28/10/2026
SERBISYO SA TAO, HUWAG GAWING NEGOSYO!
Buong pagmamalaking sinusuportahan ng Lokal na Konseho ng mga Mag-aaral sina Lakan Mikhail James Almazol ng 4D at Lakambini Kirsten Faith Pascual ng 3A sa kanilang pagsabak sa entablado ng adbokasiya, bitbit ang tinig na hindi lamang para sa Kolehiyo ng Pagkalinga, kundi para sa buong hanay ng sektor ng kalusugan.
Mula sa hanay ng mga susunod na Nars ng Bayan, nawa'y maging matalim ang inyong mga salita, matatag ang inyong paninindigan at hindi matinag ang inyong panig a ipaglaban ang karapatan ng bawat isa. Sapagkat sa isang lipunang ang kalusugan ay ginagawang negosyo, nangangailangan ng mga tinig na magpapaalala na ang buhay ay hindi kalakal at ang serbisyong pangkalusugan ay hindi pribilehiyo, kundi karapatan ng bawat mamamayan.
Abangan ang kanilang paunang pagtatanghal at presentasyon ng adbokasiya bukas, Oktubre 29, 2026, sa Valencia Hall.
Itaas ang tinig, patatagin ang paninindigan. Para sa mamamayan, para sa kalusugan, at para sa bayan!
Padayon, Lakan at Lakambini ng Kolehiyo ng Pagkalinga! Ipaglaban ang IskoNars ng Bayan!