Samahan ng mga Mag-aaral sa BA Filipino MSU GenSan

Call Directions Contact the university

Samahan ng mga Mag-aaral sa BA Filipino MSU GenSan Maligayang pagdating sa opisyal na pahina ng Samahan ng mga Mag-aaral sa BA Filipino, MSU - GenSan.

𝗦𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗜𝗦𝗛𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧 | 𝗔.𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟱-𝟮𝟬𝟮𝟲Buong pagpupugay na inihahayag sa inyo ng S...
28/09/2026

𝗦𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗜𝗦𝗛𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧 | 𝗔.𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟱-𝟮𝟬𝟮𝟲

Buong pagpupugay na inihahayag sa inyo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa BA Filipino ang Accomplishment Report para sa panuruang taon 2025-2026.

Kalakip nito ang mga naisakatuparan inisyatibo, programang naitaguyod, at mga hakbanging naging bahagi ng patuloy na paglilingkod ng samahan sa mga Makata. Bawat gawaing naitala ay sumasalamin sa sama-samang pagkilos, pananagutan, at malasakit na inilaan para sa ikabubuti ng lahat sa atin.

Lagi't laging para sa wika, panitikan, at bayan. Basta Makata, Pag-on!

-on

Ang Samahan ng mga Mag-aaral sa BA Filipino ay nakiisa sa panawagang panatilihin at itaguyod ang ligtas at inklusibong e...
27/09/2026

Ang Samahan ng mga Mag-aaral sa BA Filipino ay nakiisa sa panawagang panatilihin at itaguyod ang ligtas at inklusibong espasyo sa cyberspace.

Report MSU-GenSan page now!

𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬: 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐫𝐢𝐜 𝐅𝐚𝐧It's a wrap!! North Pole sa lamig? Naurrrr nasa MS ka lang phoee.😭😭😭Sa pangunguna...
22/09/2026

𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬: 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐫𝐢𝐜 𝐅𝐚𝐧

It's a wrap!! North Pole sa lamig? Naurrrr nasa MS ka lang phoee.😭😭😭

Sa pangunguna ng tagapangulo ng Komite sa Pisikal na Proyekto at Pag-unlad, Chrisjulianne Lincuna, at Angelie Panto at Eric Taño, katuwang at miyembro ng komite, naisakaturapan ang pag-install sa dalawang wall fan sa loob ng Filipino Kiosk. Katuwang ng mga opisyales ang mga butihing personnel mula sa PPD ng Mindanao State University – GenSan, upang bigyan ng presko at komportableng lunan ang bawat isa sa atin.

Lagit laging para sa mga Makata.



-on

22/09/2026

𝐒𝐓𝐀𝐓𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐒𝐎𝐋𝐈𝐃𝐀𝐑𝐈𝐓𝐘

𝗦𝗧𝗢𝗣 𝗔𝗟𝗟 𝗙𝗢𝗥𝗠𝗦 𝗢𝗙 𝗖𝗬𝗕𝗘𝗥𝗕𝗨𝗟𝗟𝗬𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗗 𝗛𝗔𝗥𝗔𝗦𝗦𝗠𝗘𝗡𝗧!

We, the Supreme Student Council of MSU General Santos, express our strongest solidarity with all student leaders and advocates facing malicious online threats, harassment, and intimidation.

Voicing out for justice, standing up for human rights, and advocating for the safety and welfare of students and the community are never crimes. Silencing student leaders through cyberbullying, harassment, and cowardly threats is a direct attack on free speech, democratic rights, and the safety of youth advocates.

We vehemently condemn these online attacks and all forms of cyberbullying, harassment, and digital intimidation. Harassment in any form, whether online or offline, is outright wrong, toxic, and unacceptable. No individual should ever be subjected to targeted abuse, malicious trolling, or coordinated threats for speaking out or fulfilling their duties.

We strongly condemn these coordinated harassment campaigns and call on the community to report toxic and abusive online spaces now! Digital safety matters, and we will not allow student spaces to be weaponized for cyberbullying, red-tagging, and targeted intimidation.

We call on the university administration, relevant authorities, and platform administrators to take immediate action to ensure student safety, investigate these threats, and hold perpetrators accountable.

𝗔𝗡 𝗔𝗧𝗧𝗔𝗖𝗞 𝗢𝗡 𝗢𝗡𝗘 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗟𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 𝗜𝗦 𝗔𝗡 𝗔𝗧𝗧𝗔𝗖𝗞 𝗢𝗡 𝗔𝗟𝗟.

We stand resolute with our student community. We will not be cowed into silence.

𝗦𝗧𝗢𝗣 𝗧𝗛𝗘 𝗔𝗧𝗧𝗔𝗖𝗞𝗦! 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡 𝗨𝗣 𝗧𝗢𝗫𝗜𝗖 𝗢𝗡𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗣𝗔𝗖𝗘𝗦! 𝗗𝗘𝗙𝗘𝗡𝗗 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦! 𝗦𝗧𝗔𝗡𝗗 𝗨𝗡𝗜𝗧𝗘𝗗 𝗙𝗢𝗥 𝗝𝗨𝗦𝗧𝗜𝗖𝗘!

𝟯𝗿𝗱 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗪𝗲𝗹𝗹-𝗯𝗲𝗶𝗻𝗴 𝗙𝗼𝗿𝘂𝗺Ang pamumuno ay hindi lamang sining ng pangunguna; ito ay pananagutang...
18/09/2026

𝟯𝗿𝗱 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗪𝗲𝗹𝗹-𝗯𝗲𝗶𝗻𝗴 𝗙𝗼𝗿𝘂𝗺

Ang pamumuno ay hindi lamang sining ng pangunguna; ito ay pananagutang matutong makinig, umunawa, at tumugon sa pangangailangan ng kapwa, higit lalo sa pangangailangan ng sarili.

Dinaluhan nina Kgg. Kieth Lawrence Betonio at Kgg. Sheffra Agatha Manili, Pangulo at Kalihim ng Samahan ng mga Mag-aaral sa BA Filipino (SABFIL), ang 3rd Student Leadership Summit and Well-being Forum na ginanap ngayong araw, ika-18 ng Setyembre 2026 sa Audio-Visual Room (AVR), University Library, Mindanao State University – General Santos.

Naging lunsaran ang pagtitipon upang buksan ang higit na malawak na pag-unawa ng mga student leader sa mukha at pananagutan ng pamumunong higit pa sa posisyon, titulo, at pansariling hangarin. Sa mga talakayan at palitan ng pananaw, binigyang-halaga ang pamumunong may kamalayan sa kapakanan, kagalingan, at dignidad ng mga taong nirerepresenta at pinaglilingkuran, kasabay rin ng pagkilala na ang isang pinuno ay kailangang matutong kumustahin rin sa sarili: suriin ang sariling kalagayang mental at emosyonal, pangalagaan ang kalusugan, at kilalanin ang mga panahong kinakailangang huminto, magpahinga, at humingi ng suporta. Sapagkat hindi ganap na naipagkakaloob ang lakas sa iba kung ang sarili ay patuloy na napapabayaan.

Isinabuhay sa pamamagitan ng community outreach ang diwa ng paglilingkod. Naging kongkretong pagpapamalas ito ng mga transformative initiatives ng Pamantasan at ng patuloy nitong adbokasiya na ilapit ang paglilingkod sa mga pamayanang pinagmumulan nito, sapagkat ang pamumuno ay hindi nagtatapos sa loob ng silid, tanggapan, o institusyon.

-On

Dadanak ang tintang kahel ng mga Makata sa entablado ng Miss MSU sa mukha ng isang Taliba — 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐞𝐯𝐢𝐜 𝐀𝐥𝐝𝐮𝐞𝐳𝐚, Kolehiyo n...
18/09/2026

Dadanak ang tintang kahel ng mga Makata sa entablado ng Miss MSU sa mukha ng isang Taliba — 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐞𝐯𝐢𝐜 𝐀𝐥𝐝𝐮𝐞𝐳𝐚, Kolehiyo ng mga Agham Panlipunan at Humanidades!

Hindi pa tapos ang laban. Ang korona sa Lady Vanguard ay hindi ang rurok ng tagumpay sapagkat may isa pang titulo ang higit na inaasam-asam.

Hindi pa nauubos ang tinta.

Hindi pa sumasara ang tabing.

Basta Vanguards, Kusog!


-on

𝑷𝑯𝑶𝑻𝑶 𝑯𝑰𝑮𝑯𝑳𝑰𝑮𝑯𝑻𝑺 | 𝑷𝒂𝒔𝒊𝒅𝒖𝒏𝒈𝒐𝒈 𝟐𝟎𝟐𝟔Nang nakaraan, idinaos ang Pasidungog 2026 kung saan ay pinarangalan ang mga natatangi...
18/09/2026

𝑷𝑯𝑶𝑻𝑶 𝑯𝑰𝑮𝑯𝑳𝑰𝑮𝑯𝑻𝑺 | 𝑷𝒂𝒔𝒊𝒅𝒖𝒏𝒈𝒐𝒈 𝟐𝟎𝟐𝟔

Nang nakaraan, idinaos ang Pasidungog 2026 kung saan ay pinarangalan ang mga natatanging mag-aaral mula Departamento ng Filipino na nagkamit at nagtamo ng tiyak na marka sa nakaraang semestre. Ginawaran rin ang mga indibidwal na nagbigay dangal sa departamento sa iba't ibang larang, gaya na lamang ng sa isports at pananalilsik.

Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa CSSH Mini Theater ng Pamantasang Mindanao, ika-16 ng Setyembre, 2026.

Muli, pagbati mga Makata! Garbo kayo ng Departamento.

Basta Makata, Pag-on!

𝗢𝗩𝗘𝗥𝗔𝗟𝗟 𝗗𝗘𝗔𝗡'𝗦 𝗟𝗜𝗦𝗧 𝗔𝗧 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗥𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟱-𝟮𝟬𝟮𝟲Isang taos-pusong pagbati sa ating mga natatang...
17/09/2026

𝗢𝗩𝗘𝗥𝗔𝗟𝗟 𝗗𝗘𝗔𝗡'𝗦 𝗟𝗜𝗦𝗧 𝗔𝗧 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗥𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟱-𝟮𝟬𝟮𝟲

Isang taos-pusong pagbati sa ating mga natatanging mag-aaral na nakamit ang Overall Dean’s List dahil sa kanilang patuloy na pagsusumikap, disiplina, at kahusayan sa akademya.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng inyong galing, determinasyon, at kahanga-hangang commitment sa pagkatuto.

Patuloy na maging inspirasyon sa inyong kapwa mag-aaral. Ang pagkilala na ito ay simula pa lamang ng naparami pang tagumpay sa hinahanap. Nawa'y mag-alab ang inyong puso na magpatuloy at magsumikap.

Muli, pagbati sa ating Overall Dean's List!

-on

Address

General Santos City
9500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Telephone

+639816227665

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahan ng mga Mag-aaral sa BA Filipino MSU GenSan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Samahan ng mga Mag-aaral sa BA Filipino MSU GenSan:

Shortcuts

Share