UP SLIS Student Council

Directions Website Contact the university

UP SLIS Student Council Konseho ng mga Mag-aaral ng Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon ng Unibersidad ng Pilipinas (2026–2027)

UP SLIS Student Council, A.Y. 2024-2025

CHAIRPERSON
Sen Dylayn Bantigue

VICE CHAIRPERSON
Kristen Belle Tamondong

COUNCILORS
Jaina Rhys Rodriguez
Jean Karlo Sioson
Patricia Cementina
Jerome Emmanuel Ugalino
Alyssa Louise Versoza

SLIS REPRESENTATIVE TO THE USC
Francis Xenia Regala

SLIS REPRESENTATIVE TO THE UFC
Keon Anjel Joven

Noong Setyembre 21, 2026, matagumpay na isinagawa ng University of the Philippines School of Library and Information Stu...
23/09/2026

Noong Setyembre 21, 2026, matagumpay na isinagawa ng University of the Philippines School of Library and Information Studies Student Council ang educational discussion na Suriin at Sariwain na may temang "Archives, Erasure, and Memory: Information and Documentation in Remembering Martial Law" bilang pag-alala sa ika-54 na taon mula nang ideklara ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr. ang Batas Militar sa Pilipinas. Sa diskusyong ito, nakatuon ang pokus sa papel ng mga librarian noong panahon ng Batas Militar.

Nagsilbing tagapagsalita si Professor Iyra Buenrostro-Cabbab, PhD, kung saan tinalakay niya ang lihim na pag-aalaga ng mga librarian sa mga information materials, handbills, leaflets, at pamphlets na naging Philippine Radical Paper. Idiniin niya rin ang papel ng mga librarian bilang mga indibidwal na nangangala ng mga kaalaman at kahalagahan ng mga sulat at libro kung saan sila ang mga naging aktibista sa paninigurado na ingatan ang mga impormasyon sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa panahon ng Batas Militar.

Lubos na nagpapasalamat ang UP SLIS SC sa lahat ng dumalo sa talakayang ito. Maraming salamat din sa U.P. School of Library and Information Studies Library at sa UPSLIS sa kanilang suporta mula sa pagpaplano hanggang sa pagsasagawa ng diskusyong ito. Hangad ng konseho na makatulong ang inisyatibong ito bilang paraan ng pag-alala sa madilim na kabanata ng kasaysayan ng Pilipinas sa kabila ng pagkalat ng disimpormasyon at pagbaluktot ng kasaysayan. Tandaan natin na bahagi ang pagkilala sa nakaraan tungo sa pagtataguyod ng ating kinabukasan.

Ukitin sa isip, harapin, at patuloy na alalahanin.



𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗞𝗢𝗥𝗔𝗣𝗦𝗬𝗢𝗡Kaisa ang humigit 40 mag-aaral mula sa Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon s...
23/09/2026

𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗞𝗢𝗥𝗔𝗣𝗦𝗬𝗢𝗡

Kaisa ang humigit 40 mag-aaral mula sa Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon sa naganap na Black Friday Protest noong ika-18 ng Setyembre 2026 upang kundenahin ang walang tigil na katiwalian at pang-aabuso ng kapangyarihan ng pamahalaan.

Bitbit ng mga Librarian ng Bayan ang mga panawagan laban sa pangungurakot, budget cuts, at pagpapatayo ng mga imprastrakturang tila walang pakinabang kundi sirain ang ating mga lupang ninuno at pabigatin ang lumalalang krisis pangklima. Sumasalamin sa mga karatulang ito ang tungkulin bilang mga tagapangalaga ng impormasyon na pumanig sa taumbayan, paigtingin ang tinig ng masa, at singilin ang mga sistema at nasa kapangyarihang bumabaon sa katotohanan at tumataliwas sa kanilang obligasyong pagsilbihan nang tapat ang sambayanang Pilipino.

Tapusin ang SLIS Building at UPD Main Library!
Pondo sa silid-aklatan, hindi sa Pax Silica!
Lahat ng sangkot, dapat managot!

𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻! ✊



𝗦𝗨𝗥𝗜𝗜𝗡 𝗔𝗧 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗪𝗔𝗜𝗡: 𝗜𝗞𝗔-𝟱𝟰 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦Limampu't apat na taon na ang nakalipas mul...
17/09/2026

𝗦𝗨𝗥𝗜𝗜𝗡 𝗔𝗧 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗪𝗔𝗜𝗡: 𝗜𝗞𝗔-𝟱𝟰 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦

Limampu't apat na taon na ang nakalipas mula nang ipinatupad ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr. ang Batas Militar sa Pilipinas, at patuloy ang ating paninindigan na balikan, pag-aralan, at alalahanin ang madilim na yugtong ito sa ating kasaysayan.

Sa kabila ng mga pagtatangkang baguhin at burahin ang katotohanan, marapat na pangahalagahan ang mga memorya ng nakaraan upang tiyak ang paghatid ng hustisya sa mga biktima ng karahasan sa politika. Mula sa mga arkibo at litratong tumitibok para sa mga matagal nang lumipas, hanggang sa mga memoryang sumasalamin sa mas malawak na imbakan ng karapatang pantao at karanasan, halina't pagnilayan ang papel ng impormasyon at dokumentasyon sa pagpreserba ng mga karanasang ito.

Inaanyayahan ng Konseho ng mga Mag-aaral ng UP School of Library and Information Studies (UP SLIS) ang lahat na dumalo at makibahagi sa "𝗦𝘂𝗿𝗶𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗦𝗮𝗿𝗶𝘄𝗮𝗶𝗻" na may temang "𝗔𝗿𝗰𝗵𝗶𝘃𝗲𝘀, 𝗘𝗿𝗮𝘀𝘂𝗿𝗲, 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝘆: 𝗜𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗼𝗰𝘂𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝗥𝗲𝗺𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗮𝗹 𝗟𝗮𝘄" na magsisilbing isang makabuluhang talakayan bilang pag-alala sa ika-54 na taon na deklarasyon ng Batas Militar sa Pilipinas.

📅 Ika-21 ng Setyembre 2026 (Lunes)
🕐 1:30 N.H. — 4:30 N.H.
📍SOLAIR, Room 10, Bonifacio Hall

Maaaring magrehistro gamit ang link na nakatala sa ibaba:
🔗 https://forms.gle/sCyi6qobxVhLG5Su8
🔗 https://forms.gle/sCyi6qobxVhLG5Su8
🔗 https://forms.gle/sCyi6qobxVhLG5Su8

Inorganisa ng Konseho ng mga Mag-aaral ng UP SLIS kasama ang UPSLIS

Ukitin sa isip, harapin, at patuloy na alalahanin.



📢 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞 𝗙𝗥𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗦𝗧Nagpaabot ng endorsement si Dekana Rhea Rowena U. Apolinario ng UP School of Library and Informati...
16/09/2026

📢 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞 𝗙𝗥𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗦𝗧

Nagpaabot ng endorsement si Dekana Rhea Rowena U. Apolinario ng UP School of Library and Information Studies sa gaganaping Black Friday Protest ngayong Biyernes, Setyembre 18, 2026.

📍 10:30 AM | Cluster Actions @ Plaridel Hall
📍 11:00 AM | AS Steps

Kaisa ang UP SLIS sa panawagan para sa pananagutan, transparency, at pagtugon sa mga suliraning kinahaharap ng ating bayan at pamantasan.

Makiisa. Manindigan. Magmulat.


𝗨𝗣 𝗦𝗟𝗜𝗦 𝗦𝗖 ‘𝟮𝟲-’𝟮𝟳 𝗢𝗔𝗧𝗛𝗧𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 ✋📄Baon ang pangakong mamuno nang may paglilingkod, puso, at dangal, opisyal nang nanumpa a...
11/09/2026

𝗨𝗣 𝗦𝗟𝗜𝗦 𝗦𝗖 ‘𝟮𝟲-’𝟮𝟳 𝗢𝗔𝗧𝗛𝗧𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 ✋📄

Baon ang pangakong mamuno nang may paglilingkod, puso, at dangal, opisyal nang nanumpa ang mga bagong itinalagang pinuno ng Konseho ng Mag-aaral ng Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon para sa Akademikong Taon 2026–2027 noong Agosto 24, 2026.

Bago ito, nagkaroon ng isang pagpupulong na pinangunahan ni Chairperson Ethan Manaloto, kasama ang kagalang-galang na Dekana Dr. Rhea Rowena Apolinario at Kalihim ng Kolehiyo Mark Anthony Santos, upang magpakilala ang bagong Konseho at talakayin ang mga nakaraang inisyatibo at kasalukuyang plano ng Konseho para sa kinabukasan ng komunidad ng SLIS. Matapos ng pagpupulong ay nanumpa na sa tungkulin ang mga naitalagang pinuno ng Konseho sa harap ni Dekana Apolinario at Kalihim ng Kolehiyo Santos.

Buong-pusong nangangako ang Konseho ng Mag-aaral na paglingkuran ang interes ng pamayanang SLIS, itaguyod ang pakikibaka para sa tunay na kinatawan ng mag-aaral, at pairalin ang isang inklusibong komunidad na pinahahalagahan ang karapatan at kapakanan ng bawat isa.

Lagi’t lagi para sa komunidad ng SLIS!



"

CALL FOR BAIL SUPPORT | Nangangailangan ng agarang tulong ang dalawa nating mga kapwa Iskolar ng Bayan, kasama ng tatlo ...
10/09/2026

CALL FOR BAIL SUPPORT | Nangangailangan ng agarang tulong ang dalawa nating mga kapwa Iskolar ng Bayan, kasama ng tatlo pang ibang mga paralegal, na iligal na hinuli ng PNP sa isinagawang iglap-protesta laban sa Pax Silica sa hindi malinaw na dahilan.

Para sa mga nais magbigay ng tulong, mangyari lamang na i-scan ang QR Code sa ibaba para sa pinansyal na tulong.

Kailanman ay hindi mali ang irehistro ang panawagan laban sa banta ng imperyalismo sa bisa ng Pax Silica.




𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶, 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻! 🎉Ang tagumpay na ito ay bunga ng inyong tiyaga, paghahanda, at determinasyong ha...
08/09/2026

𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶, 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻! 🎉

Ang tagumpay na ito ay bunga ng inyong tiyaga, paghahanda, at determinasyong harapin ang hamon ng licensure examination. Sa bawat oras ng pag-aaral, bawat pagsubok, at bawat sandaling pinili ninyong magpatuloy, unti-unti ninyong nilapit ang inyong mga sarili sa araw na ito.

Ngayong nakamit na ninyo ang inyong lisensya, panibagong yugto naman ang inyong haharapin bilang mga propesyonal na maglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng kaalaman, impormasyon, at librarianship.

At sa mga naghintay para sa kanilang pangalan ngunit hindi ito nakita sa listahan, nararamdaman namin kayo. Hindi nito inaalis ang inyong karangalan, kakayahan, at pagiging isang librarian ng bayan. Hindi nababawasan ng isang resulta ang lahat ng inyong pinagdaanan at natutuhan. May pagkakataon para magpahinga, magpatuloy, at muling sumubok.

Sa araw na ito, ipagdiwang natin ang mga nakamit ang lisensya at yakapin naman ang mga patuloy na lumalaban. Ang bawat isa ay bahagi ng ating komunidad, at bawat paglalakbay ay karapat-dapat kilalanin.

Malugod na pagbati, mga Bagong Librarian ng Bayan! Nawa’y maging makabuluhan ang inyong paglilingkod sa propesyon at sa bayan.


Matapos ang Paanyaya para sa Aplikasyon at Nominasyon noong Agosto 25–Agosto 29, 2026, nakatanggap ang Konseho ng tatlon...
01/09/2026

Matapos ang Paanyaya para sa Aplikasyon at Nominasyon noong Agosto 25–Agosto 29, 2026, nakatanggap ang Konseho ng tatlong (3) aplikasyon para sa posisyon ng SLIS Representative to the University Freshie Council (UFC), at isang (1) aplikasyon para sa posisyon ng FST Core Liaison. Ang mga aplikante ay dumaan sa onlayn na panayam at ipinahiwatig ang kanilang kusang-loob na pagpayag sa parehas na posisyon ng SLIS Representative to the UFC at FST Core Liaison. Sinundan ito ng deliberasyon na pinangunahan ng UP SLIS SC noong Agosto 31, 2026.

Kaugnay nito, mainit na binabati ng Konseho ang mga bagong naitalaga na SLIS Representative to the UFC at FST Core Liaisons para sa Akademikong Taon 2026–2027:

Peter Jael Opelanio, SLIS Representative to the University Freshie Council (UFC)
Aliyah Ashlee Caber, FST Core Liaison
Camryn Elizabeth Perez, FST Core Liaison

Nawa'y inyong paglingkuran, suportahan, at katawanin ang inyong mga kapwa-FSTs maging ang buong komunidad ng SLIS nang may puso, dangal, at pagmamalasakit.

Maaaring maakses ang katitikan ng pulong ng mga panayam at deliberasyon sa ibaba:

🔗 https://bit.ly/SLISFreshieRep_FSTCoreLiaison2627
🔗 https://bit.ly/SLISFreshieRep_FSTCoreLiaison2627
🔗 https://bit.ly/SLISFreshieRep_FSTCoreLiaison2627

Lagi't lagi para sa komunidad ng SLIS! ✊🌻

𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼, 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼! 👋🌻Sa pagbukas ng bagong akademikong taon, ating balikan ang mga programa, proyekto, at ini...
26/08/2026

𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼, 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼! 👋🌻

Sa pagbukas ng bagong akademikong taon, ating balikan ang mga programa, proyekto, at inisyatibang matagumpay na naisagawa ng Konseho ng Mag-aaral ng UPSLIS para sa buwan ng Hulyo:

🗓️ Kasama KITA — Hulyo 6, 13, at 31
🗓️ Oryentasyon ng Konseho sa College Briefing — Hulyo 13
🗓️ Cherry Coquette Merch — Hulyo 27
🗓️ Lakbay Librarian — Hulyo 31

Mula sa pagkampeon ng mga likhang sining ng ating mga lokal na SLIS artista hanggang sa pag-alalay sa mga pangunahing hakbang papasok sa buhay unibersidad ng mga SLIS FSTs, lumiliyab na ang ningas 🔥 ng paglilingkod higit kailanman.

Nais naming magpasalamat sa lahat ng mga nakibahagi at tumulong sa mga kaganapang ito. Higit na pinahahalagahan namin ang inyong boluntaryong paglaan ng oras at panahon sa pagsuporta sa aming mga inisyatiba. 💛

Simula pa lamang ito ng makabuluhang paglalakbay ng Konseho sa patuloy na paglilingkod at pagtataguyod ng kapakanan ng komunidad ng Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon. Inaanyayahan namin ang lahat na antabayanan ang mga proyekto ng Konseho na naghihintay para sa ikauunlad at ipakikinabang ng ating kolehiyo.

Lagi't lagi para sa komunidad ng SLIS! ✊📖



Address

SLIS New Building, Quirino Avenue Cor. Africa Street, UP Campus
Diliman
1101

Opening Hours

Monday 8am - 10pm
Tuesday 8am - 10pm
Wednesday 8am - 10pm
Thursday 8am - 10pm
Friday 8am - 10pm
Saturday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP SLIS Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to UP SLIS Student Council:

Shortcuts

Share

Nearby universities