27/10/2026
TITIK-TINIG: Wika at AI Tungo sa Mapanuring Kaalaman - Patimpalak sa Malikhaing Paggawa ng Placard
Sa bawat likhang placard, may mensahe. Sa bawat mensahe, may tinig na nag-aanyayang mag-isip, magsuri, at makialam.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, nagtapos ang βTITIK-TINIG: Wika at AI Tungo sa Mapanuring KaalamanββPatimpalak sa Malikhaing Paggawa ng Placard na ginanap noong ika-28 ng Setyembre, 2026 sa pangunguna ng mga instruktor sa Filipino mula DLMC.
Ang timpalak ay nagbigay-daan sa pagpapahayag ng mga ideya hinggil sa wika at AI sa pamamagitan ng sining at makabuluhang mga salita.
Buong galak nating binabati ang mga nagwagi:
Unang Gantimpala β John Mhel S. Paredes (BSIT-1D)
Ikalawang Gantimpala β Vincent Jeremias R. Pascua (BSCS-1D)
Ikatlong Gantimpala β Paula Silann F. Zarate (BSCS-1C)
Pagpupugay sa lahat ng kalahok na nagbahagi ng kanilang pagkamalikhain at pananaw! Nawaβy magpatuloy ang diwa ng timpalak: gamitin ang wika upang magtanong, ang teknolohiya upang magsaliksik, at ang mapanuring pag-iisip upang timbangin ang kaalaman
Tapos na ang timpalak, ngunit patuloy ang tinig ng bawat titik!