29/10/2026
𝐎𝐍𝐄 𝐈𝐈𝐀𝐈𝐒𝐒𝐎, 𝐌𝐒𝐂𝐎, 𝐒𝐡𝐚𝐒𝐒𝐎, 𝐈𝐑𝐈𝐒, 𝐈𝐒𝐒𝐀, 𝐌𝐔𝐒𝐀 𝐚𝐧𝐝 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐌𝐀𝐆𝐀𝐖𝐈𝐃𝐀 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐨𝐫𝐨
𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐏𝐫𝐤. 𝐈𝐬𝐥𝐚𝐦, 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐃𝐚𝐝𝐢𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬 𝐒𝐨𝐮𝐭𝐡, 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨𝐬 𝐂𝐢𝐭𝐲
Sa isang dapat tahimik na gabi sa Prk. Islam, Barangay Dadiangas South, General Santos City, isang sunog ang nag-iwan sa maraming pamilya ng pangamba, pagkawala, at kawalan ng katiyakan sa kung paano muling magsisimula.
Maraming bahay at negosyo ang natupok ng apoy. Ngunit sa gitna ng trahedyang ito, nanatili ang panawagan ng pagkakaisa, kapatiran, at pagkalinga. Sa diwa ng ating pananampalataya, nawa’y maging daan tayo ng pag-asa para sa mga pamilyang nangangailangan. Hindi dapat maging hadlang ang pagkakaiba, o kawalan ng kakayahan upang tayo ay magmalasakit sa isa’t isa.
Sa ngalan ng pagkakaisa, ang 𝗜𝗜𝗔𝗜𝗦𝗦𝗢, 𝗠𝗦𝗖𝗢, 𝗦𝗵𝗮𝗦𝗦𝗢, 𝗜𝗥𝗜𝗦, 𝗜𝗦𝗦𝗔, 𝗠𝗨𝗦𝗔 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗺𝗮 𝗚𝗮𝘄𝗶𝗱𝗮 ay nagsama-sama upang ipaabot ang ating pakikiisa at tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.
Maaaring nawala ang kanilang mga tahanan, kabuhayan, at mga ari-arian, ngunit hindi dapat mawala ang kanilang pag-asang may komunidad na handang umalalay at tumulong sa kanilang muling pagbangon.
Bilang pagpapahayag ng ating kapatiran, kami ay tumatanggap ng mga sumusunod na donasyon:
• 𝗠𝗼𝗻𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗗𝗼𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀
• 𝗨𝘀𝗲𝗱 𝗖𝗹𝗼𝘁𝗵𝗲𝘀
• 𝗜𝗻-𝗞𝗶𝗻𝗱 𝗗𝗼𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀
Anumang tulong, gaano man kaliit, ay maaaring maging malaking pag-asa para sa mga pamilyang nagsisikap na makabangon mula sa trahedya.
Walang Moro ang dapat maiwan. Walang pamilyang dapat humarap sa sakuna nang nag-iisa.
Sa pagkakaisa, sama-sama tayong babangon.
𝘐𝘐𝘈𝘐𝘚𝘚𝘖 × 𝘔𝘚𝘊𝘖 × 𝘚𝘩𝘢𝘚𝘚𝘖 𝘹 𝘐𝘙𝘐𝘚 𝘹 𝘐𝘚𝘚𝘈 𝘹 𝘔𝘜𝘚𝘈 𝘹 𝘒𝘢𝘱𝘢𝘮𝘢 𝘎𝘢𝘸𝘪𝘥𝘢