01/05/2026
𝑷𝒂𝒈𝒑𝒖𝒑𝒖𝒈𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏!
𝗧𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝘀𝗶𝗸𝗼𝗹𝗼𝗵𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮, 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮.
𝑷𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒕𝒖𝒏𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒂𝒕 𝒑𝒖𝒏𝒅𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏
Sa ilalim man ng tirik na araw o sa loob ng mga gusali, ang kanilang mga kamay ang siyang nagpapagana sa makina ng ating lipunan. Sa bawat kumpas ng kanilang mga bisig, nabubuo ang mga pangarap na ating tinatamasa. Mula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa malalaking proyekto, ang kanilang sipag ang dahilan kung bakit patuloy tayong may progreso.
Sa pinakaunang saligan ng ating bayan naka-ugat ang mga kamay na lumilikha, mga kamay na humuhubog sa anyo ng araw-araw na pamumuhay. Sa bawat pagsikat ng umaga, sila ang tahimik na nagpapaikot sa galaw ng mundo. Ang mga manggagawa ang dumadaloy na pwersa sa likod ng mga gusali at serbisyong nagbibigay-hugis sa lipunan kahit madalas ay hindi agad napapansin.
Sa gitna ng patuloy na paglikha, naroroon ang bigat ng mga sistemang panlipunan na hindi palaging pantay ang pagtingin at pagpapahalaga. Ang paggawa ay nananatiling nakatali sa mga hamon ng kontrata, pasahod, at kalagayang panlipunan na humihingi ng higit pa sa lakas ng isip at katawan. Sa kabila nito, ang manggagawa ay patuloy na tumitindig, dala ang pag-asang maipagpapatuloy ang buhay nang may dignidad at pagkilala sa kanilang pinagmulan ng lakas.
𝐾𝑢𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑤𝑎𝑡 𝑔𝑢𝑠𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑖𝑡𝑖𝑟ℎ𝑎𝑛 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑦 𝑝𝑢𝑛𝑑𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛, 𝑠𝑖𝑛𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑖𝑛𝑖𝑘𝑖𝑙𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑛𝑎𝑦 𝑛𝑎 ℎ𝑢𝑚𝑎ℎ𝑎𝑤𝑎𝑘 𝑠𝑎 𝑏𝑖𝑔𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑙𝑖𝑝𝑢𝑛𝑎𝑛?
Sa tanong na ito umuusbong ang diwa ng 𝗶𝗸𝗮-𝟭 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗼, isang pagtingin sa mga kamay na matagal nang bumubuo ng bansa ngunit madalas na nananatiling tahimik sa gilid ng pag-unlad. Sa mga sandaling ito, ang 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 na ang paggawa ay hindi lamang proseso ng pagpapatakbo ng lipunan, ito ay buhay na humihingi ng pagtanaw at paggalang.
𝑷𝒂𝒈𝒑𝒖𝒑𝒖𝒈𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏!
𝗧𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝘀𝗶𝗸𝗼𝗹𝗼𝗵𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮, 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮.
Isinulat nina:
Raina Ellaine Perez ng LCUP
Arianne Gabriella Cailao ng PUP-STC
Likha ni:
Marie Leona France Logmao ng PNU
Olliver Bernardio ng PNC