrid at home-based learning depende sa sitwasyon ng paaralan.
HINGA — 33°C–41°C (EXTREME CAUTION)
Sususpindihin ang face-to-face classes at babawasan ang mga gawaing pang-akademiko. Maaaring gumamit ng learning packets, maiikling gawaing pampagkatuto, at mga materyal mula sa DepEd TV at radyo.
HINTO — 42°C pataas (DANGER & EXTREME DANGER)
Sususpindihin ang mga gawaing pang-akademiko, kabilang ang face-to-face at home-based learning. Mananatili ang komunikasyon sa mga mag-aaral at pamilya, safety checks, at mga referral para sa kinakailangang suporta.
HINDI LANG HEAT INDEX ANG ISASAALANG-ALANG
Ayon sa gabay, dapat ding suriin ng mga paaralan ang aktuwal na kondisyon sa kanilang lugar, kabilang ang bentilasyon ng mga silid-aralan, suplay ng ligtas na inuming tubig, pagkakalantad sa init, at kalagayan ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan.
Maaari ring magsuspinde ng klase ang mga awtoridad ng paaralan kapag hindi na matiis ang init sa kanilang lugar, kahit hindi pa naaabot ang pinakamataas na heat index threshold.
Layunin ng mga hakbang na mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani habang pinananatili ang pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng mga posibleng epekto ng El Niño.
Source: DepEd Memorandum No. 064, s. 2026 | October 26, 2026
Department of Education. (2026). DepEd Memorandum No. 064, s. 2026: Anticipatory action, preparedness, and protective measures for the 2026–2027 Super El Niño.https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DM_s2026_064r.pdf