22/10/2026
The 12th Commemoration of Jennifer Laude and Honoring Trans Lives for Justice
Ngayong gabi, sama-sama nating ginugunita si Jennifer Laude o mas kilala bilang Ganda, isang Pilipinang trans woman na marahas na pinaslang noong Oktubre 11, 2014.
Sa paggunita sa kanyang buhay at sa iba pang mga trans na naging biktima ng karahasan, muli nating inihahayag ang panawagan para sa hustisya, dignidad, at kaligtasan ng bawat isa. Hindi lamang ito pag-alala sa isang trahedya, kundi pagkilala sa patuloy na pakikibaka laban sa transfemicide, transphobia, at misogyny.
Hindi dapat maging dahilan ng karahasan ang pagkatao ng sinuman. Ang pag-alala kay Ganda ay paninindigan ding walang trans na dapat pang mawalan ng buhay dahil lamang sa kung sino sila.
Hindi malilimutan. Hindi isasantabi. Patuloy na mananawagan para sa hustisya.
PROTECT THE DOLLS!
PROTECT TRANS LIVES!