31/10/2026
[ MEETING HIGHLIGHTS ]
Ang isang makabuluhang pagdiriwang ay nagsisimula sa pagkakaisa, maayos na pagpaplano, at sama-samang pagkilos!
Sa pangunguna ng University Student Council (USC), pinangunahan ni Hon. Jairus Jireh DC. Sayson, kasama ang mga Local Student Council (LSC), ang pagpupulong na ginanap noong October 29, 2026, sa USC Office, Student Center, bilang paghahanda para sa nalalapit na PASKUHAN 2026.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga paghahanda at pagpaplano, mga panukalang aktibidad at programa, pagtatalaga ng mga gawain at responsibilidad, at koordinasyon sa pagitan ng USC at LSC upang matiyak ang maayos at matagumpay na pagsasagawa ng pagdiriwang.
Higit pa sa paghahanda para sa isang selebrasyon, layunin ng pagpupulong na palakasin ang pagkakaisa, komunikasyon, at pagtutulungan ng bawat konseho upang makapaghatid ng isang makabuluhan at masayang pagdiriwang para sa buong komunidad ng BASC.
Sa PASKUHAN 2026, ang bawat ideya, ambag, at sama-samang pagkilos ay mahalagang bahagi ng pagbuo ng isang pagdiriwang na puno ng saya at diwa ng paglilingkod.
Sama-samang magplano, magkaisa, at maghatid ng isang PASKUHAN na hindi malilimutan!