Samahan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino (SADAFIL)

Directions Contact the university

Samahan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino (SADAFIL) Opisyal na Pahina ng SADAFIL

Ang Samahan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino o SADAFIL ay ang opisyal na samahan ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa pamamatnubay ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela. Nilalayon ng organisasyon na maipagmalaki at palaganapin ang wika at panitikang Pilipino sa loob at labas ng Pamantasan; magbuklod-buklod upang pangalagaan ang kaniyang karapatan at paglulunsad ng mga makabuluhan, napapanahon at naaangkop na gawaing alinsunod sa mga nilalaman at itinadhana ng saligang batas ng samahan.

𝑩𝒊𝒈𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒂𝒓𝒂𝒘𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝐕𝐀𝐁𝐄 𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕, 𝐌𝐈𝐆𝐔𝐄𝐋 𝐆𝐀𝐁𝐑𝐈𝐄𝐋 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐋𝐎! 🎉💥Hindi maikakaila na isa ka sa mga ...
25/09/2026

𝑩𝒊𝒈𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒂𝒓𝒂𝒘𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝐕𝐀𝐁𝐄 𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕, 𝐌𝐈𝐆𝐔𝐄𝐋 𝐆𝐀𝐁𝐑𝐈𝐄𝐋 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐋𝐎! 🎉💥

Hindi maikakaila na isa ka sa mga nagbibigay 𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠 na laging handang maghatid ng 𝐤𝐚𝐬𝐢𝐲𝐚𝐡𝐚𝐧, 𝐤𝐮𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧, at 𝒈𝒐𝒐𝒅 𝒗𝒊𝒃𝒆𝒔. Ngunit higit sa iyong pagiging masayahin at palabiro, higit naming pinahahalagahan ang 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥, 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚, at malasakit na lagi mong ipinaparamdam sa amin.

Sa kabila ng mga pagsubok at bigat na kinakaharap, may kakayahan kang pagaanin ang lahat sa simpleng presensiya at saya na dala mo. Kaya naman sa espesyal na araw na ito, nais naming ipaalam kung gaano ka namin 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧 at ipinagpapasalamat bilang bahagi ng samahan.

Nawa'y mapuno ng 𝐤𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐡𝐚𝐧, 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥, at masasayang alaala ang iyong kaarawan. Patuloy mong ipalaganap ang saya at liwanag na taglay mo! ✨

Muli, isang mapagpalang kaarawan sa 𝑫𝒊𝒓𝒆𝒌𝒕𝒐𝒓 𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒍𝒂𝒎𝒊𝒏-𝑰𝒏𝒅𝒂𝒌, 𝐌𝐈𝐆𝐒! 🎉🎉🎉




Kapsyon ni G. Benj Albert Onayan
Anyo ni Bb. Jhenphol Arguelles

𝐓𝐔𝐌𝐀𝐓𝐀𝐊 𝐍𝐀 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘, 𝐓𝐈𝐍𝐈𝐆 𝐍𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐈𝐒𝐈𝐊𝐇𝐀𝐘! Isang umaapaw na pagbati sa ating ka-medyor na si 𝗚. 𝗞𝘂𝗿𝘁 𝗣𝗮𝘆𝘂𝗺𝗼 mula sa BSED Fi...
22/09/2026

𝐓𝐔𝐌𝐀𝐓𝐀𝐊 𝐍𝐀 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘, 𝐓𝐈𝐍𝐈𝐆 𝐍𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐈𝐒𝐈𝐊𝐇𝐀𝐘!

Isang umaapaw na pagbati sa ating ka-medyor na si 𝗚. 𝗞𝘂𝗿𝘁 𝗣𝗮𝘆𝘂𝗺𝗼 mula sa BSED Filipino 2-1 sa nagdaang 𝒉𝒐𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒘𝒐𝒓𝒌𝒔𝒉𝒐𝒑 na naganap noong ika-17 ng Setyembre sa 𝑪𝑬𝑰𝑻 𝑳𝒆𝒄𝒕𝒖𝒓𝒆 𝑹𝒐𝒐𝒎 6𝑩, na may temang "𝐈𝐠𝐧𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐮𝐥𝐬𝐞: 𝐈𝐠𝐧𝐢𝐭𝐞 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐈𝐧𝐧𝐞𝐫 𝐘𝐨𝐮 2.0"!✨

Isa siya sa 𝐓𝐎𝐏 5 𝐦𝐨𝐬𝐭 𝐠𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞𝐬𝐭 𝐩𝐞𝐫𝐟𝐨𝐫𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐡𝐨𝐬𝐭 sa mahigit 80 na kalahok mula sa iba't ibang programa at organisasyon ng Pamantasan. 🙌👏

Talagang ibang klase ang talento ng ating mga ka-medyor pagdating sa iba't ibang larangan. Nawa'y mapaghusay pa natin ang lahat sa ganitong mga programa na mas makapagpapayabong pa ng ating natatagong husay at talento.

Muli, pagbati sa 'yo G. Payumo! Ang buong samahan ay sumusuporta sa susunod mo pang paglalakbay tungo sa mas marami pang tagumpay.






Kapsyon ni G. Nhomie Generao
Anyo nina G. Frederick Caringal at Bb. Jay Ann Estilo

𝙳𝚊𝚢 3 Bago pa man maging isang hindi malilimutang alaala, isang umaapaw na pasasalamat ang aming handog sa lahat ng tuma...
22/09/2026

𝙳𝚊𝚢 3

Bago pa man maging isang hindi malilimutang alaala, isang umaapaw na pasasalamat ang aming handog sa lahat ng tumangkilik sa 𝙝𝙪𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙧𝙖𝙬 ng ating 𝐒𝐀𝐃𝐀𝐁𝐎𝐎𝐓𝐇 nitong ika-4 ng Setyembre!

Ramdam ng buong samahan ang pagtanggap sa mga nakaaaliw na produkto mula sa 𝐒𝐀𝐃𝐀𝐌𝐄𝐑𝐂𝐇 at ang saya na hatid ng 𝐒𝐀𝐃𝐀𝐏𝐄𝐑𝐘𝐀! Hindi malilimutan ang bawat ngiti na inyong ipinakita at nawa'y naging makabuluhan ang karanasan na ito. Maraming salamat sa pagmamahal at enerhiyang walang kapantay!

Magkita-kita tayo sa muling pag-arangkada ng 𝐒𝐀𝐃𝐀𝐁𝐎𝐎𝐓𝐇! 🌻💗






Kapsyon ni Bb. Chela Mae Barral
Anyo nina Bb. Jay Ann Estillo at G. Frederick Caringal

Isang pahabol na pagbati para sa 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒓𝒆𝒌𝒕𝒐𝒓 𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒍𝒂𝒎𝒊𝒏 - 𝑰𝒏𝒅𝒂𝒌 ng 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗡𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗱𝗮𝗹𝘂𝗯𝗵𝗮𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 (𝗦𝗔...
22/09/2026

Isang pahabol na pagbati para sa 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒓𝒆𝒌𝒕𝒐𝒓 𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒍𝒂𝒎𝒊𝒏 - 𝑰𝒏𝒅𝒂𝒌 ng 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗡𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗱𝗮𝗹𝘂𝗯𝗵𝗮𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 (𝗦𝗔𝗗𝗔𝗙𝗜𝗟), 𝐆. 𝐃𝐞𝐧𝐢𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝐀𝐠𝐮𝐢𝐥𝐥𝐨𝐧!

Hinihiling ng Samahan na ang panibagong kabanata sa iyong buhay ay magdala ng hindi malilimutang mga aral at karanasan na iyong babaunin tungo sa magandang kinabukasan. Ipagpatuloy mo lamang ang iyong kasipagan, dedikasyon, pagmamahal sa lahat ng iyong gawain sa kabila ng mga hamon ng araw-araw. Patuloy mo ring ipamalas ang iyong natatanging mga talento dahil nakapagbibigay ito ng inspirasyon sa iba.


‎𝓟𝓪𝓭𝓪𝔂𝓸𝓷, 𝓶𝓰𝓪 𝓼𝓾𝓼𝓾𝓷𝓸𝓭 𝓷𝓪 𝓽𝓪𝓷𝓰𝓵𝓪𝔀 𝓷𝓰 𝓴𝓲𝓷𝓪𝓫𝓾𝓴𝓪𝓼𝓪𝓷! 💡📋‎‎Ngayong araw, 𝙎𝙚𝙩𝙮𝙚𝙢𝙗𝙧𝙚 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔, ang araw na itinakda para sa 𝐋𝐢𝐜𝐞...
20/09/2026

‎𝓟𝓪𝓭𝓪𝔂𝓸𝓷, 𝓶𝓰𝓪 𝓼𝓾𝓼𝓾𝓷𝓸𝓭 𝓷𝓪 𝓽𝓪𝓷𝓰𝓵𝓪𝔀 𝓷𝓰 𝓴𝓲𝓷𝓪𝓫𝓾𝓴𝓪𝓼𝓪𝓷! 💡📋
‎
‎Ngayong araw, 𝙎𝙚𝙩𝙮𝙚𝙢𝙗𝙧𝙚 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔, ang araw na itinakda para sa 𝐋𝐢𝐜𝐞𝐧𝐬𝐮𝐫𝐞 𝐄𝐱𝐚𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐏𝐫𝐨𝐟𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫𝐬 (𝐋𝐄𝐓). Buong-pusong sumusuporta ang departamento sa ating mga ka-medyor. Batid namin ang inyong sakripisyo, ang mga buwan ng puspusang pag-aaral, at ang inyong labis na dedikasyon.
‎
‎Dalangin namin ang inyong tagumpay at mahinahong isipan habang sumasagot sa bawat katanungan. Tiwala kami sa inyong kakayahan sapagkat alam naming ibinigay ninyo ang lahat. Sa pagtatapos ng araw na ito, nawa'y baunin ninyo ang pananalig na ang inyong mga pangalan ay opisyal nang madidikitang LPT! 🎓🙏
‎
‎
‎
‎


‎
‎Kapsyon ni Bb. Chela Mae Barral
Anyo ni Bb. Jay Ann Estilo

𝗠𝗮𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻, 𝗚. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗗𝗮𝗿𝗼𝘆!🎉‎Taos-pusong pagbati mula sa buong samahan. Nawa’y patuloy kang pagpalain at gabaya...
19/09/2026

𝗠𝗮𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻, 𝗚. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗗𝗮𝗿𝗼𝘆!🎉

‎Taos-pusong pagbati mula sa buong samahan. Nawa’y patuloy kang pagpalain at gabayan ng Panginoon sa iyong buhay at sa iyong marangal na tungkulin bilang g**o. Maraming salamat sa iyong determinasyon sa pagtuturo at sa patuloy na pagbabahagi ng inyong kaalaman at pagmamahal sa wikang Filipino.

‎Hangad namin ang patuloy mong tagumpay sa bawat hakbang ng iyong buhay. 🤍

‎
‎
‎

Anyo ni Bb. Jay Ann Estilo
Kapsyon ni Bb. Errich Earl P. Miedes

𝗧𝗔𝗚𝗜𝗦𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗜𝗕𝗔 𝗡𝗔! 🧠✨✍️Isang makabuluhan at tagisan ng talinong araw ang naganap nitong 𝐢𝐤𝐚-𝟕 𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 pa...
11/09/2026

𝗧𝗔𝗚𝗜𝗦𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗜𝗕𝗔 𝗡𝗔! 🧠✨✍️

Isang makabuluhan at tagisan ng talinong araw ang naganap nitong 𝐢𝐤𝐚-𝟕 𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 para sa ikalawang taon ng patimpalak na 𝗧𝗔𝗚𝗜𝗦𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗡 ng 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗡𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗱𝗮𝗹𝘂𝗯𝗵𝗮𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 (𝗦𝗔𝗗𝗔𝗙𝗜𝗟) bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔.

Sa temang "𝑰𝒏𝒕𝒆𝒍𝒆𝒌𝒕𝒖𝒘𝒂𝒍𝒊𝒔𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝑾𝒊𝒌𝒂𝒏𝒈 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐 𝒂𝒕 𝑻𝒂𝒍𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝑨𝑰 - 𝑷𝒂𝒈𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈𝒑𝒐 𝒕𝒖𝒏𝒈𝒐 𝒔𝒂 𝑴𝒂𝒚𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒕𝒊𝒔 𝒏𝒈 𝑰𝒎𝒑𝒐𝒓𝒎𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒏𝒂𝒍𝒊𝒌𝒔𝒊𝒌", buong sigasig na nakiisa ang bawat pangkat mula sa una hanggang ikaapat na taon sa tatlong bahagi ng patimpalak na "Madali" na may dalawampung tanong (1 puntos), "Katamtaman" na mayroong labinlimang tanong (3 puntos) at "Mahirap" na may limang katanungan naman (5 puntos). Ilan naman sa mga pangmalakasang "𝒕𝒘𝒊𝒔𝒕" ng aktibidad ang pagkakaroon ng mga tanong na may pagpipilian at wala. Isa pa, nagkaroon din ng mga 𝒃𝒐𝒏𝒖𝒔 𝒒𝒖𝒆𝒔𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 na may kaukulang puntos na maaaring magpadagdag o magpabawas ng kanilang mga puntos. Isa rin sa kapana-panabik na pangyayari ang pagkakaroon ng eliminasyon ng mga pangkat sa tuwing matatapos ang bawat bahagi.

Sa huli, narito ang mga pangkat na nanaig ang talas ng isip pagdating sa pagpapalakas ng wikang Filipino at ang responsableng paggamit ng AI tungo sa makabuluhang impormasyon at pananaliksik:

𝙐𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙪𝙬𝙚𝙨𝙩𝙤:

𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝟰-𝟯 (𝗦𝗮𝗹𝗶𝗺𝗯𝗮𝘆)
𝐆. 𝐂𝐚𝐫𝐥 𝐅. 𝐀𝐠𝐛𝐮𝐲𝐚
𝐁𝐛. 𝐀𝐛𝐢𝐠𝐚𝐢𝐥 𝐏. 𝐁𝐚𝐫𝐨𝐪𝐮𝐢𝐥𝐥𝐨
𝐁𝐛. 𝐉𝐮𝐝𝐢𝐞 𝐌𝐚𝐲 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚

𝙄𝙠𝙖𝙡𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙪𝙬𝙚𝙨𝙩𝙤:

𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝟮-𝟯 (𝗗𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆)
𝐆. 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐌𝐢𝐜𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐂𝐡𝐮𝐚
𝐁𝐛. 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐞𝐥𝐚 𝐎𝐠𝐦𝐚𝐫
𝐆. 𝐊𝐞𝐧𝐭 𝐓𝐮𝐥𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠

𝙄𝙠𝙖𝙩𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙪𝙬𝙚𝙨𝙩𝙤:

𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝟮-𝟭 (𝗦𝗶𝗸𝗵𝗮𝘆𝘂𝗻𝗮)
𝐁𝐛. 𝐒𝐡𝐚𝐧𝐞 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 𝐂𝐚𝐧𝐨
𝐁𝐛. 𝐒𝐨𝐟𝐢𝐚 𝐂𝐮𝐢𝐳𝐨𝐧
𝐆. 𝐉𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐮𝐥 𝐄𝐧𝐝𝐢𝐜𝐨

Pasok naman sa 𝗧𝗔𝗟𝗔𝗦 𝟱 ang mga pangkat ng 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝟮-𝟮 (𝗛𝗶𝗿𝗮𝘆𝗮) at 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝟰-𝟮 (𝗣𝗶𝗻𝗮𝗮𝗱𝘁𝗮𝘄𝗮𝗻).

Buong pusong nagpapaabot ng walang hanggang pasasalamat ang TAGISAMAHAN sa lahat ng mga medyor at pangkat na nakiisa at nakilahok sa aktibidad, sa mga komite, at sa Samahan na nagbigay-tiwala upang maisakatuparan ang gawaing ito.

Sama-sama tayong higit na paunlarin ang intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino kasabay ng nagbabagong panahon. Nararapat din nating tandaan na ang mga kasangkapang umiiral sa kasalukuyan gaya ng AI ay isa lamang "makinarya at "pantulong". Naiiba pa rin karanasan, kultura, talino, at damdamin ng tao. Tayo ay maging responsableng alagad ng wikang Filipino para sa makabuluhang impormasyon at pananaliksik!

𝙃𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙨𝙪𝙨𝙪𝙣𝙤𝙙 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙙𝙞𝙧𝙞𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝘽𝙪𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙒𝙞𝙠𝙖! 💝🔥







Kapsyon ni G. Leonille Buenaventura
Anyo ni Bb. Jay Ann Estilo
Kuhang Larawan ni G. Rich Mendoza at mga Komite ng Tagisamahan 2026

🔊🗣️ 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗚 𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗥𝗜𝗡𝗜𝗚 𝗡𝗔, 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗡𝗧𝗢 𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗜𝗦𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗔! 🏆🙌🏻Isang mainit na pagbati sa inyong lahat, 𝗗𝗘𝗕𝗔𝗧𝗘𝗥𝗦! 🔥Sa mulin...
11/09/2026

🔊🗣️ 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗚 𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗥𝗜𝗡𝗜𝗚 𝗡𝗔, 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗡𝗧𝗢 𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗜𝗦𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗔! 🏆🙌🏻

Isang mainit na pagbati sa inyong lahat, 𝗗𝗘𝗕𝗔𝗧𝗘𝗥𝗦! 🔥

Sa muling pagtalakay sa 𝗔𝗜 𝗮𝘁 𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼, sino nga ba ang tunay na namayagpag? 🤔

Nitong ika-7 ng Setyembre, matagumpay nating naisagawa ang isa sa mga pinakamasiglang talakayan ng Departamento ng Filipino—ang 𝗗𝗜𝗚𝗜𝗣𝗔𝗧𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲! 🎙️⚡

Nagbigay ng boses ang bawat koponan upang maipahayag ang kanilang paninindigan at pag-unawa sa papel ng 𝗔𝗜 sa edukasyon. Ipinamalas ng bawat kalahok ang kanilang husay sa 𝗸𝗿𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝗶𝗶𝘀𝗶𝗽, 𝗸𝗿𝗲𝗮𝘁𝗶𝗯𝗶𝗱𝗮𝗱, at 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁𝘄𝗶𝗿𝗮𝗻. 🧠💡

At matapos ang isang makabuluhang pagtutuos ng mga ideya, narito na ang mga koponang nangibabaw sa DIGIPATAN 2026! 🏆

🥇 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗬𝗘𝗢𝗡 — 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝟰-𝟮
• Andam, Noreen Mae M.
• Layno, Laine Pearl S.
• Pascual, Rayvene C.

🥈 𝗜𝗞𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗪𝗘𝗦𝗧𝗢 — 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝟯-𝟮
• Duyan, Diana Rose D.
• Madrinico, Axle Jhon H.
• Trogue, John Philip E.

🥉 𝗜𝗞𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗪𝗘𝗦𝗧𝗢 — 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝟮-𝟭
• Generao, Nhomie Z.
• Pilapil, J-Lyn P.
• Rufin, Nicole Y.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang nasusukat sa kung sino ang nanguna. Isa rin itong patunay na may mga bagay na hindi basta-basta kayang palitan ng AI—ang 𝗹𝗶𝗸𝗵𝗮𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼, ang 𝗸𝗿𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝗶𝗶𝘀𝗶𝗽, at ang 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗮𝘄𝗮 sa bawat usapin. 🇵🇭🧠

𝗔𝗻𝗴 𝗔𝗜 𝗮𝘆 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴. Makatutulong ito kapag ginamit nang wasto at responsable—ngunit tulad ng anumang kasangkapan, nasa atin pa rin kung paano natin ito gagamitin. 🤖💭

Muli, 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗗𝗘𝗕𝗔𝗧𝗘𝗥𝗦! 🏆👏🏻

𝗦𝗔𝗟𝗨𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡! 🎙️🔥

𝗔𝗻𝘆𝗼 𝗻𝗶: 𝗕𝗯. 𝗝𝗮𝘆 𝗔𝗻𝗻 𝗕. 𝗘𝘀𝘁𝗶𝗹𝗼
𝗞𝗮𝗽𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶𝗻𝗮: 𝗕𝗯. 𝗡𝗶𝗰𝗼𝗹𝗲 𝗟𝗲𝗼𝗻𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗮𝘁 𝗞𝘂𝗿𝘁 𝗣𝗮𝘆𝘂𝗺𝗼
‎

𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗚 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬! 🏆✨Sa bawat salitang isinulat, may kaisipang ipinahayag. Sa bawat kaisipang...
11/09/2026

𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗚 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬! 🏆✨

Sa bawat salitang isinulat, may kaisipang ipinahayag. Sa bawat kaisipang ipinahayag, may kaalamang naibahagi. At ngayon, ating bibigyang-pugay ang mga tinig na namukod-tangi sa “𝐒𝐚𝐧 (𝐀𝐈)-𝐒𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐮𝐛𝐮𝐧𝐲𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐌𝐠𝐚 𝐃𝐚𝐧𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐀𝐫𝐭𝐢𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐃𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐓𝐢𝐧𝐢𝐠 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧”, isang patimpalak na nagbigay-daan upang pagtagpuin ang wikang Filipino, pananaliksik, karanasan, at makabagong teknolohiya.

Nasaksihan ang sandali ng pagkilala sa mga kalahok na nagpakita ng husay sa pagsulat, lalim ng pag-iisip, at makabuluhang paggamit ng wika sa panahon ng artipisyal na dunong.

🥇𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗻𝘁𝗶𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮
Kurt Janmar J. Payumo | FILIPINO 2-1
𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 ✍︎

🥈𝗜𝗸𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗻𝘁𝗶𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮
Joelyn B. Gallardo | FILIPINO 3-1
𝐊𝐚𝐥𝐮𝐥𝐮𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐀𝐥𝐠𝐨𝐫𝐢𝐭𝐦𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐁𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐬𝐢 𝐚𝐭 𝐓𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐢𝐠𝐝𝐢𝐠 𝐧𝐠 𝐀𝐈 ✍︎

🥉𝗜𝗸𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗻𝘁𝗶𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮
John Aries B. Yusay | FILIPINO 4-1
𝐓𝐢𝐧𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐇𝐢𝐥𝐚𝐭𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐄𝐲𝐀𝐲 ✍︎

⭐𝗞𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗻𝗴𝗴𝗶𝘁
James B. De Rafael | FILIPINO 3-2
𝐌𝐚𝐲 𝐊𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐀𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐏𝐞𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐠𝐨𝐭! ✍︎

Keila Maxielle S. Ragay | FILIPINO 4-4
𝐌𝐀𝐋(𝐀𝐈)𝐘𝐀 𝐍𝐆𝐔𝐍𝐈𝐓 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐋𝐈𝐋𝐈𝐓𝐎:
𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍, 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍, 𝐈𝐓𝐔𝐑𝐎 𝐌𝐎 𝐒𝐀 𝐀𝐊𝐈𝐍, 𝐊𝐔𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐎𝐓𝐎𝐎 ✍︎

Higit sa medalya, sertipiko, at gantimpala, ang pagkilalang ito ay patunay na ang isang panulat na may layunin ay maaaring maging tinig ng kaalaman at salamin ng panahon.

𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗴𝘄𝗮𝗴𝗶, 𝗯𝗶𝗻𝗮𝗯𝗮𝘁𝗶 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗼!





ᴀɴʏᴏ ɴɪ : ᴀʟᴍᴇᴅᴏʀ, ᴀʟʟʏꜱᴀ ᴍᴀʀɪᴇ
ᴋᴀᴘꜱʏᴏɴ ɴɪ : ᴍᴜʏᴜᴇʟᴀ, ᴀɴɴ ᴍᴀʀɪᴇ

‎𝐒𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐠𝐩𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐀𝐈 𝐚𝐭 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐥𝐠𝐨𝐫𝐢𝐭𝐡𝐦, 𝐧𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐫𝐚𝐝𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 🤖✨‎‎Isang malak...
11/09/2026

‎𝐒𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐠𝐩𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐀𝐈 𝐚𝐭 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐥𝐠𝐨𝐫𝐢𝐭𝐡𝐦, 𝐧𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐫𝐚𝐝𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 🤖✨
‎
‎Isang malaking 𝙥𝙖𝙨𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 at mainit na 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙖𝙩𝙞 sa lahat ng mga mag-aaral na buong-pusong lumahok at nagbahagi ng kanilang talento sa patimpalak ng 𝑷𝒊𝒕𝒊𝒌-𝑲𝒖𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐! Ang inyong mga likha ay patunay na ang malikhaing pag-iisip ng kabataan ay walang hangganan.
‎
‎Sa ilalim ng temang "𝑷𝒊𝒕𝒊𝒌-𝑲𝒖𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐: 𝑫𝒂𝒍𝒖𝒎𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝑻𝒓𝒂𝒅𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏, 𝑨𝑰, 𝒂𝒕 𝑰𝒏𝒐𝒃𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝑩𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝑯𝒆𝒏𝒆𝒓𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏," ipinamalas ng bawat isa kung paano nagiging tulay ang makabagong teknolohiya upang mas mapayaman at maisulong ang ating kultura at wika sa modernong panahon. ‎Lahat kayo ay nagwagi sa pagpapanatili ng buhay na sining! 👋🎉
‎
‎At ngayon, buong galak naming ipinakikilala ang mga nangingibabaw at nagkamit ng parangal ngayong taon:
‎
‎🏆 𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨:
‎𝑭𝒓𝒆𝒏𝒄𝒊𝒔 𝑫𝒂𝒊𝒔𝒚 𝑴. 𝑪𝒂ñ𝒆𝒕𝒆 (𝟑-𝟏)
‎𝑹𝒐𝒄𝒉𝒆𝒍𝒍𝒆 𝑪𝒂𝒃𝒂𝒓𝒖𝒃𝒊𝒂𝒔(𝟒-𝟐)
‎
‎🥈 𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨
‎𝑺𝒄𝒉𝒂𝒊 𝑴𝒊𝒄𝒉𝒊 𝑮. 𝑴𝒂𝒕𝒔𝒖𝒖𝒓𝒂 (𝟒-𝟏)
‎
‎🥉 𝐈𝐤𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨
‎𝑺𝒂𝒎𝒓𝒊𝒂𝒏𝒂 𝑴𝒚𝒓𝒊𝒏 𝑬𝒄𝒂𝒎𝒊𝒏𝒂 (𝟑-𝟐)
‎
‎𝑀𝑢𝑙𝑖, 𝑠𝑎𝑙𝑢𝑑𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡! 𝐼𝑝𝑎𝑔𝑝𝑎𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑙𝑖𝑘ℎ𝑎, 𝑝𝑎𝑔-𝑖𝑚𝑏𝑒𝑛𝑡𝑜, 𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑔-𝑎𝑙𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑔𝑚𝑢𝑙𝑎𝑛 𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑒𝑘𝑛𝑜𝑙𝑜ℎ𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑘𝑎𝑠! 🇵🇭💡
‎
‎
‎
‎
‎
‎
‎

Address

Pamantasan Ng Lungsod Ng Valenzuela
Valenzuela
0441

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino (SADAFIL) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Samahan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino (SADAFIL):

Shortcuts

Share

Nearby universities