WVSU COE- Kapisanang Diwa at Panitik

Directions Contact the university

WVSU COE- Kapisanang Diwa at Panitik Organisasyon ng mga nagpapakadalubhasa sa larangan ng Filipino. Para sa Wika, Panitikan, at Bayan.

𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐁𝐔𝐋𝐀𝐇𝐀𝐍!𝑯𝒊𝒘𝒂𝒈𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒕𝒂𝒍𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒎𝒕𝒂𝒏.‎Muling pinatunayan ng mga 𝐒𝐮𝐩𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐢 𝐁𝐚𝐥𝐚𝐠𝐭𝐚𝐬 na hindi lamang sa loob n...
30/10/2026

𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐁𝐔𝐋𝐀𝐇𝐀𝐍!

𝑯𝒊𝒘𝒂𝒈𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒕𝒂𝒍𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒎𝒕𝒂𝒏.

‎Muling pinatunayan ng mga 𝐒𝐮𝐩𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐢 𝐁𝐚𝐥𝐚𝐠𝐭𝐚𝐬 na hindi lamang sa loob ng silid-aralan nagniningning ang kanilang husay. Kaya rin nilang makipagsabayan sa iba't ibang larangan—sa pagsulat, pagbigkas, pagguhit, pag-awit, tagisan ng talino at pagsayaw!

‎Matagumpay na nakamit ng 𝐊𝐀𝐃𝐈𝐏𝐀𝐍 ang 𝘐𝘬𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘓𝘶𝘨𝘢𝘭 bilang pangkalahatang resulta sa naganap na 𝐂𝐎𝐄 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔, na may temang 𝐄𝐧𝐜𝐡𝐚𝐧𝐭𝐚: 𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐌𝐚𝐠𝐢𝐜 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐄𝐱𝐜𝐞𝐥𝐥𝐞𝐧𝐜𝐞.

‎Tunay na mahiwaga ang pagkakaisa ng bawat miyembro—mga isip, kamay, at pusong nagkakapit-bisig sa iisang layunin— makamit ang tagumpay para sa KADIPAN.

‎Pinatunayan ng karanasang ito na higit na nagiging makabuluhan ang bawat kakayahan kapag sinasamahan ng dedikasyon, sakripisyo, at pagtutulungan.

‎Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong at walang sawang sumuporta sa ating mga kalahok. Ang inyong suporta ang nagsilbing inspirasyon upang maibigay nila ang kanilang buong husay at maiuwi ang tagumpay na ito.

‎Sama-sama at tulong-tulong. Lagi't lagi, para sa KADIPAN! 🤎✨

Mga Salita nina Bb. Stephanie Edquila at Bb. Lianne Tondo
Disenyo nina:
Bb. Roxanne Gonzales
Bb. Thea Marie Tubungbanua
G. Lycerme John Ybañez
Bb. Rhoda Allosa

𝗔𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗱𝗮 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮𝗹𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗽𝗲𝗹𝗶𝗸𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴-𝗴𝗶𝗹𝗮𝘀, 𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗻 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗲𝗻𝘁𝗮𝗯𝗹𝗮𝗱𝗼, 𝗮𝘁 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗻...
27/10/2026

𝗔𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗱𝗮 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮𝗹𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗽𝗲𝗹𝗶𝗸𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴-𝗴𝗶𝗹𝗮𝘀, 𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗻 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗲𝗻𝘁𝗮𝗯𝗹𝗮𝗱𝗼, 𝗮𝘁 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗠𝗴𝗮 𝗦𝘂𝗽𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗶 𝗕𝗮𝗹𝗮𝗴𝘁𝗮𝘀

Bidang bida ang mga Supling ni Balagtas sa ikalawang araw ng pagdiriwang ng 𝐂𝐎𝐄 𝐃𝐀𝐘𝐒 noong Oktubre 22, 2026. Sa pagpapatuloy ang kasiyahan, itinampok sa ikalawang araw ang Musical Category tulad ng Vocal Duet Pop, Vocal Solo Pop, Vocal Solo Classical at Instrumental. Ginanap din ang Demo Teaching, IM making, at ang Prof-Ed Quiz Bee na buong galak na sinalihan ng mga kalahok mula sa KADIPAN.

Sa bawat pagtatanghal at kompetisyon, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang galing at kahandaang harapin ang mga hamon. Nagtapos ang pagdiriwang sa masayang programa at pagpaparangal sa mga nagwagi.

‎Higit pa sa mga parangal, naging makabuluhan ang COE DAYS dahil binigyan nito ng pagkakataon ang bawat Supling ni Balagtas na ipakita ang kanilang kakayahan at magbigay-dangal sa kapisanan.

Para sa Wika, Panitikan at Bayan. Lagi't lagi para sa KADIPAN.

Mga Salita nina Bb. Stephanie Edquilla at Bb. Lianne Tondo
Disenyo nina Bb. Mikylla Cañete at Bb. Katrice Althea Ladiagonong

𝗠𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝘂𝗽𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗶 𝗕𝗮𝗹𝗮𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝘄𝗮𝗴𝗮 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝗴𝗹𝗮𝘆 𝗸𝘂𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁𝗼𝗻𝗴 ...
27/10/2026

𝗠𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝘂𝗽𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗶 𝗕𝗮𝗹𝗮𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝘄𝗮𝗴𝗮 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝗴𝗹𝗮𝘆 𝗸𝘂𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆

‎Noong Oktubre 21, 2026, nakiisa ang mga mag-aaral sa pagdiriwang ng 𝐂𝐎𝐄 𝐃𝐀𝐘𝐒 na may temang “𝐄𝐧𝐜𝐡𝐚𝐧𝐭𝐚: 𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐌𝐚𝐠𝐢𝐜 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐄𝐱𝐜𝐞𝐥𝐥𝐞𝐧𝐜𝐞.” Sa loob ng dalawang araw, naging entablado ang pagdiriwang para sa pagpapamalas ng kanilang mga talento at kakayahan.

Sa unang araw ng pagdiriwang, bumida ang mga nagmemedyor sa Filipino mula sa makulay na parada hanggang sa pagtaas ng bandila ng KADIPAN. Hindi rin sila nagpaawat sa lakas ng pagsigaw at mainit na pagsuporta nang magtanghal na ang organisasyon sa ginanap na Mass Dance x Lipsync, kung saan ipinakita ng KADIPAN ang kanilang husay sa pagsayaw at pagbibigay-buhay sa binigay na karakter.

Sa kabilang banda, nagpakitang-gilas naman ang mga kinatawan sa English Category sa pagpapakita ng kanilang galing sa pagpapahayag ng sarili, pag-arte at diwang maipagmamalaki. Itinampok din ang mga manunulat na puspusang ibinuhos ang puso at diwa sa kanilang mga piyesang isinulat sa Malikhaing Pagsulat at Literary Writing. Hindi naman nagpakabog ang mga likhang-sining sa kategorya ng Visual Arts dahil buong husay na sumayaw ang kanilang kamay upang makalikha ng sining na kamangha-mangha.

Pagsapit naman ng hapon, ay ang patimpalak sa FilGaynon kung saan pinabilib ng ating mga kalahok ang mga tagapakinig sa kanilang boses at sa pagsasabuhay ng bawat piyesa. Panghuli ay ang Quiz Bowl na sumubok sa talino at kaalaman ng mga representatibo ng kapisanan.

Tunay ngang kahanga-hanga ang mga Supling ni Balagtas sa alinmang larangan na kanilang naisin sapagkat dala nila hindi lang ang pangalan ng buong organisasyon kundi ang diwa ng bawat miyembrong bumubuo rito. 🤎

Mga Salita nina Bb. Stephanie Edquila at Bb. Lianne Tondo
Disenyo nina Bb. Mikylla Cañete at Bb. Katrice Althea Ladiagonong

𝐒𝐚 𝐬𝐚𝐥𝐢𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐬𝐢𝐤𝐚, 𝐮𝐦𝐢𝐢𝐧𝐝𝐚𝐲𝐨𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐥𝐮𝐰𝐚. 𝐀𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐲𝐚𝐰 𝐚𝐲 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠𝐚-𝐡𝐚𝐧𝐠𝐚.Maligayan...
26/10/2026

𝐒𝐚 𝐬𝐚𝐥𝐢𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐬𝐢𝐤𝐚, 𝐮𝐦𝐢𝐢𝐧𝐝𝐚𝐲𝐨𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐥𝐮𝐰𝐚.
𝐀𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐲𝐚𝐰 𝐚𝐲 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠𝐚-𝐡𝐚𝐧𝐠𝐚.

Maligayang Kaarawan sa aming Pang. Direktor ng Indak, 𝗕𝗯. 𝗞𝗿𝗶𝗲𝘀𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗲 𝗕𝗶𝗹𝗯𝗮𝗼! 🥳

Ang iyong kontribusyon sa ating organisasyon ay lubos na pinasasalamatan ng kapisanan. Hindi lamang mga kamangha-manghang sayaw ang iyong ibinahagi, kundi pati na rin ang inspirasyon at dedikasyon na magpatuloy sa pagsulong ng ating sining. Ikaw ang nagsisilbing gabay at lakas ng bawat mananayaw upang higit pang paghusayan at pagningasin ang alab sa kanilang mga puso sa patuloy na pagmamahal sa pagsasayaw.

Nawa'y ang araw na ito ay mapuno ng kasiyahan at biyaya para sa iyo. Hiling namin ang iyong tagumpay sa lahat ng bagay na iyong naisin. Patuloy mong ipahayag ang iyong sarili sa sining na hindi na kailangang magsalita upang maintindihan. Sapagkat sa bawat indak, ang iyong puso ay aming nadadama. Lubos kang minamahal at pinahahalagahan ng buong KADIPAN.

𝐀𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐠𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐮𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐤𝐮𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐡𝐢𝐡𝐢𝐧𝐭𝐚𝐲 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐬𝐚 𝐧𝐢𝐭𝐨 ...
25/10/2026

𝐀𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐠𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐮𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐤𝐮𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐡𝐢𝐡𝐢𝐧𝐭𝐚𝐲 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐬𝐚 𝐧𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐡𝐮𝐡𝐮𝐬𝐠𝐚. 𝐒𝐚 𝐥𝐢𝐤𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐦𝐢𝐠 𝐧𝐚 𝐫𝐞𝐡𝐚𝐬, 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐚𝐲 𝐝𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐛 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐲𝐚.

Sa pangunguna ng WVSU-College of Education Filipino Language Teaching Division (FLTD) at Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN), matagumpay na nailunsad ang kanilang inisyatiba na 𝘗𝘳𝘰𝘫𝘦́c𝘵 𝘉𝘈𝘉𝘈𝘠𝘐 (𝘉𝘶𝘭𝘪𝘨 𝘬𝘢𝘨 𝘈𝘮𝘰𝘮𝘢 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘣𝘢𝘺𝘪 𝘐𝘱𝘢𝘣𝘢𝘵𝘺𝘢𝘨!) sa 𝗟𝗲𝗰𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗼𝗻 𝗪𝗿𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗵𝗼𝗿𝘁 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀 (Pagsulat ng Maikling Kuwento). Katuwang ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ang proyekto ay idinaos noong Oktubre 15, 2026, sa BJMP–Iloilo District Jail (IDJ) Female Dormitory, Brgy. Nanga, Pototan, Iloilo, na aktibong nilahukan ng mga Person Deprived of Liberty (PDL). Bahagi ito ng pagpapatuloy ng adbokasiya ng programa na palawakin ang literasi at gamitin ang panitikan bilang kasangkapan sa rehabilitasyon at paghilom.

Naging sentro ng gawain ang sesyon sa 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗶𝗸𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗞𝘂𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼, kung saan pinangunahan nina 𝐃𝐫. 𝐏𝐞𝐚𝐫𝐥𝐲 𝐉𝐚𝐝𝐞 𝐄. 𝐒𝐚𝐦𝐢𝐥𝐨 at 𝐃𝐫. 𝐍𝐞𝐧̃𝐚 𝐕𝐚𝐧𝐞𝐬𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐛𝐢𝐥𝐞𝐬 ang unang talakayan tungkol sa 𝘼𝙣𝙖𝙩𝙤𝙢𝙞𝙮𝙖 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙞𝙠𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙆𝙪𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤, na sinundan naman ng pagbabahagi at pagtalakay nina 𝐏𝐫𝐨𝐩. 𝐌𝐞𝐫𝐥𝐲𝐧 𝐙𝐨𝐥𝐢𝐧𝐚 at 𝐏𝐫𝐨𝐩. 𝐄𝐯𝐞𝐥𝐲𝐧 𝐂𝐨𝐫𝐝𝐞𝐫о. Sa pamamagitan ng paglikha ng sarili nilang mga maikling kuwento, nabigyan ang mga PDL ng makapangyarihang daluyan upang ipabatid ang kanilang mga kuwento—isang patunay na ang panitikan ay may kapangyarihang magpalaya ng damdamin at maging boses ng pag-asa sa loob ng piitan.

Ang pagsulat ay paglaya. Ang bawat tao, pinagkaitan man ng pisikal na kalayaan, ang panitikan ay kalawakang nagsisilbing espasyo upang malayang maipagaspas ang pakpak ng isipan.

Mga Salita ni Bb. Apple Grace Doroteo
Disenyo ni Bb. Rhoda Allosa

𝗣𝗔𝗚𝗛𝗨𝗟𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗬𝗔𝗛𝗔𝗡: 𝗞𝗔𝗗𝗜𝗣𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗨𝗟𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡!Bilang bahagi ng pa...
23/10/2026

𝗣𝗔𝗚𝗛𝗨𝗟𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗬𝗔𝗛𝗔𝗡: 𝗞𝗔𝗗𝗜𝗣𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗨𝗟𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡!

Bilang bahagi ng patuloy na paglinang sa kaalaman at kakayahan ng mga magiging tagapagtaguyod ng edukasyon, dumalo ang mga kinatawan ng Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN), kasama ang ilang mga g**o sa hinaharap mula sa iba't ibang organisasyon at unibersidad, sa makabuluhang programang “𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐓𝐨𝐦𝐨𝐫𝐫𝐨𝐰: 𝐅𝐮𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐨𝐫𝐬’ 𝐁𝐨𝐨𝐠𝐜𝐚𝐦𝐩” na may temang “𝐔𝐧𝐥𝐨𝐜𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐭𝐫𝐞𝐧𝐠𝐭𝐡𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬: 𝐄𝐦𝐩𝐨𝐰𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫𝐬 𝐨𝐟 𝐓𝐨𝐦𝐨𝐫𝐫𝐨𝐰.” Ginanap ang programa sa Iloilo Girl Scout Council, Iloilo City, noong Oktubre 9, 2026.

Nagsilbing mahalagang pagkakataon ang naturang programa upang higit na mapalawak ang kaalaman, malinang ang mga kakayahan, at mapatatag ang kahandaan ng mga kalahok sa kanilang hinaharap na tungkulin bilang mga tagapagturo.

Sa pamamagitan ng makabuluhang gawaing nakatuon sa pagpapaunlad ng sarili at propesyonal na kakayahan, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging bukas sa bagong kaalaman, patuloy na pagkatuto, at kahandaang umangkop sa nagbabagong pangangailangan ng larangan ng edukasyon.

Mga Salita ni Bb. Anna May Apelo
Disenyo ni Bb. Charie Rose Villaruz

𝐍𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐧𝐚: 𝐏𝐚𝐮𝐬𝐛𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐲𝐚𝐛𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧Ngayong 𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝘿𝙖𝙮 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙚 𝙄𝙣𝙩𝙖𝙣𝙜𝙞𝙗𝙡𝙚 𝘾𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖𝙡 𝙃𝙚𝙧𝙞𝙩𝙖𝙜𝙚, ating binibig...
17/10/2026

𝐍𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐧𝐚: 𝐏𝐚𝐮𝐬𝐛𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐲𝐚𝐛𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧

Ngayong 𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝘿𝙖𝙮 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙚 𝙄𝙣𝙩𝙖𝙣𝙜𝙞𝙗𝙡𝙚 𝘾𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖𝙡 𝙃𝙚𝙧𝙞𝙩𝙖𝙜𝙚, ating binibigyang-halaga ang ating mayamang kultura—mga katutubong sayaw, tula, awit, ritwal, kasabihan, at salaysay na minana pa natin sa ating mga ninuno.

Bilang mga g**o at mag-aaral na sama-samang nagtataguyod ng wika, panitikan, at bayan, patuloy nating isinasabuhay at ipinagtatanggol ang ating mga buhay na pamana—wika, panitikan, tradisyon, at kulturang Pilipino. Hindi lamang ito bahagi ng nakaraan; ito ay 𝐡𝐚𝐥𝐢𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐮𝐤𝐮𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐚𝐡𝐚𝐫𝐚𝐩.

𝘚𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺, 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘶𝘶𝘴𝘣𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘵 𝘺𝘢𝘺𝘢𝘣𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢. 🤎

Mga Salita Nina Bb. Charlene Pearl Solon at Bb. Cheryl Saurin

Disenyo ni Bb. Charie Rose Villaruz

𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗴-𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗿𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗶𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗶𝗻.Ngayong araw, ating ipi...
10/10/2026

𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗴-𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗿𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗶𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗶𝗻.

Ngayong araw, ating ipinagdiriwang ang 𝙒𝙤𝙧𝙡𝙙 𝙈𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 𝘿𝙖𝙮 na may temang "𝘓𝘪𝘷𝘦𝘥 𝘦𝘹𝘱𝘦𝘳𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘥: 𝘳𝘦𝘢𝘭 𝘷𝘰𝘪𝘤𝘦𝘴, 𝘳𝘦𝘢𝘭 𝘤𝘩𝘢𝘯𝘨𝘦." Ito ay isang paanyaya sa ating lahat na buksan ang ating puso at kaisipan na makinig nang walang paghuhusga.

Ang kuwento ng pag-asa at bawat salita ng bawat indibidwal ay may malalim na katuturan. Sa pagkilala sa mga karanasang ito, mas nauunawaan natin ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating kalusugang pangkaisipan—katulad na lamang ng pagpapahalaga natin sa ating pisikal na katawan. Hindi sapat na marinig lamang natin ang boses ng iba, kinakailangan itong pakinggan nang may tunay na pag-unawa at malasakit. Ang paglikha ng ligtas at malayang espasyo para sa pagpapahayag ang siyang bubuwag sa estigma sa ating lipunan.

Ang bawat boses na ating pinakikinggan ay nagiging pundasyon ng tunay na pagbabago. Kaya naman, maging boses tayo ng pag-asa at makiisa sa pagbuo ng isang lipunang walang humuhusga, kundi yumayakap sa bawat pinagdadaanan ng bawat isa.

Mga Salita ni G. Revin Francisco
Disenyo ni G. Sean Drake Gabito

Kayo ang haligi sa paghubog ng kaalaman at nagpapahalaga sa kinabukasan ng ating bayan. Kaya taos-pusong inihahandog ng ...
05/10/2026

Kayo ang haligi sa paghubog ng kaalaman at nagpapahalaga sa kinabukasan ng ating bayan.

Kaya taos-pusong inihahandog ng 𝐁𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐃𝐚𝐰𝐚𝐧𝐢 ang pasasalamat sa bawat g**o na naging parte ng paglalakbay ng bawat mag-aaral.

𝙈𝙖𝙡𝙪𝙜𝙤𝙙 𝙣𝙖𝙢𝙞𝙣 𝙠𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙗𝙞𝙣𝙖𝙗𝙖𝙩𝙞 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝘼𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙂𝙪𝙧𝙤! 🤎👩‍🏫👨‍🏫

𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐎, 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐖𝐀𝐍𝐀𝐆
(𝐼𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑙𝑎𝑦 𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑔𝑝𝑢𝑝𝑢𝑔𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝐷𝑎𝑤𝑎𝑛𝑖 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑔𝑢𝑟𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑚𝑎𝑛𝑑𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑖𝑛𝑎𝑏𝑢𝑘𝑎𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎ℎ𝑢𝑠𝑎𝑦)

Noong una, ako’y anino lámang sa dilim,
Walang hugis ang búkas, walang tiyak na himig;
Isang munting gunita sa malawak na hangin,
Isang tanong na ligaw sa tahimik na daigdig.

Ngunit may mga tinig na dahan-dahang sumibol,
Sa pisara’y may araw na sa isip ay umusbong;
Bawat g**o’y kandilang sa dilim ay tumanglaw,
At ang dating malabo’y nagkaroon ng tanaw.

Unti-unting naglinaw ang guhit ng pangarap,
Mula sa mumunting tanong, nagkaroon ng sagot;
Ang takot na dati’y pumipigil sa paglákad,
Ay naging mga pakpak na sa langit ay pumailanlang.

Sa bawat pagkadapa, may kamay na umakay,
Sa bawat págod at luha, may tinig na nagsabing “𝑙𝑢𝑚𝑎𝑏𝑎𝑛”;
Hindi man nila hawak ang búkas na minimithi,
Sila ang nagbigay-lakas upang kami’y mangarap muli.

Ngayon, ikaapat na taon, papalapit ang wakas,
Ang mga silid na saksi’y maiiwan kong bakas;
Ngunit ang aral nila’y hindi kailanman lilisan,
Dahil ang g**ong minahal ay sa puso nakaukit kailanman.

Kayâ sa araw na ito, sa inyo ang pagpupugay,
Sa mga kamay na humubog, sa pusong di napagod kailanman;
Kung kami man ay lilipad sa landas ng tagumpay,
Kayo ang unang hangin sa pakpak namin na sumabay.

At kung dumating ang araw na kami’y tuluyang lumayo,
Baunin ninyo ang bakas ng inyong itinanim sa puso;
𝙎𝙖𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙗𝙨𝙩𝙧𝙖𝙠𝙩𝙤, 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤’𝙮 𝙢𝙖𝙡𝙞𝙣𝙖𝙬 𝙣𝙖 𝙩𝙖𝙣𝙖𝙬𝙞𝙣:
𝘼𝙣𝙜 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙧𝙖𝙥 𝙖𝙮 𝙗𝙪𝙣𝙜𝙖 𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙧𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙨𝙪𝙢𝙪𝙠𝙤 𝙨𝙖 𝙖𝙢𝙞𝙣.

𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑮𝒖𝒓𝒐 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒔𝒊𝒎𝒖𝒍𝒂’𝒕 𝒔𝒂𝒑𝒖𝒍 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒓𝒊𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒍𝒊𝒑𝒂𝒓𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒆𝒓𝒐𝒑𝒍𝒂𝒏𝒐 𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒓𝒂𝒑. 💐

Tula ni JC Rey Padilla
Disenyo ni Aleya Trisha Taño

05/10/2026

Kayo ang haligi sa paghubog ng kaalaman at nagpapahalaga sa kinabukasan ng ating bayan.

Kaya taos-pusong inihahandog ng 𝐁𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐚𝐠 ang pasasalamat sa bawat g**o na naging parte ng paglalakbay ng bawat mag-aaral.

𝙈𝙖𝙡𝙪𝙜𝙤𝙙 𝙣𝙖𝙢𝙞𝙣 𝙠𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙗𝙞𝙣𝙖𝙗𝙖𝙩𝙞 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝘼𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙂𝙪𝙧𝙤! 🤎👩‍🏫👨‍🏫

Address

Luna Street, La Paz
Iloilo City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when WVSU COE- Kapisanang Diwa at Panitik posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to WVSU COE- Kapisanang Diwa at Panitik:

Share