UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas

Directions Website Contact the university

UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas Opisyal na page ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman 📚

MAKIISA SA ARAW NG MAKABAYANG EDUKASYON! Dumalo at magpadalo!
27/10/2026

MAKIISA SA ARAW NG MAKABAYANG EDUKASYON!

Dumalo at magpadalo!

MAKIISA SA ARAW NG MAKABAYANG EDUKASYON!

Ipaglaban ang edukasyong makabayan, siyentipiko, at makamasa! Ininaanyayahan ang lahat ng mag-aaral na dumatim at makibahagi sa ating mga Teach-in Sessions ngayong darating na Oktubre 28, 2026 sa College of Arts and Letters (CAL) Atrium.

8:30–10:00 AM | Imperyalismo at SF — Tilde Acuña
10:00–11:30 AM | On Alice Guillermo’s ‘Art and Society’ — Lakan Umali
11:30 AM–1:00 PM | Being and Doing Queer-Decolonial in European Languages: A Workshop — Jeff Roxas
1:00–2:30 PM | Panitikang Radikal — Jay Jomar Quintos
2:30–4:00 PM | Pax Silica Primer
4:00–5:30 PM | Protest Action sa AS Steps

Gamitin ang ating espasyo para sa kritikal na pag-aaral at kolektibong pagkilos! See you there, mga iskolar ng bayan!

22/10/2026

Inaanyayahan ng Larangan ng Panitikan ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ang mga g**o ng Panitikang Filipino sa highschool at senior highschool para sa Dayuday 2026.

Ang Dayuday sa taong ito ay nakatuon sa pagbibigay ng parangal sa tatlong manunulat na may malaking ambag sa paghubog sa tunguhin ng Panitikang Filipino. Muhon nang maituturing sina Efren Abueg, Marra Lanot, at Resil Mojares kaya't tutugunan ng Dayuday 2026 ang bugtong na ito: "Papaano ituturo ang 'bayan' gamit ang tekstong Abueg, Lanot, at Mojares?"

Magkakaroon ng mga pagsasanay at palihan sa 13 Nobyembre 2026, Biyernes, 9.00 ng umaga hanggang 3.30 ng hapon, on-site sa Palma Hall ng UP Diliman. Sa mga nagnanais dumalo, maaaring magregister at sagutan ang mga tanong gamit ang link na ito: https://forms.gle/nAYjXgqksoJnSLE88

Limitado lamang ang slots kaya't pipiliin ang magiging kalahok batay sa dalawang tanong na nasa registration form. Magsasara ang registration sa 30 Oktubre 2026, 5.00 ng hapon. Libre at mayroong sertipiko para sa mapipiling kalahok.

Daghang salamat ug amping kanunay!

22/10/2026

LUNSAD-AKLAT ni Prop. Eugene Y. Evasco, Ph.D. na ANG MAHIWAGANG SILID NI LOLA: Mga Tinipong Kuwentong Pambata

PROGRAMANG MASTERADO AT DOKTORADOHanggang sa ika-30 ng Oktubre tatanggap ang Opisina ng Araling Gradwadong para sa mga n...
19/10/2026

PROGRAMANG MASTERADO AT DOKTORADO

Hanggang sa ika-30 ng Oktubre tatanggap ang Opisina ng Araling Gradwadong para sa mga nais kumuha ng programang masterado o doktorado sa Departamento.

Apply na!

Katuwang ang Likhaan: University of the Philippines Institute of Creative Writing at ng Anvil Publishing House. Isang PA...
14/10/2026

Katuwang ang Likhaan: University of the Philippines Institute of Creative Writing at ng Anvil Publishing House. Isang PAN Episode na nanghihimok na bisitahin ang ating pagkabata at ang batang nasa ating sarili.

Abangan ngayong Oktubre 22, 2026

𝗩𝗶𝘀𝗶𝘁 𝗼𝘂𝗿 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗮 𝗣𝗹𝗮𝘁𝗳𝗼𝗿𝗺𝘀:
𝙒𝙚𝙗𝙨𝙞𝙩𝙚: https://panitikanph.com
𝙄𝙣𝙨𝙩𝙖𝙜𝙧𝙖𝙢: likhaan.upd.icw
𝙏𝙞𝙠𝙏𝙤𝙠: panitikanph
𝙎𝙥𝙤𝙩𝙞𝙛𝙮: Likhaan: UP Institute of Creative Writing https://rb.gy/jp5iw4
𝙔𝙤𝙪𝙏𝙪𝙗𝙚 𝘾𝙝𝙖𝙣𝙣𝙚𝙡: Likhaan: UP Institute of Creative Writing

Katuwang ang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Kolehiyo ng Arte at Literatura at ng Anvil Publishing House. Isang PAN Episode na nanghihimok na bisitahin ang ating pagkabata at ang batang nasa ating sarili.

Abangan ngayong Oktubre 22, 2026

𝗩𝗶𝘀𝗶𝘁 𝗼𝘂𝗿 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗮 𝗣𝗹𝗮𝘁𝗳𝗼𝗿𝗺𝘀:
𝙒𝙚𝙗𝙨𝙞𝙩𝙚: https://panitikanph.com
𝙄𝙣𝙨𝙩𝙖𝙜𝙧𝙖𝙢: likhaan.upd.icw
𝙏𝙞𝙠𝙏𝙤𝙠: panitikanph
𝙎𝙥𝙤𝙩𝙞𝙛𝙮: Likhaan: UP Institute of Creative Writing https://rb.gy/jp5iw4
𝙔𝙤𝙪𝙏𝙪𝙗𝙚 𝘾𝙝𝙖𝙣𝙣𝙚𝙡: Likhaan: UP Institute of Creative Writing

04/10/2026
Nakikiisa ang Departamento sa pagkondena sa redtagging kay Prop. Reynele Bren Zafra, PhD!
01/10/2026

Nakikiisa ang Departamento sa pagkondena sa redtagging kay Prop. Reynele Bren Zafra, PhD!

𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐔𝐏𝐋𝐁 𝐃𝐄𝐏𝐀𝐑𝐓𝐀𝐌𝐄𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐌𝐀𝐍𝐈𝐃𝐀𝐃𝐄𝐒 𝐇𝐈𝐍𝐆𝐆𝐈𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐑𝐄-𝐑𝐄𝐃-𝐓𝐀𝐆 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐏𝐈𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐑𝐎

Sa isang Facebook post ni Badoy na may FB name na Lorraine Baddie noong ika-21 ng Setyembre 2026, kasabay ng anibersaryo ng proklamasyon ng Martial Law, binanggit ni Badoy na pinasok na ng CPP, NPA, at NDF ang mga paaralan at iniimpluwensiyahan ang mga kabataan. Hayagan niyang idinawit ang teksbuk na naglalaman ng pahina ng gawaing pagbasa sa artikulong “Kawalan ng trabaho sa Pilipinas, nagtulak kay Mary Jane Veloso na mangibang-bansa — Gabriela” ni Pher Pasion, na inilathala sa Pinoy Weekly noong 25 Abril 2015. Inilakip ni Badoy ang pabalat ng teksbuk at makikita ang pangalan ni Dr. Reynele Bren G. Zafra bilang may-akda nito. Ang kaniyang teksbuk ay may pamagat na Sipat-Suri: Batayang Kaalaman sa Iba’t ibang Isyung Panlipunan (Binagong Edisyon) na inilathala ng St. Augustine Publications, Inc. Sa pamamagitan ng pagsipi sa partikular na bahagi ng aklat, tuwirang inilalantad at itinuturo ni Badoy ang isang akademiko sa politikal na paratang at publikong red-tagging.

Kinukundena ng Departamento ng Humanidades ang panibago sa hindi natatapos na tirada at red-tagging ni Lorraine Badoy at mga kauri nito. Si Dr. Zafra ay kasaping fakulti ng Dibisyon ng Wika - DHUM at isa sa mga masusugid na g**o at tagapagtanggol ng wika.

Ang isang tekstong tumatalakay sa kawalan ng trabaho, kalagayan ng mga manggagawa, migrasyon, kahirapan, at/o iba pang suliraning panlipunan ay hindi pagpapahayag ng pagiging kasapi ng anumang organisasyong politikal. Nararapat na pag-aralan at pag-usapan sa loob ng mga paaralan at pamantasan ang ganitong mga paksa. Bahagi ng awtentikong pagkatuto ang paglalantad sa mga mag-aaral sa iba’t ibang teksto, pananaw, at usaping panlipunan upang matutuhan nilang magsuri, magtanong, at bumuo ng sarilin pag-unawa.

Ang red-tagging ay malinaw na hindi makabuluhang diskurso. Ang gawaing ito ay nagdudulot ng panganib sa mamamayan at nagbabanta sa dapat ay malayang katangian ng mga akademya at institusyong pang-edukasyon.

Naninindigan kami sa Departamento, kasama si Dr. Zafra, para sa patuloy na pagganap ng mga akademiko sa kanilang tungkuling magturo, manaliksik, magsulat, at magpaunlad ng kritikal na pag-iisip. Mabuhay ang mapagpalayang edukasyon!

29/09/2026

𝑾𝒊𝒌𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒍𝒂𝒚, 𝒌𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒌𝒊𝒍𝒂𝒏𝒍𝒂𝒏

Tara at makiisa sa 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗪𝗘𝗕𝗜𝗡𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗟𝗜𝗡: “𝑆𝑎𝑙𝑖𝑛-𝑊𝑖𝑘𝑎, 𝑆𝑎𝑙𝑖𝑛-𝐾𝑢𝑙𝑡𝑢𝑟𝑎”, ngayong 𝑖𝑘𝑎-29 𝑛𝑔 𝑆𝑒𝑡𝑦𝑒𝑚𝑏𝑟𝑒 2026 alas 8:30 n.u hanggang 12 n.t.

Ito'y isang pagkakataon upang matuto, makibahagi, at magkaroon ng mas malalim na maunawaan kung paano nagiging tulay ang pagsasalin sa pag-uugnay ng wika, kultura, at mga tao.

Hatid sa pakikipagtulungan ng 𝘚𝘦𝘯𝘵𝘳𝘰 𝘯𝘨 𝘞𝘪𝘬𝘢, 𝘒𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢, 𝘢𝘵 𝘗𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘪𝘯, 𝘋𝘦𝘱𝘢𝘳𝘵𝘢𝘮𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰, 𝘕𝘊𝘓𝘛-𝘕𝘊𝘊𝘈, 𝘓𝘎𝘜-𝘊𝘦𝘣𝘶 𝘊𝘪𝘵𝘺 at KASALIN - Visayas Cluster.

Libre na, makabuluhan pa! Kaya, huwag kalimutang magparehistro sa ating registration form upang makadalo sa webinar!

Google Form:
https://forms.gle/4gFrwvDZrSLm2Hym8

Zoom Link:
https://zoom.us/j/95381574995?pwd=I7rY6KexLru9QnAPUoWIqfo7BMa877.1

Kitakits at sama-sama nating pahalagahan ang wika at kulturang atin. 🇵🇭

28/09/2026

The UP Diliman Committee on the Protection of Academic Freedom and Human Rights issued a statement condemning the continuous red-tagging, harassment, and intimidation of UP constituents by NTF-ELCAC and other state forces.

‼️Bagong publikasyon ‼️Pagbati kina Prop. Rommel Rodriguez, PhD at Prop. Michael Francis Andrada, PhD sa paglabas ng “20...
23/09/2026

‼️Bagong publikasyon ‼️

Pagbati kina Prop. Rommel Rodriguez, PhD at Prop. Michael Francis Andrada, PhD sa paglabas ng “2020 Ang Hinahanap sa Isang Iglap (Mga Dagli)”

Address

Quezon City
1101

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas:

Shortcuts

Share