21/10/2026
𝘾𝘽𝙀𝘼, 𝙎𝙞𝙣𝙞𝙢𝙪𝙡𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙐𝙣𝙖𝙣𝙜 𝘼𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙎𝙥𝙤𝙧𝙩𝙨 𝙁𝙚𝙨𝙩 2026
Pormal na sinimulan ng 𝘾𝙤𝙡𝙡𝙚𝙜𝙚 𝙤𝙛 𝘽𝙪𝙨𝙞𝙣𝙚𝙨𝙨, 𝙀𝙣𝙩𝙧𝙚𝙥𝙧𝙚𝙣𝙚𝙪𝙧𝙨𝙝𝙞𝙥 𝙖𝙣𝙙 𝘼𝙘𝙘𝙤𝙪𝙣𝙩𝙖𝙣𝙘𝙮 (𝘾𝘽𝙀𝘼) ang CBEA Sports Fest sa pangunguna ng CBEA Student Leadership Council (CSLC) sa Padre Pio Building, kung saan isinagawa ang dalawang paligsahan, 𝘾𝙝𝙚𝙨𝙨 𝙖𝙩 𝙈𝙤𝙗𝙞𝙡𝙚 𝙇𝙚𝙜𝙚𝙣𝙙𝙨 (𝙈𝙇) bilang bahagi ng pagpili ng mga manlalaro na kakatawan sa organisasyon sa nalalapit na 𝙇𝘾𝙐𝙋 𝙄𝙣𝙨𝙩𝙞𝙩𝙪𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙎𝙥𝙤𝙧𝙩𝙨 𝙁𝙚𝙨𝙩.
Sa unang araw ng kompetisyon, isinagawa ang bracketing at ang laban sa chess at ML upang matukoy ang mga magwawagi sa bawat kategorya.
Sa chess, nagharap sa championship match ang mga kalahok na sina Rhian Cyrel Aquino at Kirsten Faith Bautista sa kategoryang pambabae, habang sina John Niño Asuncion at Michael Lawrence Bernal sa kategoryang panlalaki.
Itinanghal na kampeon sa chess girls si Rhian Cyrel Aquino, habang kinilala bilang first runner-up si Kirsten Faith Bautista. Nagwagi naman bilang kampeon si John Niño Asuncion sa kategoryang panlalaki, habang nakuha ni Michael Lawrence Bernal ang titulong first runner-up.
Nagwagi naman sa larangan ng Mobile Legends ang pangkat na binubuo nina Erol John Pinlac, Clervin Dane Arnedo, Mark Lawrence Lopez, Arjhae Gonzales, at Ranniel Benipayo matapos ang isinagawang bracketing at mga laban sa esports competition.
Ang mga nagwagi sa chess at Mobile Legends ang magiging kinatawan ng organisasyon ng CBEA sa kani-kanilang kategorya sa nalalapit na LCUP Institutional Sports Fest.
Layunin ng aktibidad na mailabas at maibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan, estratehiya, talino, at sportsmanship bilang kinakatawan sa kani-kanilang katergorya.
Samantala, magpapatuloy ang ikalawang araw ng CBEA Sports Fest sa susunod na Miyerkules, na nakatuon naman sa mga pisikal na palakasan, kabilang ang basketball, volleyball, table tennis, at badminton.
Sa pagpapatuloy ng CBEA Sports Fest, inaasahang mas marami pang CBEAns ang makikilahok, magpapamalas ng kanilang galing at disiplina bilang katawanin ng CBEA sa nalalapit na institutional sports competition.
Isinulat ni: Avril Ashanti Clemente
Inilapat ni: Yannah Garcia