24/10/2026
KILALANIN ANG ATING MGA TAGAPAGSALITA PARA SA DAGSIN 3RD QUEST! ๐๐ช
Sa pagpapatuloy ng ating paglalakbay tungo sa mas matatag na pamumuno, makakasama natin ang dalawang dedikadong lider-estudyante na magbabahagi ng kanilang malawak na kaalaman at karanasan upang higit na linangin ang ating kakayahan sa lehislatura, adbokasya, at responsableng paglilingkod sa pamayanan.
1. JEROLBE A. CAPULE
Si Jerolbe A. Capule ay kasalukuyang mag-aaral ng BS Accounting Information System (3rd Year) sa Bulacan State University at isanf Certified Bookkeeper.
Nagsilbi siya bilang Senador at tagapangulo ng Committee Student Groups at Bayanihan Tayo Committee. Sa kasalukuyan, siya ang Vice President at Legislative Branch Head ng BulSU Supreme Student Council, pati na rin National Co-Convenor ng NO to Pax Silica Network.
Bilang pangunahing may-akda ng iba't ibang mahalagang ordinansa at resolusyonโtulad ng Genuine Free Education Network Ordinance, Working Students Coalition Ordinance, at BUKLURAN Ordinanceโibabahagi niya ang kaniyang kaalaman sa pagbuo ng mga policya at programang nakatuon sa kapakanan at karapatan ng bawat mag-aaral.
2. HARLY FRANCISCO
Si Harly Francisco ay kasalukuyang mag-aaral ng Bachelor of Public Administration sa Bulacan State University. May malawak siyang karanasan sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay, inclusivity, at karapatang pang-estudyante. Nagsilbi siya sa iba't ibang kapakipakinabang na posisyon at proyekto sa loob at labas ng pamantasan, at kasalukuyang nagsisilbi rin bilang Consultant sa Office of Rep. Mader Perci Cendaรฑa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa kasalukuyan, siya ay nagsisilbi bilang Main Campus Senator ng BulSU SG Supreme Student Council, Tagapangulo (Chairperson) ng BulSU SG Gender Equality, Diversity, and Inclusion Committee, at Leading Convenor ng Advocates for Rights, Inclusion, and Students Empowerment (ARISE) Network.
Sa pamamagitan ng kanilang pagbabahagi, patuloy nating pagtitibayin ang ating prinsipyo at kakayahan bilang mga lider na hindi lamang mahusay sa pagkilos, kundi may malasakit, integridad, at malinaw na layunin sa bawat tungkulin.
Green Wizards, sama-sama nating ipagpatuloy ang Paglalakbay at patatagin ang DAGSIN: Muog ng Pagkakaisa at Inugnay na Lakas! ๐