04/06/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๏ธโ๐
Ang Tinding ng UP Diliman Gender Office Ngayong Pride
Tuwing Hunyo, nababalot ang UP Diliman ng matitingkad na kulay. Ngunit sa likod ng pagdiriwang ng Pride ay ang mabigat na reyalidad: ang ating laban para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian ay hindi kailanman maihihiwalay sa mas malawak na laban ng bayan.
Ilang dekada tayong kinumbinsi na ang bahaghari ay simbolo ng kapayapaang lumalabas lamang pagkatapos ng unos. Gusto nilang maghintay tayo hanggang tumila ang ulan, umaasa sa isang Pride na tahimik at sunud-sunuran. Ngunit nang sagutin ng estado ng dahas, panliligalig, at red-tagging ang ating panawagan, basag ang ilusyong ito.
Inakala ng estado na ang pulang paratang na ito ay magkukulong sa atin sa takot. Nagkakamali sila. Ang pulang ibinabansag nila sa atin ay ang mismong unang kulay ng ating bahaghariโang dugong ibinuwis nina Alyssa Alano, Maureen Santuyo, Chad Booc, Kal Peralta, at iba pang martir ng pamantasan. Ito ang namumuong galit ng mga isinasantabi.
Basahin ang buong pahayag ng UP Diliman Gender Office (UPDGO) ngayong Pride Month. Igiit natin ang isang tunay na ligtas na espasyo, labanan ang pasismo, at ipaglaban ang materyal na dignidad ng lahat!
Hindi na natin hihintaying lumipas ang bagyo; tayo ang bagyo. Ang watawat ng bahaghari na ating itinataas ay hindi na lamang simbolo ng kapayapaan kundi isang bandila ng paglaban. โ๐
๐ฃ Hindi Red Tag, Rainbow Flag!
๐ฃ Justice for Alyssa Alano and Toboso 19!
๐ฃ Defend Academic Freedom and Human Rights!
๐ฃ Pass the SOGIESC Equality Bill Now!